Chapter 33

11 1 1
                                    

Jeoana rheign's POV

Nagising ako sa ingay ng katok sa pinto ng kwarto namin. Ano ba yan ang aga-aga pa eh! hindi naman gigising ang mga to dahil tulog mantika sila.

"sino ba yan?" sigaw ko sa nakatok sa pinto

"jeo bangon ka na dali!!" sigaw din nito. Si wein pala.

"sige, sige sunod ako"

"nakahiga ka pa eh!"

"oo na ito na! babangon na" sabe ko sabay tayo at nagdiretso sa cr.

Pagdaan ko sa salamin hindi ko maiwasang pakatitigan ang repleksyon ko sa salamin. Ang mga mata ko..nahirapan din ako kung anong idadahilan ko sa mga taong nakakapansin nito. Ang totoong kulay kase ng mata ko is black at ang ipinalit sa mata ko which is mata ni tita ay color brown. Nagkaroon ng konting komplikasyon noong inooperahan ako dahil magkaiba ang kulay na ipapalit nila sa mata ko pero naging maayos naman ang lahat kaya tuluyan nakong nakakita muli.

Pagkatapos kong maghilamos at ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako.

"ang tagal mo naman!" reklamo nito

"bakit ba kase? alas otso pa lang ng umaga, bakit gising ka na?" tanong ko habang nagsasalin ng gatas sa baso ko

"aalis tayo" tipid na sagot nito sakin

"san naman tayo pupunta?"

"uhmm...hindi ko pa alam. Basta!"

"aalis tayo araw-araw kase babawi ako sayo" natigil naman ako sa pag-inom

"di mo naman kailangang gawin yun eh"

"bastaaa! sasama ka naman sakin diba?"

"malamang!" sagot ko at pinagpatuloy na ang pag-inom ko.

"oh maligo kana dali"

"ngayon na?! ang aga naman!!" angal ko dito

"oo" hindi nako nakaangal ulit sakanya ng hilahin niya na ko papunta sa cr

Pagkatapos kong maligo nagbihis nako at bumaba na sa sala. Tulog pa din silang lima san kaya nanggaling ang mga to kahapon? mukha silang pagod na pagod.

"tara na" tumango naman ako sakanya. Akala ko magco-commute lang kami pero hindi pala. Dala niya yung kotse niya.

"san tayo pupunta?"

"secrettt!" inirapan ko naman siya

"kailan ka babalik sa new york?" tanong ko dito

"ayaw mo ba kong nandito?"

"hindi naman"

"naman?!" natawa naman ako sakanya

"kailan ka nga babalik?"

"next month"

"ang bilis naman!"

"kanina pinapauwi mo na ko tapos ngayon sasabihin mo ang bilis naman. Ano ba talaga jeo?"

"hahahaha. Both"

"ewan ko sayo"

"ngayon na lang ulit ako nakasakay sa kotse.." sabe ko habang binababa ang bintana nito

"after that accident hindi na ko nagdrive muli" pagtutuloy ko sa sinabe ko

"you've been traumatised" tipid na salita nito.

"don't you ever try doing that again" may pagbabanta sa tono nito

"kundi.."

"kundi ano?" pagputol ko sakanya

UnexpectedWhere stories live. Discover now