Krystalinne alie's POVAno ba yannn! gusto ko pang matulog pero yung utak ko gising na! nakakainis! ang ingay naman kase nila desiree sa baba jusme.
Sembreak namin ngayon kaya tambay kaming lahat dito sa condo. Bakit kaya ganun? pag may pasok late nako lagi nagigising pero pag walang pasok ang aga ko magising! baligtad. Tutal ako na lang yung nandito sa kwarto babangon na ko.
"woi ang ingay niyo!" sigaw ko habang pababa ako ng hagdan
"buti naman bumangon kana"
"may pagkain?" tanong ko sa mga to
"si jeoana ang nakatoka ngayon kaya merong nakahain dun sa mesa" si heizelyn ang sumagot sakin
Dumeretso nako sa kusina at nakitang nagluluto si jeo.
"morning!" bati ko dito
"morning din" tipid ako nitong nginitian
"magkwento ka naman" sabe ko habang kumukuha ng baso sa lagayan nito
"ng?"
"wag ka na magmaang-maangan. Magkwento ka dalian mo"
"wala naman akong ikukwento"
"okay kung ayaw mong sabihin okay lang, basta if you need me nandito lang ako" sabe ko tsaka sumandok ng kanin
"thank you alie"
"always welcome"
Alam kong may gustong sabihin sakin si jeoana nararamdaman ko eh.
"kamusta na kayo ni josh?" pag-iiba nito sa usapan
"walang bago" tamad na sagot ko. Isa pa yun si josh nakakainis na! pero kasalanan ko naman kase kung bakit niya ko nilayuan eh. Bobo mo alie.
"tikman mo nga to" utos nito sakin. Tumayo naman ako agad at lumapit sakanya
"ano?"
"kulang sa alat"
"okay" then tumalikod na siya sakin at inayos yung niluluto niya
"jeo.."
"ow?" tugon nito ngunit nakatuon pa din ang mga mata sa ginagawa niya
"alam mo bang sinisisi ko pa din yung sarili ko sa mga nangyari?" napahinto naman siya sa sinabe ko
"alie ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala kang kasalanan dun ha? don't blame yourself okay?"
"can't help. I still blame myself for turning you like this" pinatay niya na yung apoy ng niluluto niya at humarap sakin ng nakataas ang kilay
"bakit? ano bako ngayon?"
"a monster" maiksing sagot ko na nagpababa sa nakataas niyang kilay
"i'm sorry..kung alam ko lang magiging ganto lahat sana hindi na lang ako pumayag sa proposal plan niya sayo.." nakayuko kong sabe. Naiiyak nako.
"ito na naman ba tayo alie?" hindi ako sumagot sakanya
"ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala ka ngang kasalanan sa lahat ng nangyari. Wala ka din kasalanan sa kung ano ako ngayon. This? this is all because of him. Diba kayo nga ang tumulong saking bumangon? stop blaming yourself please"
"i can't jeoana...hindi na ikaw yung dating jeoana na masiyahin you changed a lot and that's because i agree with he--"
"punyeta alie! hindi mo nga kasalanan! wala kang kasalanan! ano ka ba?! hindi mo to ginusto and walang may gusto sa mga nangyari"
YOU ARE READING
Unexpected
RandomSi Rheign ay namumuhay nang tahimik ng biglang dumating sa buhay nito si Chaezier Juasthine o mas kinikilalang 'Jhay-Jhay'. Unexpected things happened to the both of them. Ito bang hindi inaasahang pangyayari sakanilang dalawa ay makabubuti o hindi...