Jeoana Rheign's POV
Another day to start. Bumangon na ako sa kama ko at nag-ayos na.
"maaa!" sigaw ko habang pababa ng hagdan.
"maaaa!" tawag ko ulit dito pero walang sumasagot. Sinilip ko yung labas kung nandun siya pero wala, sinilip ko na rin yung kwarto at kung saan siya pwede mag punta pero wala rin siya sa mga yun.
Naupo na ako sa dining table nang may mapansin akong note na nakadikit sa lamesa.
Umuwi ako ng Quezon para bisitahin ang lola mo, hindi ko na nasabi sayo dahil late ka na nakauwi kagabi at may pasok ka rin ngayon kaya hindi na kita sinama.
- mama <3
Pagkatapos kong basahin yun mabilisan akong kumain at lumabas ng bahay. Tatakbo na sana ako ng mahagip ng mata ko si Jhay-Jhay na nakatayo malapit sa gate namin. Anong ginagawa niya dito?
"sabay na tayo?" tumango lang ako.
"saan pupunta si tita?" Alam niya?
"nakita ko siya kanina eh"
"ahh.."
"so saan nga?"
"sa Quezon"
"ba't hindi ka sumama?"
"may pasok ako"
And with that bigla na lang siyang tumawa. Anong problema ng lalakeng to?
"sabihin mo na lang na mamimiss mo ako at hindi mo kayang hindi ako makita sa isang araw" sabi niya ng may ngiti sa labi.
"seryoso, anong nakain mo?" iritable kong tanong sakanya pero imbis na sagutin niya ako binigyan niya lang ako ng ngiti. Isang ngiti na mapang-asar.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong inakbayan at hinigit palapit sakanya, pero mas lalo akong nagulat dahil hinayaan ko lang siyang gawin yun hanggang makarating kami sa school. What the heck Jeo? bakit parang binibig deal ko yung pag akbay niya sa akin? Aish tama na muna sa kakaisip.
Pag-akyat namin sa third floor kung nasaan ang room namin nakasalubong namin si Kingkong. Sinamaan niya ako nang tingin atsaka lumapit sa akin, sa amin.
"hindi ba't school hours ngayon?" bakas sa tono niya ang inis.
Ano na naman ba ang problema nito?
"good morning Sir" bati ni Jhay-Jhay dito at matic na nawala ang inis sa mukha ni Kingkong.
"bakit kayo mag kasabay?"
Kailangan bang malaman yun?
"students stuff Sir" at hinila niya na ako palayo kay Kingkong.
"lakas ng dating mo dun ah?"
"napansin mo rin?" tumango ako.
"crush daw ako nun eh" pagkabitaw niya ng katagang yun bigla ko siyang natulak palayo sa akin.
"what the?"
"s--sorry" tumayo na siya at tinignan ako.
"selos ka?"
Seriously?
"may klase pa ako" akmang maglalakad na ako ngunit pinigilan ako nito.
"wag ka mag-alala mas love kita dun"
Biglang uminit ang psingi ko sa sinabi niya.
"the heck?" tonong inis ko itong binitawan para hindi halata ang totoong epekto ng sinabi niyang yun.
****
"uy Jeo!"
"kanina ka pa tulala riyan"
"may iniisip lang"
"ano naman yun?"
"wala"
"damot"
Umubob na lang ako sa lamesa ko. Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko yung nangyari kanina sa hallway. Aishhh!!
Mabilis natapos ang mga subjects ko ngayong araw.
"Jeo sabay na tayo"
"buti naisipan mo"
"ha?"
"hindi na tayo sabay umuuwi nitong mga nakaraang araw eh"
"ahh...sorry"
"okay lang baliw!"
"libre mo na lang ako para quits na tayo"
"sige ba!"
Ang dali talagang kausap nitong si Wein. Totoo naman kasi yung sinabe ko, this past weeks si Jhay-Jhay na ang lagi kong kasabay pauwi. Speaking of pauwi na rin kaya yun?
Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko kaya pinailaw ko ito.
One new message
[From: Jhay-Jhay]
[na hold kami sa last subject namin kaya hindi ako makakasabay pauwi sayo or kung gusto mo antayin mo ako sa hallway hehe :-)]
Waw ASA!
"ano Jeo? Sino nag text?"
"wala" sumimangot naman siya.
"Hindi bagay sayo panget mo"
Kumain na lang siya nang kumain at hindi na ako inimik. Nandito kami sa fishbolan sa tapat ng subdivision namin.
"Jeo..."
"mhm?"
"alam mo bang mahal kita?" natigilan ako sa pag nguya.
"as a friend ah"
"oo bakit?" tumango-tango naman siya
"alam mo tin bang hindi ko kayang mawala ka?"
"ano bang drama to Lyndon ha?"
"awww Lyndon daw"
"ano ba kasing drama mo?"
"wala naman, tinatanong ko lang"
"eh?"
"kumain ka na lang" then sinubuan niya ko ng kwek-kwek. Sinamaan ko naman siya nang tingin pero walang epekto tumawa lang siya at kinurot ang pisngi ko. Argh! Pisngi ko na naman.
Pagkatapos naming kumain umuwi na rin si Wein syempre ako rin uuwi na.
"date kayo?" napatingin naman ako sa likod ko, si Jhay-Jhay
"bestfriend ko yun, wag kang ma-issue"
Tinabihan ako nito sa paglalakad. Sinilip ko siya sa right ko at nakita siyang nakangiti. Suddenly my mood shift into 'the makulit Jeoana'
"bakit kayo hinold?" tanong ko
"late na kasi kami sa mga lessons sa subject niya kaya ayun"
"ahh...kumain ka na?" nagulat naman siya sa tanong ko.
"b--bakit?"
"wala lang" biglang nawala yung excitement sa mukha niya.
"kain tayo?" tanong ko ulit, bigla namang bumalik yung ngiti niya.
"diba kumain ka na kanina kasama si Wein?"
"ayaw mo ba?" biglang kumurba pababa yung labi ko. Hindi ko din alam kung anong nangyayari sakin pero ito kasi yung nangyayari sa'kin pag nasa makulit mode ako. Hehez.
"syempre gusto ko" hinila ko na siya papunta sa bahay ko.
YOU ARE READING
Unexpected
RandomSi Rheign ay namumuhay nang tahimik ng biglang dumating sa buhay nito si Chaezier Juasthine o mas kinikilalang 'Jhay-Jhay'. Unexpected things happened to the both of them. Ito bang hindi inaasahang pangyayari sakanilang dalawa ay makabubuti o hindi...