Chapter 12

23 1 0
                                    

Jeoana Rheign's POV

Exam na namin bukasss! hindi pa ako masyado nakakapagreview babagsak ata ako ngayong first quarter.

One new message

[From: Alie]

[Punta kami sa bahay mo ah]

Wow. Hindi pa nga ako naliligo eh Sunday lang kasi ngayon kaya wala akong balak maligo. Niligpit ko muna yung mga notes kong nakakalat sa sala tapos umakyat na sa taas at naligo. Pumunta din si mama dito kanina chineck niya kung humihinga pa raw ba ako. Pagkatapos kong maligo bumaba na ako at naghintay sa pagdating nila.

"Hindi ka nagre-review?" tanong ni Alie

"nagre-review. Nag stop lang ako saglit"

"tara na"

"ha?"

"pupunta tayo sa bahay ni Chaezier"

"kala ko ba--"

"tara naaa!" sigaw ni Alie

"tara na Jeo" si Wein

Aishh! Hindi ba nila napapansing hindi kami okay ni Jhay-jhay? pagkatapos kasi nung usapan namin last week hindi na kami masyado nag papansinan. Hindi ko alam kung bakit. Kung dati kasi kukulitin niya ako na magsstay pa siya pag sinabi kong pwede na siyang lumabas ng bahay ko pero kasi nung nakaraang linggo nung sinabe kong pwede na siyang umalis ng bahay ko umalis nga siya naninibago lang ako.

"Jeo ano na?"

Kinuha ko na yung mga gamit ko at sumunod na sakanila.

Nahinto ako sa paglalakad ng makasalubong namin si Jhay-jhay papunta sa subdivision nila.

"oh Jhay. Saan ka galing?"

"diyan lang. Papunta na ba kayo saamin?"

"oo" tipid na sagot ni Cherisyn

"sabay-sabay na tayo" sabi pa nito at nag paumunang maglakad.

"tsh! sabay-sabay na daw pero nauna siyang maglakad" bulong ko sa sarili ko. Napairap na lang ulit ako sa hangin.

Hindi niya manlang ba ako napansin? Ganun na ba ko kaliit para hindi mapansin o makita aish!

Habang naglalakad kami papunta sa bahay nila may nakita kaming naglalako ng ice cream.

"saglit lang ah bibili lang ako" paalam ko sakanila

"bili mo na rin ako" si Wein

"ako rin" si Alie

"sumama kaya sa akin isa noh? Hindi ko kayang hawakan yun lahat"

"ako na lang. Bibili rin naman ako"

Biglang nanlamig yung kamay ko nang marinig ko yun. Nauna na akong maglakad sakanya ayoko kasing makita niyang kinakabahan ako, bakit nga ba ako kinakabahan? hindi ko rin alam kung bakit.

Nang makarating na ako sa kuyang naglalako ng ice cream sinabi ko na kung anong mga bibilin ko.

"bilis mo naman maglakad" sabi nito

Hindi na ako nagsalita dahil pakiramdam ko mauutal lang ako.

"ito po yung bayad" sabi ko sabay abot kay kuya ng bayad.

Sandali akong nahinto sa pag hinga ng kunin nito sa akin ang mga gamit ko.

"ako na sa mga gamit mo ikaw na sa mga ice cream" tumango na lang ako.

UnexpectedWhere stories live. Discover now