Will be more motivated if I'll have someone to talk to about this story. Yay! Thank you!
Padabog kong binagsak ang sarili ko sa sofa. Hindi nawala ang galit na nararamdaman ko kanina pa.
Malakas ang kutob ko na kung iisa lang ang nagpapadala nito sakin pati ang sumusunod sakin. Hindi ako nagkakamali sa mga ganito.
Sad to say, I'm skilled when it comes to this. Kayang kaya ko silang patumbahin gamit ang kamao ko. At kung sinoman ang hinayupak na gumagawa nito sakin, magtago na siya. Dahil hindi na ko natutuwa sa larong ginagawa niya.
Pumasok ako sa kwarto ko at binuksan ang cabinet. Nilagay ko ang bulaklak sa tabi ng iba pang mga pinadala nito sakin.
Most of it were letters. Bulaklak, teddy bear o di kaya'y telang pula. Yes, tela. Nung natanggap ko rin 'to, dun ako nakaramdam ng kaba. Sinong matino ang magpapadala ng tela?
Pagkatapos kong mag-half bath, sinara ko ang pinto. Pati ang bintana ay dinouble lock ko. Pumasok ako sa kwarto muli at nilock din iyon. I even turned all the lights off. I just need to make sure.
Humiga ako at nagkumot na. Ipinikit ko ang mga mata ko pero dahil sa pakikiramdam ay ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako nakakatulog.
Not until I saw the shadows. Dumaan ito sa likuran ko which is ang kwarto ko. Kaya tumayo ako at dahan dahang binuksan ang pinto. Doon ko nakita ang anino nito na nakatayo sa likuran ng bintana. Mukhang may balak itong sumilip pero dahil doble doble ang paglock ko ay nahihirapan ito.
Hindi na ako kumilos. Nanatili akong nakatayo sa pintuan ng kwarto habang tinitignan ang anino. Sigurado akong nakasuot ito ng isang full suit dahil kitang kita ang katawan nito. Lalaki. Hindi makakatakas sakin ang balikat niya na halatang panglalaki. At sa tingin ko, nasa 5'8 ang height nito.
Matapos siyang pagmasdan, sinara ko na muli ang pinto ng kwarto ko.
I'll play with your game.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para na rin pumasok. Nagtext sakin si Mama na pinasok niya na raw ang sahod ko sa account ko kaya tinignan ko agad ang ref at ang banyo kung may stock pa ako ng mga gamit. Bago umalis, nilista ko muna ang mga kailangang bilhin mamaya sa hypermarket. Nang masulat ko na lahat ay lumabas na ako at siniguradong nakalock ang pintuan.
Pagkalabas ko mula sa gate ng apartment ay sinalubong agad ako ng nagaalalang mukha ni Asher. Nakauniporme na rin siya katulad ko pero hindi pa nasasara ng tuluyan ang polo niya.
"Good morning, parekoy!" masigla kong bati sakaniya hanggang sa tuluyan na siyang makalapit.
"May pumasok ba sa bahay mo kagabi?" puno ng pagaalala ang boses niya. Even his eyes reflects his voice.
"Wala naman. Bakit?"
How did he know?
Nagpakawala siya ng buntong hininga. Para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib niya. Pinasadahan niya ang buhok niya bago ako tignang muli.
"Nagiinuman sila Ontong kagabi nung may nakita raw sila na tumakbo mula dito sa gate. Hindi nila nakita yung itsura kasi nakabalot ang buong katawan pati mukha. Hahabulin daw sana nila pero dahil sa bilis ng takbo hindi na nila pinansin dahil lasing na rin sila," tumango ako. "Hindi ka nagulat. Alam mo na merong nagmamatyag sayo?"
This time, ako naman ang bumuntong hininga.
"Matagal na, Abo," nakita kong p-protesta pa sana siya sa sinabi ko kaya nagsalita na ako ulit. "Tara na. Pasok na tayo. Ang aga aga iniistress mo sarili mo diyan." sabi ko at nagsimulang maglakad palayo.