Jeoana rheign's POV
Ito na ang araw kung kailan matatapos na ang lahat lahat sa aming dalawa. Pagod na pagod yung katawan ko mula sa pag-iyak. Iniisip ko pa lang yung venue ng lugar, yung mga bisita at yung ikakasal sumasabog nanaman ang mga luha ko. Napabangon ako sa pagkakahiga ko at pinunasan ang mga luhang tumulo na.
"arghhh!! ano ba yan jeoana!, ang aga-aga naiyak ka n--nanaman.." pilit kong pinunas ang mga luhang tumutulo ngunit hindi ito nauubos. Ayaw niya tumigil sa pagbuhos.
Tinitigan kong muli ang repleksyon ko sa salamin.
"jeoana asan ka na ba?, na traffic ka ba?" pinilit kong matawa dahil sa sinabe ko ngunit imbis na paghalakhak ang lumabas sa bibig ko, hagulgol ang lumabas dito.
Binato ko ng unan ang salamin kong kaharap. "ano ka ba! tumawa ka!" sambit ko habang binabato ito ng unan.
"t--tumawa ka naman..please.." pakiusap ko sa repleksyon ko
"ibalik mo nako sa dating ako parang awa mo na...bumalik ka na jeoana" patuloy pa din ang pagluha ko sa harap ng salamin.
Nilapitan ko ang salamin at pinakatitigan ang sarili ko. Pinilit kong ngumit pero ayaw talaga...
"pagod ka na bang magpanggap?" tanong ko sa sarili ko
"wag kang mag-alala, matatapos na din tong pagpapanggap natin..konti lang, kumapit ka muna ha?" hinaplos ko ang sarili ko sa salamin
"babalik din tayo sa dati" hindi nako ngumiti dahil sa tuwing pipilitin kong ngumiti lalo lang naglalabasan ang mga luha ko.
"please bring me back" pagmamakaawa ko.
Wein lyndon' POV
Mula kagabi hindi ko nilisan ang pinto ng kwarto ni jeoana. Natatakot ako na baka kung ano nanamang mangyari sakanya. Baka ano nanamang gawin niya sa sarili niya. Buong gabi ko siya narinig umiyak, wala itong tigil. Bilang kaibigan niya doble akong sakit nito sakin. Nakikita at naririnig ko siyang umiyak at masaktan pero wala akong ibang magawa kundi sabihin na magiging okay din ang lahat.
Nakaupo lang ako sa may tapat ng pinto niya nang lapitan ako ni alie.
"tumigil na?" malungkot akong umiling sa tanong niya
"ang mata niya.." naiiyak nitong wika
"alie ang sakit...ang sakit na makita yung kaibigan mong masayahin nagkakaganyan" umupo na din siya sa tabi ko
"oo, sobrang sakit. Hindi ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko ang kalagayan niyanat nadidinig ko ang walang tigil niyang pag-iyak"
"sobra siyang nasasaktan wein.." hindi na nito napigilan umiyak na din siya ngunit pinunasan niya ito agad
"hindi ako pwedeng umiyak...kung nasasaktan ako mas nasasaktan si jeo" pigil iyak niyang sambit
"mamayang 8:30am na ang kasal ni jhay-jhay mag-ayos ka na dun" utos ko sakanya. Tumango naman ito
"sige, ika din" tumayo na siya at dumeretso na sa kwarto niya.
Nagulat naman ako nang biglang bumukas yung pinto ni jeoana. Naka color black itong dress. Litaw na litaw ang kagandahan niya sa suot niyang yan.
"s--san ka pupunta?" tanong ko
"ah, magpapa-ayos lang" nakangiti niyang sagot. Naka shades ito ng black, para na din siguro itago ang mugto niyang mga mata.
"sasamahan na kita--"
"hindi na. Mag-ayos ka na din, mamaya na ang kasal" nakangiti pa din siya
"sigurado ka?"
YOU ARE READING
Unexpected
RandomSi Rheign ay namumuhay nang tahimik ng biglang dumating sa buhay nito si Chaezier Juasthine o mas kinikilalang 'Jhay-Jhay'. Unexpected things happened to the both of them. Ito bang hindi inaasahang pangyayari sakanilang dalawa ay makabubuti o hindi...