Nakahalumbaba ako sa lamesa ng library habang may sangkatutak na libro ang nasa harap ko. Bubuntong hininga na sana ako nang may lumipad na papel sa mukha ko kaya uminit ang ulo ko at tinignan kung saan iyon galing.
Nakangiting kumakaway sakin si Asher habang papalapit. Hindi nabago ang pwesto ko hanggang sa makalapit na siya sakin at umupo sa harap ko.
"Anong mukha 'yan?"
"Buti ka pa petiks petiks lang. Malapit na prelim, pare koy. 'Di ka manlang nagagahol?"
"Nagrereview na din ako. Alam mo kasi, Mace, give yourself a break. 'Wag yung hanggang dito sa school nagrereview ka. Tapos pag-uwi mo magrereview ka ulit? Matalino ka pero 'di ka naman wais." umiling-iling pa siya at sinapo ang noo niya.
"Graduating tayo, Asher. Malamang makakaramdam ako ng ganito."
"Oo nga pala. Running for Magna Cum Laude ka nga pala. Basta ako sinasabi ko sayo na don't stress yourself too much."
Umayos na lang ako ng upo at tinignan siya. Nagpuppy eyes pa ang loko kaya umirap ako at sinara ang libro na nasa harapan ko.
"Kumain na lang tayo," sabi ko at pinagsama-sama ang mga libro na hiniram ko. "Pero balik muna natin 'to."
Ngumisi si Asher, "'Yan. Ganyan dapat. Loosen up!"
Kinuha niya ang ibang libro at nagsimulang pumunta sa mga pasilyo kung saan namin dapat ilagay 'yon.
"Kanina ko pa napapansin na nage-english ka ah,"
"May nakapagsabi kasi na kapag gwapo raw english speaking. So, alam mo na?" pinasadahan niya pa ng kamay niya ang buhok niya kaya umirap ako at tumawa.
Pagkatapos naming ibalik lahat ng libro ay lumabas na kami ng University. Namataan agad namin ang mga tusok tusok na lagi naming kinakain kaya doon kami dumiretso.
"Magbabayad pala ko ng ilaw tsaka tubig," sabi ko.
"Samahan na kita? O gusto mo ako na lang magbayad? Pupunta ka bang HQ?"
"Hindi. Wala pa namang utos si boss."
"Samahan na kita."
Tumango na lang ako bilang sagot. Nang mabusog na kami ay sumakay na kami papunta sa bayad center. Habang nakapila ay napansin kong nakatingin si Asher sa isang stall kaya kinalabit ko siya.
"Puntahan mo kaya muna? Kanina ka pa nakatingin, e,"
"Sige, saglit lang ako. Titignan ko lang anong meron dun."
Pinabayaan ko siya. Sinundan ko lang siya ng tingin at nang makitang nandoon na siya ay humarap na ulit ako at hinintay ang turn ko. Ilang saglit pa, may tumabi saakin at sa pagaakalang si Asher iyon ay nilingon ko pero sa gulat ay napatitig na lang ako sa katabi.
Nakasuot ng black polo shirt na v-neck at shorts, naamoy ko agad ang pabango ni Clark. Napasulyap pa siya saakin at nakita ang pagdaan ng pagkabigla sa mata pero agad nakabawi.
"Uy," tanging nasabi ko.
"Hey, ikaw lang?"
Umiling ako, "Kasama ko si Asher. May pinuntahan lang saglit."
"Oh, okay."
Hindi na ako nakakibo. Ginapangan tuloy ako ng hiya. Hindi ako ganito pagdating sa mga kateam ko pero there's something in Clark that makes me feel uneasy. Yung tipong hindi ko magawang dumaldal o magbukas ng mapaguusapan kasi pakiramdam ko may pumipigil sakin.
At habang naghahari ang katahimikan saaming dalawa, naisip ko ang posibleng dahilan kung bakit ganito ako sakaniya.
Maybe it's because of what happened to his sister. Pakiramdam ko kasi may kasalanan ako kaya hindi ko magawang maging kumportable kay Clark. Pakiramdam ko kada kasama ko siya at nagtatama ang paningin namin sinisisi niya ako. Hindi ko alam.