Chapter 43

15 1 0
                                    

Nagising ako ng ganun pa din ang position
naming dalawa ni angel. Nakayakap pa din siya sakin. Maingat akong gumalaw upang bumangon at para hindi ko siya magising. Ang sarap kase ng tulog niya eh.

Sige isipin mo yun. May lasa pala ang pagtulog, isipin mo lang. WAHAHAHAHHAHAA.

Nang makaalis nako sa pagkakayakap niya agad akong nagtungo sa cr dito sa kwarto ko at nag-ayos. Pagakatapos kong ayusin ang sarili ko bumaba nako sa sala. Dito ay naabutan ko si josh na nagpu-push-up.

"aba, abaa! ang taray naman!" panggugulo ko dito

"oh jeo!, morning" bati nito sakin

"si alie?" tanong ko habang kinakain yung yogurt sa center table

"akin yan ehh!, kumuha ka ng sayoo!" pagmamaktol ni josh

"ay HAHAHAHAHA. ang arte mo!" bago pa siya sumagot kumaripas nako ng takbo patungong kusina habang tangay-tangay ang yogurt niya. AHAHAAHAHAHHAAH.

"JEOANAAA!!" sigaw nito

"oh, anong ginawa mo dun?" nagtatakang tanong ni cherisyn

"inagawan ko ng yogurt. Hehehe" napailing naman si cherisyn

"asan pala si alie?, si heizelyn?, si desiree?, at si gie?" sunod-sunod kong tanong

"nag grocery" sagot niya

"si charles tsaka si anthony?" tanong ko ulit habang pumapapak ng hotdog.

"nagjogging" sagot niya tsaka siya uminom ng kung anong iniinom niya.

"morning" bati ni hendrikx samin. Nakalimutan kong nandito nga pala to.

Nginitian naman siya ni cherisyn habang ako ay nakataas kilay sakanya. Baka akala niya nakalimutan ko na yung inasal niya kagabi. Tsk.

Umupo na ito at nagsimulang kumain. Dineadma niya lang ako!

"hoy hendrikx!, anong problema mo ha?" utas ko

"ha?" salita niya

"ang sabe ko--"

"hatdog" pagputol niya sa sasabihin ko. Ah ganon.

"ewan ko sayo" sabe ko sabay irap

"angel si jeoana kinuha yung yogurt ko!!" dinig kong pagsusumbong ni josh dito. Gising na pala ang anghel.

Pupunta na sana ako sa sala para salubungin si angel nang magpunta ito dito sa kusina. And....BAKIT HINDI PA SIYA NAGDAMIT?!!

Narinig kong nasamid si cherisyn sa iniinom niya at ang 'tss' ni hendrikx.

"bakit hindi ka pa nagbihis?!" sigaw ko dito

"baket?" casual niyang tanong. Sakto namang dumating na sila desiree

"oi bakit nakaboxer lang yan?, gumawa na ba kayo ng himala kagabi?" natatawang tanong ni desiree

"gaga!" sita ko sakanya. Ito talaga kahit kailan.

"magkatabi kayong natulog kagabi?" walang emosyong tanong ni hendrikx

"oo. Lagi silang tabi natutulog pagnandito si angel" si desiree ang sumagot para sakin. Bakas ang pagtataray niya sa sinabe niya. Ayaw niya talaga kay hendrikx.

Nagulat naman ako ng biglang nagwalk out is hendrikx. Lumabas ito ng unit namin. San naman pupunta yung kumag na yun?

"sinasabe ko sayo jeo, may something talaga diyan sa 'pinsan' mo na yan" she said emphasising the word 'pinsan'

UnexpectedWhere stories live. Discover now