Pinikit ko ang isang mata ko at nag-focus sa target. Nanginginig pa ang kamay ko dahil matagal ko nang hindi napag-p-practice-san 'to.
"Agent Mace. Agent Mace, do you hear me?"
3... 2... 1...
Bang!
Umismid ako nang makitang sumakto sa pulang bilog ang bala ko. Nakaramdam din ako ng pagtapik sa balikat ko kaya nilingon ko si Clark na ngayon ay nakangisi sakin.
"You've hit the bull's-eye already. Sagutin mo na si boss. Kanina ka pa nir-reach out." aniya at kinuha ang baril sakin.
Tinanggal ko ang ear muff sa tenga ko at pinalitan naman iyon ng earpiece.
"Team Ales, if any of you is with Agent Mace right now tell her to—"
"Agent Mace talking, boss." sabi ko at humalukipkip sa isang gilid.
Pinanood ko si Clark habang pinapalitan niya ang magasin ng baril. Ine-examine niya pa ang ibang nakahilerang baril at nang tumama ang paningin niya sa isang pistol ammo ay nakita kong umigting ang panga niya. Kinuha niya iyon at sinuri.
"In my office at 5."
Napalingon sakin si Clark dahil doon. Naririnig ng buong team Ales ang sinasabi ni boss dahil nasa iisang channel lang kami. Kaya hindi nakakapagtaka na alam ni Clark ang sinabi ni boss.
"Roger."
"You're going?"
"Five minutes lang yung binigay sakin na oras. Alam niyang nandito ako sa shooting range. Babalik ako."
Tinakbo ko ang daan papunta sa opisina. Pagkarating ko roon ay nakasarado lahat ng blinds. Seryosong nakaupo rin si boss sa upuan niya habang pinapanood ang pagdating ko.
"Mama,"
"How many weeks left do you have until your sembreak's over?" tanong nito sakin ng seryoso.
"One week,"
Tumango ito. "Before I proceed, would you like to bring your team with you in this mission or you'll go alone?"
Kumunot ang noo ko dahil doon. Mission?
"Mama, nagkaro'n na tayo ng usapan na hindi na ako tatanggap ng kahit anong mission. Magf-focus ako ngayon sa Mission: Ales. Wala na akong ibang hahawakan kundi iyon lang."
"Are you going against me, Agent Mace?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Gusto kong umoo at ipaglaban yung side ko pero ayoko siyang kalabanin at the same time. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla-biglang nagkakaroon ng ganitong desisyon samantalang malinaw yung naging usapan namin.
"No, boss," kinuyom ko ang kamay ko. "It will depend on the mission that you will give me whether I'll bring my team or not." Sagot ko sa tanong niya kanina.
May kung anong tinipa siya sa keyboard niya at hinarap sakin ang screen ng computer niya. Doon, nakita ko ang mga pangyayari sa isang lugar. Nagkakagulo ang isang bahay at may mga dugo na nakakalat sa sahig. May mga umiiyak at natataranta. Pamilyar na senaryo na madalas kong masaksihan noon.
"Oton, Iloilo. Pinadala ko na ang team Cavite at team Rizal kaninang umaga. May kasama na rin silang mga medical team nang pumunta sila roon."
Binrowse ko pa ang ibang video. Siguro kung paumpisa pa lang ako sa trabaho ko manlulumo ako sa mga nakikita ko pero hindi. Ganito ang buhay na kinagisnan ko. Brutal at walang kinaaawaan. Alam ko na ang pasikot-sikot sa mundo ng pagdanak ng dugo. Kabisado ko na kung pano ka makakapatay ng tao sa isang pitik lamang.