Chapter 10

398 23 0
                                    

Binilisan ko lalo ang takbo ko. Panay ang sigaw ko sa mga humaharang na tumabi sila dahil mawawala sa paningin ko yung hinahabol ko!

Hindi ko na pinansin kung naka-palda ako. Ang importante mahabol ko yung bwisit na Asher na 'yun dahil kinuha niya yung wallet ko!

"Bakit ang daming laman neto!" sigaw niya habang tinitignan ng maigi ang laman ng wallet ko. "Bakiiiiit! Tapos hindi mo manlang mabayaran utang mo kay Lola!"

Ugh! Bwisit talaga! Napapatingin na tuloy samin yung ibang studyante!

"Gagawin kitang abo o titigil ka kakatakbo!" sigaw ko.

At kung sinuswerte ka nga naman, natalisod si bobo kaya nakalapit ako ng tuluyan sakaniya! Putik putik tuloy yung polo niya dahil nakarating kami rito sa field. Napatingin din tuloy ako sa black shoes ko at nakitang puro putik na rin!

"Wow, rhyme," nagawa niya pa kong asarin kahit nakahiga na siya sa damuhan.

Hinablot ko siya at inangat. Tinitignan niya pa rin ako ng nang-aasar kaya sinipa ko ang tuhod niya kaya namilipit nanaman siya sa sakit. Habang iniinda niya naman 'yon ay kinuha ko na rin ang wallet ko.

"Serves you right," sabi ko at naglakad palayo.

Pumunta ako sa cafeteria para bumili ng inumin at makakain. Hingal na hingal ako dahil sa ginawa naming habulan ni Asher! Sabay kasi kaming pumasok kanina tapos nilibre ko siya ng pamasahe. As usual, ang loko halos hindi makapaniwala kasi minsan lang daw ako manlibre kaya nagulat na lang ako nung kakain na sana kami hinablot bigla wallet ko. Parang bata!

Hindi nagtagal nakita kong pumasok na rin siya sa cafeteria. Nakabukas ang polo nito at bahagyang ginugulo ang buhok. Mukhang naligo sa gymnasium dahil malinis na ang polo nito.

"Libre mo naman ako," sabi niya pagkalapit at tinignan agad ang wallet ko.

"Tigilan mo ko,"

"Damot. Iba ka na, pare ko. Ang yaman mo na,"

Binato ko siya ng tissue na saktong pinamumunas ko. Sumapul naman 'yon sa ilong niya at bilang napakaarte na nilalang umatras ito at pinagpagan ng husto ang ilong niya.

"Yuck! Hindi ka ba nandidiri? Ikaw na nag dahilan kung bakit mukha akong kinaladkad ng kabayo kanina sa sobrang dumi ng uniform ko!"

Umirap ako at babatuhin na sana siya ulit pero mabilis niyang kinuha ang kinakain ko at sinubo 'yon!

"Asher!!" sigaw ko pero nginitian niya lang ako.

Iniwan ko siya roon at pumunta ulit sa harapan para bumili. Sumigaw sigaw pa siya na bilhan ko rin daw siya kaya napapatingin sakaniya ang ibang studyante. Grabe! Ang lakas ng tama nito ngayon, a?

Pero imbes na bilhan siya at bumalik sa pwesto ay lumabas ako. Namataan niya naman ako agad at nakita kong susundan niya ako kaya tumakbo ako ng mabilis patungo sa classroom ko.

Hindi ko alam kung anong sumapi kay Asher at hanggang sa classroom sinundan ako! Dala dala niya pa ang bag niya!

"Ano nanaman ba?" singhal ko sakaniya. Napapagod na kong layuan siya!

"Hala, inaano kita?" painosenta niyang tanong.

Tinignan ko siya hanggang sa umupo siya sa tabi ko. Nagpacute pa ang bwisit gamit ang mata niya! Yuck!

"Ano bang kailangan mo?" Inis kong sabi.

"Bakit ka nandito?" tanong niya sakin.

"Sira ba ulo mo?" naiinis na talaga ko. Malamang para mag-aral kaya ako nandito! Binobobo ba ko neto ni Asher?

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon