Heizelyn crizza's POV
Lumipas ang ilang araw at nagising na din si jeoana. Tinakpan ulit ang kanan niyang mata kaya ang kaliwa lang ang nagagamit niya upang makakita.
"jeoana.." mahina kong usal
"mhm?" bakas ang kalungkutan sa boses niya
"kamusta na ang pakiramdam mo?, ayos ka na ba?" alam kong nahihirapan siya ngayon
"heiz, ang hirap ng ganto" basag na boses nito
"jeo...magpahinga ka muna ulit" tsaka ako lumabas ng kwarto niya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang sabe samin nung doctor may hindi daw maganda sa resulta ng test na isinagawa kay jeoana.
"heiz, hindi makakatulong kung iiyak ka diyan" salita ni desiree
"eh anong gusto mong gawin ko?! hindi ko na alam kung anong mangyayari kay jeoana. Wala tayong kaide-ideya kung ano ng mangyayari sakanya!" paghihinagpis ko
"magpakatatag ka para kay jeoana" sambit ni alie
"napapagod din ako...lagi na lang si jeoana ang iniintindi niyo! pano naman ako? tao din ako. Nakakaramdam din ako"
"heiz.." anang ni gie na lalapit sana sakin pero pinigilan ko siya
"wag kang lumapit sakin" madiin kong salita
"ano ba! lahat tayo dito nahihirapan kaya wag niyong masabe-sabe na kayo lang ang napapagod!" galit na sambit ni cherisyn
"hindi ko na kayo maintindihan.." bulong nito
"hindi ito ang tamang oras para mag away-away kayo" singit ni josh sa usapan
Pumasok na lang ako sa loob ng kwarto ni jeoana. Tulog siya kaya sumalampak ako sa upuan at dun umiyak ng umiyak.
Jeoana rheign's POV
Napamulat ako nang makarinig ako ng umiiyak na tao. Nilingon ko ito at nakita kong si heizelyn ito.
"heiz..." paninimula ko
"j--jeoana.." pagpipigil niyang maiyak muling sambit
"heiz i'm sorry" usal ko. Alam kong nahihirapan na silang lahat sa nangyayari ngayon.
"ano ka ba!, magpahinga ka na nga lang diyan. Lalabas muna ako, may bibilin lang" hindi niya na ako hinintay makasagot dahil lumabas na agad siya.
Pipikit na sana muli ako nang bumukas yung pintuan. Tinanaw ko kung sino ito at nakita kong si jhay-jhay ito.
"k--kamusta na ang lagay mo?" tanong nito
"ayos lang ako. Anong ginagawa mo dito?, pano ka nakapasok sa kwarto ko?" tanong ko din sakanya dahil imposibleng makapasok siya dito sa kwarto ko gayong bantay sarado ako ng mga kaibigan ko. Ayaw nilang makapasok si jhay-jhay sa kwarto ko.
"pwede ba tayong mag-usap?" nakikiusap ang mata nito
"kung tungkol yan sa nakita ko nung nakaraang linggo wag kang mag-alala hindi ko sinabe sakanila" ngumiti ako ng pilit
"rheign--"
"sasabihin mo nanaman bang lasing ka?" nanginginig ang boses ko nang magsalita ako
"rheign--"
"ASAN SI CHAEZIER?!!!" malakas na sigaw nung babaeng kakapasok pa lang sa kwarto ko. Parang nakita ko na ang babaeng ito
"laureen anong ginagawa mo dito?!" may inis sa tono ng pananalita ni jhay-jhay
"kailangan mong malaman ang sasabihin ko!" sagot ng babae dito
"hindi ba pwedeng ipagpamamaya o ipagpabukas mo na lang yan--"
"chaezier buntis ako"
Sa pagsasalita ng babae para akong sinaksak ng maraming beses. Hindi ko mapigilan na hindi maiyak nang maalala ko kung saan ko nakita ang babaeng to. Siya yung babaeng naabutan kong nasa loob ng unit ni jhay-jhay na naka hubo't hubad.
"a--anong sabe mo?" nauutal na tanong ni jhay-jhay dito
"buntis ako. Ikaw ang ama" sabay abot niya ng brown envelope dito na sa tingin ko ay isang DNA test.
"positive ang lumabas sa test. Magiging tatay ka na!" naluluhang bigkas nung babae sa tuwa.
Sa hindi ko na alam ang gagawin bigla na lang ako napatayo at pinagtatanggal ang kung anong nakakabit sakin at tumakbo palabas ng kwarto ko. Natungo ako sa rooftop nito at dun nagsisisigaw sa sakit. Ayoko na. Sobra na tong dinadanas kong sakit.
"rheign!" narinig kong sigaw ni jhay-jhay mula sa likudan ko
"ano pa ba?! ano pa bang kailangan mo sakin? hindi ka ba napapagod? kase ako pagod na pagod nako sa lahat lahat! ayaw na kitang makita kaya umalis ka na dito!!" buong lakas kong sigaw sakanya
"rheign nagkakaganyan ka lang dahil sa kalagayan mo ngayon"
"p*tangina juasthine! p*tangina!!" pagmumura ko sa sakit
"minumura mo nanaman ako.."
"bakit? may napala ba ako sayo nung minahal kita? diba wala?"
"rheign naman.."
"ano nanaman?! ayaw ko na sayo! umalis ka na dito!!"
"hindi ako aalis dito hangga't alam ko sa sarili kong mahal mo pa ako at mahal pa kita"
"tanginang pagmamahal yan! tanginang pagmamahal ko sayo! wala naman akong napala sa pagmamahal ko sayo!, asan na yung panagako mo sakin? jhay-jhay asan na?...asan na yung 'tayo hanggang sa huli' mo? nasan na?, nasaan na yung p*tanginang 'mahal na mahal kita'? nasaan na yung.." basag na basag na ang boses ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayon. Kailan ba to matatapos?
"nasaan na yung 'hindi kita lolokohin' mo? nasaan na lahat ng yun?!, sana sa simula pa lang sinabe mo na sakin na kasinungalingan lang pala ang lahat ng yun para hindi ako umasa! ang sakit kase eh. Jhay-jhay ang sakit sakit, na sa sobrang sakit nakakabaliw na"
"rheign please...aayusin ko to lahat. Aayusin ko to bumalik ka lang sakin please--" bigla na lang may sumuntok kay jhay-jhay. Napatingin ako at nakita ko ang galit na galit na si angel
"bakit ba gusto mo siyang bumalik sayo ha?! bakit? para saktan mo ulit siya? kulang pa ba yung dalawang p*tanginang taon ha? kulang pa ba yun?!" galit na galit nitong singhal kay jhay-jhay
"bakit ka ba nagingielam dito? ano ka ba ni rheign ha? wag mong isasagot sakin na boyfriend ka niya dahil alam naman nating ginagamit ka lang niya! ginagamit ka lang niya upang mawala na ang pagmamahal niya saakin" sigaw pabalik ni jhay-jhay dito
Napahawak naman ako sa mata ko napansin kong dumudugo nanaman ito pero binalewala ko ito.
"alam ko! nagpagamit ako sakanya para mawala na yang tanginang pagmamahal niya sayo! ginawa ko lahat para mawala yun pero...pero hindi yun nawala" napalingon naman ako kay angel nang dahil sa sinabe niya
"tangina alam mo naman pala eh, umalis ka na dito hindi ka namin kailangan!"
"angel.." pinilit kong lakasan ang boses ko ngunit parang bumubulong lang ako sa hangin dahil sa hina nito
"as long as i am breathing i will not give jeoana to you" madiing sambit ni angel tsaka ako binalingan ng tingin. Lalapit na sana siya sakin nang magsigawan ang mga kaibigan ko na kakaakyat lamang dito.
"jeoana!!!!!" sigaw ni alie habang natakbo palapit sakin.
Nang makalapit sila sakin ay agad nila akong niyakap pero natigilan sila nang makita nila ang mata kong dumudugo
"p*tangina!" malutong na pagmumura ni heizelyn at desiree
"ibalik niyo na si jeoana sa kwarto niya!" sigaw ni cherisyn na agad namang sinunod nila josh at ng isang lalakeng hindi ko kilala.
YOU ARE READING
Unexpected
RandomSi Rheign ay namumuhay nang tahimik ng biglang dumating sa buhay nito si Chaezier Juasthine o mas kinikilalang 'Jhay-Jhay'. Unexpected things happened to the both of them. Ito bang hindi inaasahang pangyayari sakanilang dalawa ay makabubuti o hindi...