Chapter 35

11 1 0
                                    

Jeoana rheign's POV

This coming sunday na ang last day ng sembreak namin, wednesday na ngayon and ni isa sa mga pinapagawa sakin ng mga prof ko ay wala pa akong nasisimulan. Ghad! ayoko ng maging college student!

"jeo, tapos mo na ba yung pinapagawa sayo ni prof. Hermie?" tanong sakin ni alie na galing sa banyo

"hindi pa. Actually wala pa kong nasisimulan" kumakamot ulo kong sagot sakanya

"eh? akala ko pa naman nagawa mo na yun, hihingi sana ako ng konting idea" sabe niya habang sinasampay ang towel niya

"arghhh!! hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula eh!" sa inis ko ay naibato ko ang ballpen na hawak ko

"simulan mo sa pinaka madali" tipid na sabe ni desiree na kagagaling lamang sa labas. Siguro ay napalakas nanaman ang boses namin kaya narinig niya.

"si gie tapos na lahat, kainggit" nakangusong sabe ni alie. Nandito kami ngayon sa kwarto namin na punong-puno ng kalat. Tinatapos na kase namin ang mga bagay na dapat tapusin which is yung mga school works namin.

"nagugutom na ko!!!!" sigaw ni wein

"potek! ang lapit mo lang samin bakit kailangan mo pang sumigaw?!" inis na sambit ni desiree dito

"ano bang gusto niyong kainin? ako na ang bibili" sabe ko sakanila

"gusto ko ng pizza, fries, burger--"

"tangina? diyan lang ako sa seven eleven bibili!" suway ko kay wein. Ang takaw talaga kahit kailan!

"ayyyy" bigla namang nakungkot yung mukha niya

"wag mo kong artehan lyndon"

"tss. Sabe ko nga eh" sabe nito sabay irap sakin

"aba't!" sambit ko dito. Napansin naman naming lalabas ng kwarto si cherisyn kaya tinanong namin ito

"san ka pupunta?" sabay-sabay na tanong namin sakanya

"sa kusina" tipid nitong sagot

"ano namang gagawin mo sa kusina?" nakataas kilay na tanong ni heizelyn dito

"kukuha ng kutsilyo" lahat naman kami ay nagulat sa sinabe niya

"para saan?!" gulat na tanong ni alie

"para kayla wein at jeo. Nagkakasagutan na eh"

"tsh! we don't need that cherisyn" walang emosyong sabe ni wein

"bababa na ko!" sabe ko then kinuha yung wallet ko.

****

Habang naglalakad ako ay yung mga school works ko pa din ang tumatakbo sa isip ko. Ang dami naman kase nilang pinapagawa! parang wala din kaming sembreak!!

Pagdating ko sa seven eleven dumeretso agad ako sa parang cooler dito, kung nasaan yung mga meal nila. Suki kami ng seven eleven pagtinatamad kaming magluto hahahaha. Kumuha na din ako ng ilang inumin at ice cream.

Aktong magbabayad na sana ako ng may biglang pumigil sakin

"ako na" then inabot niya na sa kuyang nasa cashier yung credit card niya. Sino ba to? hindi ko siya masydong makilala dahil nakahood na white ito at shades na black ang lens. Isa lang ang kilala kong ganitong manamit pero imposibleng siya to dahil sa pagkakaalam ko ay nasa canada pa siya.

"t--thank you" nahihiya kong tugon dito

"always welcome" then binigyan niya ko ng isang pamatay na ngiti at tsaka nagmadaling lumabas ng store.

UnexpectedWhere stories live. Discover now