Chapter 42

357 15 1
                                    

"Stop playing hero, Machaela! Maybe I'm the one who should say you need to give up already! Can't you see? This is the aftermath of what you did to me!"

Napahawak ako ng mahigpit sa braso ko nung maramdaman ko ang pag-agos ng dugo mula rito. Nararamdaman ko yung bala na nasa loob. Konting galaw ko lang parang nasasagi niya yung mga laman na nasa braso ko.

Napapitlag ako nung sunod-sunod na paputok ang narinig ko mula sa isang rifle. Napatingin ako sa gate ng rooftop at nakita si Asher na pinapaulanan ng bala ang pwesto nila Alisson. Tumigil siya mula sa pagpapaputok at hinanap ako. Agad niya akong nilapitan nung makita niya ako sa isang gilid.

"Bakit ka pa umakyat tanga ka! Hindi tayo makakalabas dito kung lalakas yung apoy!"

"'Di ka rin makakalabas dito ng buhay kung ikaw lang mag-isa engot!"

Binalutan niya muna ng panyo yung dumudugong braso ko kaya muntik na akong mapasigaw sa sakit nung higpitan niya ang pagkakatali.

"May smoke bomb ka ba diyan?" tanong ko sakaniya habang pinapalitan ng magazine yung baril ko.

"Meron,"

"Good. Hagisan mo sila. Tapos susugod tayo para kunin si Alisson. Hindi ka pwedeng malayo sakin dahil marami pa sila, Ash. Mahihirapan akong kunin si Alisson kapag nawala ka sa tabi ko."

"Sabihin mo kapag ihahagis ko na,"

Tinapos ko lang ang ginagawa ko sa baril bago siya lingunin.

Isang tango lang ang ginawa ko sakaniya para gawin ang sinabi ko. Pagkahagis niya ng smoke bomb, lumabas agad kami mula sa pinagtataguan namin. Hinigpitan ni Asher ang pagkakahawak sa kamay ko para masigurong hindi kami magkakahiwalay. Nahihirapan na akong makakita dahil kumakapal na ang usok.

Puro ubo ang naririnig ko. Kung aso lang siguro ako yung tenga ko biglang magiging patusok dahil narinig ko yung boses ni Alisson na inuutusan yung mga tauhan niya. Hinatak ko si Asher papunta sa pinanggagalingan ng boses.

"Nasan siya?" bulong ko kay Asher.

"Three o'clock,"

Nilingon ko ang sinasabi ni Asher. Nags-subside na yung kapal ng usok kaya nakikita ko na yung mga nakapalibot samin.

There she is. Standing inside the circle of her few men.

"Ma'am Alisson, tara na po!" narinig kong sabi nung isa sa mga nakapalibot sakaniya.

Bago pa sila makakilos, pinaputukan sila ni Asher gamit ang silencer. Isang malakas na tili ang ginawad ni Alisson dahil sa biglaang pagbagsak ng ilang tauhan na nakapalibot sakaniya para protektahan siya.

"Go!"

Sinugod namin ni Asher ang pwesto nila Alisson bago pa sila tuluyang makatakbo palayo. Sa oras talaga na matapos 'to siguradong tatawanan ko 'tong plano ni Alisson. Akala ko naman kaya siya sa rooftop tumakbo dahil may helicopter na nag-aantay sakaniya rito o ano!

Nag-slide ako at sinipa ang lalaking nakatayo sa paanan ko. Nung manlambot ang tuhod niya at babagsak na siniko ko naman ang leeg niya at pinukpok siya ng baril sa ulo para tuluyan siyang mawalan ng malay.

"Si Alisson!" paalala sakin ni Asher kaya hinanap agad ng mga mata ko yung impakta.

Nakita ko siyang nagmamadaling abutin yung gate. Halos hawiin niya yung mga tao niya makatakas lang. Kinapkap ko yung sa suot kong pants kung may dagger pang natitira pero wala na. No choice kundi yung silencer ang gamitin.

Sa paa ko lahat pinatamaan yung mga nakaalalay kay Alisson habang hinahabol ko sila. Tatlo na lang naman sila kaya madali ko silang napatumba. Puro inda na ang naririnig ko mula sa mga nadadaanan ko dahil sa mga tama ng baril nila sa iba't-ibang parte ng katawan.

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon