Chapter 43

375 16 0
                                    

"Kapag talaga ako lead napagalitan, ha!" halata ang pagiging kabado sa boses ni Jen na nasa likuran ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Narinig ko ang pagbagsak ng pintuan ng kotse at ang pagtakbo palapit samin ni Frans. Silang dalawa lang ni Jen ang sinama ko dahil mahihirapan ako kung pati si Lian. Besides, ginawa ko munang cover-up si Lian sa ospital. Galingan niya lang sana ang pag-acting.

"Hindi nila malalaman kung hindi kayo magsusumbong at kung hindi papalpak si Lian sa gagawin niya,"

Todo alalay silang dalawa sakin kahit ilang beses ko ng sinasabi na ayos na ako. Hindi naman na ako tulad nung mga nakaraang araw na sobrang nanghihina. Nakakakain na ako ng mga maaayos na pagkain kaya nababalik ko na yung resistensya ko. Hindi ko lang alam bakit alagang-alaga pa rin ako ng mga 'to.

"Imposible naman kasi yung gusto mong gawin ni Lian, lead, e! May papasok at papasok sa kwarto mo! Gigisingin siya ng mga 'yon lalo na kung si Alessandra ang papasok. Edi mabibisto tayo!"

Umirap ako dahil sa panginginig ng boses ni Jen. Pati yung kamay niya na nakahawak sa braso ko nanginginig na.

Huminto ako sa paglalakad para maharap sila. Si Frans tahimik lang sa tabi ko kahit na alam kong kinakabahan din siya.

"Jen, feeling ko maiihi ka sa sobrang kaba kaya kung ako sayo tumakbo ka na sa banyo. Sasaluhin ko nga kayo kung sakaling mabisto tayo kaya 'wag kayong mag-alala!" pang-ilang ulit ko.

"E kasi naman..." hindi na natuloy ni Jen yung sinasabi niya dahil kinagat niya na lang yung labi niya.

"Tsaka bibilisan ko, okay? Para mabilis din tayong makabalik."

Hindi ko na hinintay ang sagot nila at tumalikod na. Pumasok ako sa headquarters at sunod-sunod ang naging paglingon ng mga ahente na naiwan. Yung iba, tinanong ako agad kung kamusta ako. Yung iba naman mukhang alam na hindi ako dapat nandito dahil halatang gulat sila.

"Walang magsasabi kay Boss na nandito ako. Kapag nalaman kong may nakalabas na balita sakin kayo mayayari." pagbabanta ko.

Pinaturo ko agad kay Frans kung saan naka-stay si Alisson. Nalaman ko kasing hindi pala muna siya dinala sa presinto. Since licensed naman si Tita Juliana nagdesisyon siyang dito muna i-interrogate yung bruha.

Nakarating ako sa tapat ng isang bakal na pintuan. May maliit na bintana sa bandang taas nun na is-slide para makausap ang nasa loob. Tumingkayad muna ako para silipin si Alisson at nakita ko siyang nasa isang sulok. May pagkain sa lamesa malapit sakaniya pero mukhang hindi niya ginalaw dahil ang ayos pa.

"Dalhin niyo siya sa interrogation room," utos ko sa dalawa.

Nauna akong maglakad papunta sa kwartong tinutukoy ko. Habang naglalakad narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa kwarto ni Alisson at ang pag-alma niya. Puro pagmumura ang naririnig ko at kung ano-anong kabaliwan kaya malakas na sinara ko ang pintuan sa interrogation room para hindi ko marinig ang boses niya.

Sila Jen pa lang ang nakikita niya pero ganun na siya umasta. Paano pa kaya kung ako na 'yon? Baka mapatay na ako ng tuluyan.

Umupo ako sa pwesto na nakaharap sa pintuan. Pinatong ko ang paa ko sa lamesa habang pinaglalaruan ang ballpen na nakapatong doon. Ilang saglit lang, pumasok na ang tatlo at napatigil si Alisson nang makita ako. I gave her a warm smile. Nung tuluyan na niya sigurong na-realize na ako yung nasa harap niya unti-unting umusbong ang galit sa mga mata niya.

"What the fuck do you want?" madiin niyang sambit at pabalibag siyang inupo nila Jen.

"Jen, pagawa naman ng isang hot choco. Thank you," ngumiti ako nang tanguan ako ni Jen.

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon