"Oh, so you're working already, hija? At a very young age?" tanong sakin ni Mrs. Raoet habang hinihiwa ang steak sa pinggan niya at sumusulyap saakin.
"Working student po,"
"Started at what age?" si Mr. Raoet naman ngayon.
"Thirteen po..."
"Oh my! Alessandra's busy shopping at that age! See the difference, Ales? You're wasting our money buying useless things while someone is—"
Alessandra cut her Mom off. "Mom, sermon isn't happening in restaurants. It only happens inside the church, note that?"
"See how disrespectful she is?" naiiling na sabi ni Mrs. Raoet.
Nagpatuloy ang kwentuhan habang kumakain. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa mga taong kasama namin. Feeling ko tuloy nawawala ang utak ko sa responsibilidad ko rito. Paano ba namang hindi ka mahihiya kung ganito kabigatin ang mga kasama mo!?
"Hindi ko talaga inakalang magkakaro'n ka agad ng kaibigan dito, Alessandra. Usually you pick whom you befriend," sabi ni Senator.
"Dad, trust me when I say Machaela and these people are different. Stay here longer and you'll see what I'm saying!"
Nagkatinginan ang mag-asawa. Nagkibit balikat si Senator habang ang babae naman ay ngumiti lamang sa anak.
"Let's see..." ani Senator at uminom sa tubig niya.
"Miss!" tawag ni Alessandra sa atensyon ng isang waitress. Lumapit ito saamin at nilahad naman ni Alessandra ang cellphone niya. "Can you take a picture of us?"
"Sure po, Ma'am!"
At dahil makakapal ang mukha ng mga tauhan ko, nagsiayusan agad sila ng upo at ngumiti kahit umaayos palang sila Alessandra. Umayos din ako ng upo kaya napahilig ako ng onti kay Clark na nasa likuran ko. Sigurado akong awkward ang ngiti ko roon sa picture!
"Why are you smiling like this?"
Sabi ko na nga ba!
Tinignan ko ang kuha sa cellphone ni Alessandra at nakitang mukha akong natatae roon. Kainis! Parang tanga, Machaela Everleigh!
"Ano 'yon, Frank? Gusto mo ng magpaalam ng ligaw sa magulang ni Alessandra?" singhal bigla ni Asher kaya napatingin kami sakaniya.
Nakita kong nagtawanan sila Eliah habang si Frank naman ay hindi na alam kung papaano magtatago sa likuran ng kakambal niya o ni Asher. Nakita ko pang hinampas niya ang siko ni Asher at may binubulong na mura.
"Aray! Ano? 'Wag ka na mahiya! Tignan mo nag-aabang na sila Sir sa sasabihin mo, oh..."
"Gago ka, Asher. Gago ka. Gagawin kitang abo hayup ka." paulit ulit na mura ni Frank kay Asher.
"You like my daughter?" tanong ni Ma'am Alicia kay Frank.
"H-Hindi po..."
"Ouch! Why are you denying it, Frank?" umakto pa si Alessandra na nasasaktan kaya lalo kaming nagtawanan.
Hindi ko alam kung namumula ba o namumutla si Frank dahil sa hiya. Hindi na talaga siya mapakali. Feeling ko anytime tatayo na siya at tatakbo palabas o baka maihi pa siya sa sobrang kaba niya.
"You need to man up if you like someone," prenteng sagot ni Senator at sumandal pa sa upuan niya.
"Opo! Gusto ko po anak niyo!"
Napa-O ang bibig ko kaya naghiyawan kami at pinalakpakan naman nila Eliah si Frank. Grabe. Nagsalita lang ng ganun si Senator bigla siyang umamin? Ano 'yon? Natakot o talagang gustong magpakitang-gilas?