"Mom! No! We can't leave! We won't leave!" Pinigilan ni Alessandra si Tita Alicia sa paglabas ng mga gamit niya pero nagpatuloy lang si Tita.
"You will not be the one who'll decide what's the best for us, Alessandra! Can't you see? Your Dad's choosing his bastard of a daughter over us! Ayusin mo ang gamit mo kung ayaw mong iwan kita rito!"
"Then, leave! Leave, Mom! But I won't leave Dad just like what you're doing! Of all the people, Mommy, you're the one who should understand-"
Isang malakas na sampal ang iginawad ni Tita Alicia kay Alessandra. Nakita ko ang pagkabigla ni Alessandra dahil doon. Lumapit si Papa sakanila at pumagitna kaya nilapitan ko rin si Alessandra at inilayo ng bahagya.
"Never talk to me like that unless you felt the pain that I've been through! Pati ikaw, Alessandra? Mas pipiliin mo 'yang babae na 'yan kesa sakin na nanay mo?!"
"Oo!" galit na sigaw ni Alessandra.
"Alessandra," pagpapakalma ko sakaniya pero hindi niya ako pinansin.
"Oo, Mommy! I'm choosing Machaela over you dahil sating dalawa mas napatunayan ko lang na ako ang mas malawak ang pag-iintindi sa nangyayari! You're being greedy and selfish, Mom! You're not thinking about Dad's feelings! My sister's feelings! Hindi ka marunong maawa dahil gusto mo sayo lang iikot yung mundo naming dalawa ni Daddy!"
"Alessandra, that's enough! Never talk to your Mom that way! Alicia," hinarap ni Papa si Tita. "Let's talk about this, okay? We can sort things out!"
Tinulak ni Tita Alicia palayo si Papa bago ako tignan ng masama. Ramdam ko yung galit niya habang nakatingin sakin dahil nanginginig pa ang kamay niya.
"No, Alexander. Not unless you get her out of our lives. Mabubuo lang tayo ulit kapag nawala siya." malamig na sabi ni Tita at lumabas ng kwarto.
Napahilamos si Papa sa mukha niya. Nilapitan niya kami ni Alessandra at tinignan niya ang pisngi kung saan sinampal ni Tita si Ales. Namumula pa rin ito at hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Alessandra sa ginawa ni Tita.
Tinignan naman ako ni Papa.
"Dito ka lang muna. Samahan mo ang ate mo susundan ko lang si Alicia."
Tumango ako. Inalalayan kong maupo si Alessandra sa kama niya bago kumuha ng tubig sa ibaba. Nag-aalalang tinignan ako nila Manang pero nginitian ko na lang sila.
Inabot ko kay Alessandra ang baso pagkabalik ko. Nakatulala pa rin siya habang hinahaplos ang pisngi niya. Bahagya ng nawala ang pamumula no'n.
"She slapped me," natatawa niyang sabi. "Can you believe it? She's my Mom but she managed to do that to me."
"Nadala lang ng galit si Tita, Ales..."
Tinignan niya ako. For a split of second, I saw an unfamiliar emotion in her eyes bago bumalik 'yon sa lungkot.
"You're making it hard for me..."
"I'm sorry,"
Ngumiti siya at sumimsim sa baso na binigay ko sakaniya.
"Why do you have to be so kind?"
"Hindi ako mabait, Ales. Katulad mo, may nagtatagong demonyo rin sa loob ko pero hangga't maaari hindi ko 'yon pinapalabas dahil ayokong makasakit ng tao."
"Do you kill?"
Nabigla ako sa tanong niya na 'yon. Hindi ako agad nakasagot.
"No,"
Tumawa siya at umiling.
"Your job sometimes require killing, Aela. I don't believe that your hands are clean,"