Chapter 40

432 18 0
                                    

"We need to plan an attack, Ae. I talked to Dad and he told me about his plan. Pinapaikot niya lang si Alisson! He wanted her to believe that he's really going to give her the company and land that she wants. He wants us to process some fake papers and be the one to give it to Alisson. We need to get our father out there, Ae."

Kanina pa siya salita ng salita sa harap ko pero lumalabas lamang lahat ng 'yon sa kabilang tenga ko. I feel so drained. So empty. Gusto ko na lang magpahinga at 'wag munang mag-isip ng iba pero alam kong imposible 'yon. Despite of learning about my mother's death, there's still one of my parents who's alive and is now fighting for his life.

"Alessandra, can you let your sister rest for awhile?" rinig kong sambit ni Tita Alicia.

Naubos na ata lahat ng pwede kong maramdaman dahil nanatili na ang pagiging blangko ng buong sistema ko. Nararamdaman ko na yung sarili ko na napapagod sa lahat. Parang gusto ko na lang magpakalayo-layo muna para ipahinga manlang yung sarili ko. Pero alam kong hindi pwede.

Sinusubukan ko namang tumingin kabilang bahagi. Sinusubukan kong palakasin ang loob ko by thinking na nandyan pa yung Papa ko. Buhay. At kailangan lang masalba.

"Mom, she can't! Time's ticking, Ae? Tick tock tick tock?" mapanuya niya pang sambit sakin.

"Call my team. Tell them what to do. Maliligo lang ako."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tumayo na. Naglakad ako patungo sa kwarto. Hindi ko inalintana ang titig nila sakin dahil sigurado akong nagtataka sila kung anong nangyari.

I took my clothes off before stepping inside the shower. Hinayaan kong umagos sa katawan ko ang katamtamang lamig ng tubig. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pinilit ipagpahinga ang sarili kahit manlang sa pamamagitan ng pagligo.

Alam kong nagtagal ako sa banyo dahil nakailang katok na si Alessandra sa labas. Naririnig ko na rin ang inis niyang boses pero hindi ko siya pinansin. Kumukulo yung dugo ko sakanilang mag-ina kahit na alam kong pinalampas ko na ang ginawa ni Alessandra sakin. Para bang dahil sa ginawa ng nanay niya nawala yung pagpapatawad na gusto kong ibigay ng buo.

"Really, Machaela? What is your problem? Akala namin nagpakalunod ka na sa banyo sa sobrang tagal mo! What's happening to you?"

Kung wala lang akong inaalintana ngayon sa nararamdaman ko, malamang nagulat ako lalo na't naka-towel pa ako o baka nahambalos ko pa nga siya.

"Tapos na ako. Antayin niyo na lang ako sa baba,"

"No! You tell me first what's your problem! Simula nung umuwi kayo ni Mommy ganyan ka na! May ginawa ba si Mommy sayo?"

Kinakalma ko ang sarili habang tinitingnan siyang maghimutok sa harapan ko. Bakit ganun? I'm the one who's hurt. I'm the one who just discovered the truth about my Mom's death pero bakit ako pa rin 'tong ayaw na munang ungkatin 'yon dahil gusto kong maligtas muna yung Papa ko? May karapatan akong isampal sakanila kung gaano sila kawalanghiya mag-ina pero bakit hindi ko magawang kamuhian sila hanggang sa kamatayan?

"Please, Ales, if you want this over, stop asking questions. Tapusin na lang natin 'to," malamig ngunit may halong pagmamakaawa na ang boses ko.

Naaawa na ako sa sarili ko. Pakiramdam ko wala akong kakampi.

Humigpit ang hawak ko sa tuwalya nang hawakan ni Alessandra ang kanang kamay ko. I felt something inside me that is foreign. I felt... disgusted and somehow, rage.

"We will deal with what's happening to you once we finish this, okay? Just please, I need you in this fight. If you're still mad at me, then please, just think about our father."

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon