Alessandra kept on texting me while I'm busy on my prelim exams. Alam niya kasing hindi ako ang nagbabantay sakaniya kundi si Jen at Lian. Asher isn't available as well as Clark. Pero napagusapan na namin na kaming tatlo ang magkakasama sa task na ito. Unless we'll be needing more people.
"Are you really that busy? When's the last day of your exam? I want to go out!" halos magmaktol na si Alessandra sa kabilang linya.
Nandito ako ngayon sa bahay, nagrereview, nang biglang tumawag 'tong alaga ko at nag-alburoto.
"Last day na bukas. You can go out with Jen and Lian, Sandra. I need to focus on my exams." Jusko po. Pati ako nahahawa na sa kaka-english ng babaeng 'to!
"Ehhhh!" reklamo niya kaya nailayo ko ang cellphone sa tenga ko. "I'm more comfortable wih you. I mean, they're nice but... basta! Can I just even go there?"
"Hindi pwede." pinal kong sabi. Napapahawak ako sa sentido ko. Mas masakit pa sa ulo 'tong si Alessandra kesa sa mga nirereview ko.
"Ugh!" Wow! Siya pa nainis? "Okay. Focus ka muna diyan. But tomorrow I'm going to pick you up, ha! I'm not going to take no!" aniya at binabaan ako.
Pinatay ko na lang din ang cellphone ko para makapagfocus sa pagrereview. Ilang oras din ang tinagal ko roon pero mabuti naman at pumasok lahat sa isip ko ang nireview ko.
Natapos akong magreview ng alas siyete ng gabi. Tinabi ko lahat ng libro ko at tumungo na sa kusina dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Niluto ko yung natitirang hotdog at nagsaing na rin. Habang hinihintay na matapos ang sinaing naglinis-linis na rin muna ako sa sala.
Isang pagpapakawala ng buntong hininga ang ginawad ko kinabukasan nang matapos ang exams. Pagkalabas ko ng room ay sinalubong ako ni Asher na may hawak na maruya.
"Yown!" nag-highfive pa kami.
"Kamusta exams?" tanong niya sakin at sinimulang lantakan ang maruya niya.
"Swabe naman. Lahat ng nireview ko nandun kaya okay na okay."
"Yabang!"
"Sira ba ulo mo? Tinanong mo ako, e!"
Tumawa siya at nakita ko pa ang cheese sa ipin niya. Napakababoy talaga neto kahit kailan.
Pinagusapan lang namin ang tungkol sa exam namin habang palabas ng University. Nawala sa isip ko ang sinabi ni Alessandra kahapon kaya nagulat ako nang makita ko ang sasakyan niya na nagaabang. Nakahalumbaba pa siya dahil nakababa ang bintana ng driver's seat niya habang ngumunguyanng chewing gum at nakashades.
"Si..." Asher trailed off at tinuro pa si Alessandra.
"You're not safe on going everywhere without someone with you," sabi ko pagkalapit ko sakaniya.
"Wow. Ayoko na nga nagkaka-english-an na, e. Sermon lang walang english-an." bulong sakin ni Asher kaya siniko ko siya.
Pinaputok niya pa muna ang chewing gum niya at binaba ang salamin niya para tignan ko.
"You think I'm alone?" may pinindot siya sa loob ng sasakyan at bumaba ang bintana sa back seat. Nakita ko roon si Jen at Lian na sumisipsip ng starbucks habang ngiting ngiti.
"Hi, lead!" kumaway pa ang dalawa.
"Am I alone?" mataray na tanong sakin ni Alessandra. "Oh, you're with someone. Hi! Sama ka? Sakay kana sa likod. Aela, hop in. I've waited for hours."