Ilang linggo ang lumipas at naging abala ako para naman sa finals. Prelim at Finals lang ang meron ang University so dahil ilang weeks na din simula nung natapos prelim palapit na ng palapit ang finals.
"Reviewhin mo nga ako," sulpot bigla ni Asher sa harapan ko. "Tinatawagan kita kaso naka-off ang phone mo,"
Nandito ako ngayon sa library dahil dito lang naman ang lugar na alam kong makakapagreview ako ng maayos.
"Alam mo naman si Alessandra," natawa na lang siya sa sinabi ko.
"Grabe yung alaga mo na 'yun. Daig pa yung bine-babysit,"
Napailing na lang ako. Ewan ko ba. Mukhang masyadong sabik si Alessandra dito sa Pilipinas. Tsaka halos magd-dalawang buwan pa lang siya dito sa Pilipinas pero yung nagastos niya pang isang taon na ata. Halos araw araw siya gumagastos dahil nirereport sakin nila Jen 'yon!
Syempre hindi ko naman siya masita pagdating sa ganun kasi hindi na 'yun sakop ng trabaho ko. Pero nakakalula lang kasi talaga yung mga presyo ng binibili niya.
Hanggang alas kwatro y media lang kami nagreview doon ni Asher dahil kailangan niya ng umalis para sa shift nila ni Clark. Thankfully, walang Alessandra na nakaabang sakin sa labas ng University kaya malaya kaming nakapaglakad patungo sa sakayan.
"Pupunta ako dun ng mga 11:30," sabi ko kay Asher nung nakabihis na siya at ready to go na.
"Pwede naman na bukas na lang ako umuwi. Ako na muna kukuha ng shift mo. Alam kong magsisimula ka ng magreview dahil finals na next week, e,"
Umiling ako. "Kaya kong magreview habang nasa shift. Matutulog na lang muna ako para hindi ako antukin mamaya," tinignan ko ang oras. Five thirty na. "Sige na. Mamaya magpalibre pa sayo sila Frank dahil male-late ka." tawa ko.
Pagkaalis niya ay pumunta ako sa tindahan ni Aling Ne. Magbabayad ako ng utang ko. Mamaya kung ano ano nanaman sabihin sakin niyan e.
"Ay sa wakas nagbayad ka na rin!" Oh diba? Nilalabas ko pa lang wallet ko pumapalakpak na agad.
"Mukha bang tatakbuhan kita, Aling Ne? Tanaw na tanaw mo yung tinitirhan ko oh," tinuro ko pa yung apartment.
"Naku. Pasalamat ka at close kayo ni Asher kung hindi hindi talaga kita hahayaan na tumagal ng ganun ang utang,"
Nag-make face na lang ako dahil ang daming sinabi ni Aling Ne. Nakita niya ako kaya inambaan niya ako ng hampas ng pamaypay kaya tinawanan ko na lang siya.
"Oh! Clear na ko Aling Ne, ah! Pwede na ulit mag-ipon ng utang!" sabi ko habang naglalakad paalis ng tindahan niya.
Narinig ko pa ang sigaw niya pero tinawanan ko na lang. Nadaanan ko sila Ontong na mga naka-jersey. Mukhang papunta sila sa court ng barangay. Nginitian ko na lang sila bago tuluyang pumasok sa apartment.
Gaya nga ng sinabi ko natulog ako. Nag-alarm ako ng alas diez para maghanda. Nagdala ako ng libro para hindi lang tunganga ang gagawin ko roon.
Nagdala na rin ako ng sumbrero just in case. Niligpit ko muna ang pinagkainan ko bago ako lumabas ng apartment. Dinouble lock ko iyon bago lumabas patungo sa sakayan.
Jeep at bus ang sasakyan ko para makapunta sa condo ni Alessandra. Habang nasa byahe ay ingat na ingat ako sa bag na dala ko.
Simula nung hinawakan ko ang mission Ales, ang mission kung saan si Alessandra ang babantayan, hindi na ako nagigipit tulad ng dati. Alessandra was way too kind. Kada lumalabas siya ay hindi pwedeng wala siyang ibibigay sakin. Kaya dumadating ako minsan sa punto na umaapaw ang kusina ko sa dami ng pagkain dahil kay Alessandra.