Nang ang eleven thirty, nilabas na namin ang mga gamit namin. Hindi ko alam kung anong oras ba yung alis namin pero sabi lang ni Alessandra mag-antay kami ng saktong alas dose. Halatang pagod ang lahat dahil bigla-bigla na lang silang tatahimik kahit na may pinag-uusapan. Pero still, alerto sila dahil sa sinend ko na message.
Nasa taas pa si Alessandra dahil inaayos niya lang daw ang kwarto niya. Madalas pala talaga sila rito dati lalo na nung Senator pa ang tatay niya at nandito pa ang mga pinsan niya sa Pilipinas. Ito raw talaga yung nagiging reunion nila kapag umuuwi sila ng Boracay. Kaso kasi ngayon, lahat na ng kamag-anak niya nasa iba't-ibang bansa.
"Wait lang," paalam ko sakanila at pumunta sa kusina.
Minsan lang ako mapunta rito kaya kailangan kong masagot yung mga tanong na nasa isip ko.
"Hi. Thea, right?" tulad na lang nitong tanong na 'to. "Is there something wrong? Or do you have anything to say to me?" Nakita ko ang takot sa mata niya kaya nagpanic agad ako. Hala! Hindi ko naman siya gustong takutin! "Hey, calm down. Hindi kita aanuhin, promise. Sabihin mo lang sakin kung ano yung iniisip mo. Kanina mo pa kasi ako tinitignan."
Alam mo yung parang may gusto siyang sabihin sayo pero hindi niya ginagawa kaya naiiwan kang clueless? May atraso ba ko sakaniya dati? Nahawakan ko na ba yung pamilya niya? Hindi ko alam! Ang daming tanong sa isip ko pero siya lang ang makakasagot nun!
"S-Sorry po... pero mahigpit po kasing kinausap yung pamilya namin na kung ano yung alam namin, mananatili lang samin."
Then, confirmed! May alam siya! Alam tungkol saan? "Who threatened you?" kalmado kong tanong.
Umiling lang siya. "Sorry po, Miss. Hindi po talaga pwede. Mag-iingat po kayo sa byahe niyo pabalik ng Maynila." aniya at tinalikuran na ako.
Pinanood ko lang ang likod niya na nagmamadaling makalabas ng bahay. Weird. Tho, on the other side, naiintindihan kong confidential iyon. They're serving a former Senator kaya all informations that they knew while Mr. Raoet was still in the senate should be confidential.
Umakyat ako sa kwarto ni Alessandra nang makapa kong wala sa bulsa ko iyong cellphone ko. Naalala kong iniwan ko nga pala 'yon na nakacharge sa kwarto kaya kinuha ko agad 'yon. Pababa na sana ako ulit nang magkasalubong kami ni Alessandra sa hallway.
Teka. Hindi siya galing sa kwarto niya. Tinignan ko ang pinanggalingan niya at napansing galing siya sa dulo kung nasaan iyong hagdan na papunta sa office na pinuntahan ko kanina!
"Sa'n ka galing?" I tried to act innocent. Hindi niya pwedeng malaman na galing din ako roon. I know I was invading their privacy but curiousity shits.
I saw a glimpse of dark expression through her eyes before it vanished. Agad siyang ngumiti sakin.
"Just making sure all the doors are locked," kumapit siya sa braso ko. "Let's go?"
Nakarinig kami ng kung anong ingay sa labas kaya sumenyas agad ako sa Team Ales. Nakita kong kuminang bigla ang swiss knife ni Asher sa tagiliran niya dahil sa biglang paggalaw niya. Si Frank naman napahawak bigla sa baril na nakasuksok sa bulsa ng cargo shorts niya.
Habang ako, pinakinggan ko ang ingay sa labas. Parang humihigop. Sobrang ingay at ang lakas ng impact dail bahagyang umaalog ang lupa.
"Hey! Chill! That's just our chopper!" tumatawang sabi ni Alessandra. "Come on! Guns and knives are prohibited to be shown!"
Kinuha ko ang gamit ko pero alerto pa rin ako hanggang sa makalabas kami. Nakampante lang ako nang makita ko ang chopper na nasa taas at naglaglag ng hagdan.
"See? I told you!" sigaw ni Alessandra at naunang umakyat.
Sunod-sunod na kaming umakyat. Nang masigurong kumpleto na kami ay sinara na nung tauhan nila Alessandra yung pinagdaanan namin at inayos ang hagdan.