Chapter 17

19 1 0
                                    


Jeoana rheign's POV


"you may go to your respective groups" anunsyo ni madonna


Tumayo naman nako sa upuan ko at pumunta sa designated area ng group 3 which is yung group ko.


"hi! group 3 ka?" masiglang bati sakin ni girl


"oo. Ikaw din?" pagbabalik ko sakanya ng tanong



"parehas tayo!" then niyakap niya ko. Wow ang jolly niya ah.


Umupo na kami sa sahig at nag discuss na about sa topic namin.


"okay na ha? wag niyo na lang kakalimitan yung mga sinabe ko. Okay?"


"okay"

"before we end this discussion pakilala naman kayo oh?" sabe ni ateng jolly


"oo nga naman" sang ayon ni kuyang naka brace.

"i'm--"

"jeoana rheign fosterine" putol sakin nung kuyang brown yung buhok. Familiar siya...


"oh....kay?" sabe ko na lang. Think straight jeoana! classmate mo siya kaya ka niya kilala.


"terrence Francisco mediana" nakangiting sabe nung kuyang pumutol sa sasabihin ko.


"hei--"


"excuse me. By any chance nagkita na ba tayo?" i asked pointing terrence.


"yes!"


"how? when? and where?" sunod-sunod na tanong ko dito.


"you were called for a debate contest and i was a volunteer there. At the auditorium"

"ohh..." kaya naman pala!


"if that's the case nice meeting you again" i said

"aish! tama na nga sa english! dumudugo na ilong ko" si ate jolly. Natawa naman kami she's funny.


"ano nga pala name mo?"


"okay ehem! i'm heizelyn crizza yepez"


"parang ngayon lang kita nakita?" terrence asked


"late ako na transfer eh" nahihiya niyang sabe

"ahh..okay lang yan!" sabe ko. Jolly din naman ako pero sa mga close ko lang na tao.



****

"oi rheign!" tawag sakin ni jhay-jhay

"ano?"

"wala lang hehe"


"feeling cute ka na niyan?" natawa naman siya sakin


"eysh! kayong dalawa hindi ba kayo pwedeng manahimik kahit saglit lang?!" inis na sita samin ni cherisyn

Kanina pa kase kami nag-aasaran ni jhay-jhay.

"ayannn ginagalit niyo si mhe mhe cherisyn eh!" si alie


"weehhh wala naaaa!" asar ni jhay-jhay dito


Nasa library kami ngayon maingay kami kase wala yung bantay dito sulitin na noh!

"rheign crush kita" si jhay-jhay


"yieeeee crush din ketaaa!"


"potah ang haharot!!" si alie naman ang sumasaway samin HAHAHAHA

"wala ka lang kaharutan eh"


"sino nagsabeng wala?!" sigaw ni alie dito

"bakit meron ba?" singit ko sa usapan nila.


"oo!"


"sino naman?"


"secret ko na yun!" natigilan kami sa asaran ng may lumapit Saming babae.


"hi! pwede maki table?" tanong nito.



"uhm...kilala kita?" tumawa yung babae.


"heizelyn."


"ahh..." aish! nakakahiyaaa! nakalimutan ko yung name niya.



"oo naman!" sagot ko dito


"hi." awkward na sabe ni alie


"hello." same goes with heizelyn


Ohkay....ano tong awkward na atmosphere na bumabalot samin ngayon?

"jhay...."


"oh?"


"bili tayo" sabe ko.


"ako na lang bibili para sayo--"


"hindi ayoko. Sama ako"


"tara na"



Tumayo na kami at lumabas na ng library ang awkward talaga.


"ano bang bibilin mo?"


"hindi ko din alam"

"ay?"

"wala ka bang napansin?"


"napansin saan?"


"nung dumating si heizelyn...."


"ang awkward na" dugtong nito sa sinabe ko hindi lang pala ako siya din pala naramdaman yun.


"nag-aalala ka?" tanong niya


"oo na hindi"



"wag mo na muna masyadong isipin yun mag focus ka muna sating dalawa" then kinindatan niya pa ko

"waw!"



****

Pagkatapos namin sa library umuwi na din kami si alie naman nanatiling tahimik i wonder why?

"alie!"


"oh?"


"may sakit kaba?"


"wala. Bakit?"


"ang tahimik mo eh"


"ayy. Ahahahaha bad" sabe nito


"una na kami ni rheign ah" paalam ni jhay-jhay sa mga to.


"sige ingat!"



Krystalinne alie's POV


Dito din siya nag-aaral? bakit? bakit dito pa? lumayo na nga ako sakanya eh. Nauna na sila rheign kaya naman lalo nakong tumahimik.


Lumapit naman sakin si wein "ba't ang tahimik mo?"


"wala lang"


"hindi mo ba kikilalanin tong si heizelyn? i mean new friend siya oh" si cherisyn



"kilala ko na siya"


"kilala mo sa pangalan" dagdag niya pa


"no. I know her. We used to be bestfriends" sagot ko. Nagulat naman sila sa sinabe ko


"y--you used to be bestfriends?"


"dito nako. Bye. Ingat kayong dalawa" sabe ko at tinalikuran na sila.



They were actually three pero sa dalawa lang ako nagpaalam.





I still hate her.

UnexpectedWhere stories live. Discover now