Chapter 4

38 2 0
                                    

Jeoana Rheign's POV

"oi Jeo ano na?" sita sakin ni Ailee

"ano?"

"tulala lang? sumama ka pa sa amin" sabay lagok nito sa inumin niya.

We're here at Naethan's place. Nag-iinuman sila matagal na raw kasi nilang hindi ito nagagawa. At ako? Hindi naman ako umiinom pero namiss ko na rin kasi sila kaya ako sumama.

"shot naman Jeo!" sigaw ni Shannine

"kayo na lang" tanggi ko pero bigla na lang nila akong inabutan ng baso at sinabing minsan lang naman daw 'to kaya wag na raw akong killjoy.

"fine" then ininom ko ng straight yung laman ng baso. Agh! Anong laman nun? Bakit ang pangit ng lasa?

Ilang rounds din ang nangyari at hilo na silang lahat including me. Wala naman talaga sa plano ko na magpakalasing pero ito ako ngayon nahihilo at nasusuka. Ghad! I'm just 15, third year highschool at nag iinom na agad. I'm not a good influence para sa mga bata.

"oi Jeo!" agad ko naman siyang tinignan

"turuan mo ako sa mathasfjklskfirne"

"tsh" tangi kong nasabi. Nagstay muna ako ng konti para mabawasan yung hilo ko. For sure di na ako mahahatid ni Wein tulog na eh.

"oi Jeo sagutin mo nga ako"

"ano?"

"may gusto kaba kay Wein?"

"what the fvck?"

Bigla na lang akong napatayo at napatakbo sa c.r nila at dun nilabas ang kanina pang gustong lumabas sa bibig ko. Yuck Jeo. Yuck. Paglabas ko kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam na sakanila.

"oi alis na ako" hindi ko na sila inantay sumagot

Hindi kaya ako ma-rape nito? teka ano bang itsura ko? tinignan ko yung itsura ko at mukha akong nirape. Gulo-gulo ang buhok, tanggal ang ribbon tie ng uniform ko. Speaking of uniform gusot-gusot din 'to. I'm a mess.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang matumba. "argh! Ang lakas ng tama nung ininom ko. Ano ba yun?" tanong ko sa sarili.

Nang hindi ko na kaya ang hilo naupo muna ako sa may gilid ng kalsada walang pakielam kung nakapalda ako. Minasahe ko ang ulo ko hoping na mabawasan ang sakit nito.

Someone's POV

Pauwi na sana ako nang mapansin kong may taong nakaupo doon sa gilid ng daan. Nilapitan ko ito at tinanong kung ayos lang siya.

"Miss Okay ka lang?" pero imbis na sagutin ako nito sumuka lang siya nang sumuka. Good thing may panyo ako. Ipinunas ko yun sa bibig niya, nakainom ata siya. Teka nga sino ba muna 'to? tinanggal ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya.

"Rheign?!"

"mhmm...sino ka?" bakit siya uminom? aish! Iuuwi ko na nga 'to.

Habang naglalakad kami kung ano-ano sinasabi niya like "alam mo ba shshhwahsjdiikdoskssh..." sa una mo lang maiintindihan tapos yung mga kasunod hindi na. Pero may isa siyang tanong na malinaw hanggang sa huli.

"ano ba kasing pangalang mo Jhay-Jhay??" bigla akong napangiti.

"Chaezier Juasthine Cu" sagot ko dito pero hindi na siya nag salita pa ulit.

Jeoana Rheign's POV

Gusto ko ng idilat yung mata ko pero ayaw niya. Ang bigat at ang init ng katawan ko. Anong oras na ba? sinubukan kong imulat yung mga mata ko and thank God namulat ko na ang mga ito. 8:58am Pa lang pala. Too early. Wala kaming pasok ngayon actually hanggang Tuesday kasi may keme meeting daw school. Saturday ngayon at plano kong matulog nang matulog. Pero nasira ang plano kong yan kasi syempre since four days kaming walang pasok tinambakan kami ng gawain ng mga mahal kong guro. Tsh. Swerte lang nila dahil isa akong masipag na mag-aaral.

Ang dami ng tumatakbo sa utak ko arghh! naisipan kong tumayo na dahil gising na ang diwa ko but there's still a part of me na ayaw pang tumayo at inaantok pa talaga.

Pagtayo ko biglang nag black yung paningin ko. Arayyy! Ang sakit ng ulo ko. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko pero mas lalo akong nagulat sa nakita kong nasa harapan ko. The hell he's doing here?

"okay ka lang?" tanong nito

"anong ginagawa mo dito?"

"kakagising mo lang ba?"

"hindi ba obvious?" at sinubukan kong tumayo ng muntik na naman akong bumagsak.

"nahihilo ka no?"

"Hindi ba halata?"okay ang harsh ko na sakanya. Imbis na magsalita pa ito tinulungan na lang ako nitong tumayo.

"bakit ka ba kasi uminom?"

Ha? Alam niya? Paano?

"p--paano mo alam?" nakita ko pa siyang ngumiti bago ako sinagot.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may nagflash na salita sa isip ko mula kagabi... "ano ba kasing pangalan mo jhay-jhay?" curiosity hit me so I asked him again.

"kasama ba kita kagabi?" tumango naman ito. So tinanong ko siya kung anong pangalan niya..sinabi niya ba?

Recall it Jeo. Recall it.

Loading....





Loading...







Loading...




Argh! Wala akong maalala. Kung ano pa yung pimakaimportanteng bagay yun pa yung hindi ko maalala. Tsh.

"baba kana raw. Pinapakain ka na ni mama" then lumabas na siya ng kwarto ko.

"MAMA?!" did he just call my mom he's mom too?

Wow.

UnexpectedWhere stories live. Discover now