Chapter 45

19 3 0
                                    

Jeoana rheign's POV

Masyadong naging mabilis ang paglipas ng araw kaya sunday na ngayon at monday na bukas. Ang araw ng kasal ni jhay-jhay. Hindi pa kami nakakapag-usap dahil hinahanda ko pa ang sarili ko sa muli naming pagahaharap.

Iniisip ko pa kung anong sasabihin ko sakanya. Pero walang napasok sa utak ko. Arghhh!

"jeoanaa!!!!" sigaw ni angel mula sa baba. Pagkatapos ng pag-uusap naming dalawa naging magkaibigan kami. Okay lang saming dalawa na maging magkaibigan dahil nga nagkaroon kami ng maayos na pag-uusap tungkol sa naging relasyon naming dalawa.

"ano nanaman???!!" sigaw ko din

"bumaba ka diyan daliii!!!" bumangon naman nako sa kama ko at lumabas ng kwarto ko

"ano ba yun?" tanong ko ng makababa na ako sa sala kung nasaan siya

"movie marathon na daw hehehe" napairap naman ako sakanya. Letse akala ko naman kung ano nanamang problema netong baklang anghel na to.

"ano isasalang??" tanong ni wein na nakapwesto malapit sa tv

"horror naman!!" sigaw naming mga babae. Sabay-sabay naman kaming natawa dahil sabay-sabay namin iyong sinabe.

"alam niyo, kayong dalawa wala ng kayo pero para pa ding kayo" pagpupuna sa amin ni desiree. Nagkatinginan naman kami ni angel

"parang langgg!" sabay naming sabe at tumawa din ng sabay.

"lah?"

"HAHAHAHAHHAHAHAHAAHHAA"

"nababaliw na yang dalawang yan" rinig kong sabe ni wein

"letse wein" sabay irap ko pa sakanya.

Isinalang niya na ang CD at nagsipwesto na kaming lahat. May mga chips din sa center table.

"nasa likod mo bobo!!" sigaw ni josh dun sa bidang tanga

"ayy! ayan kase bobo! sinabe ng nasa likuran mo eh!" dagdag pa ni alie. Ito talagang magjowang to napaka. Haaay.

"AAAAHHHHHHHHHHH!!!!!" sigaw ni heizelyn

"potah, heiz! makasigaw!" singhal sakanya ni gie

"eh kase--AAAHHHHHHH!!!!" napatakip na siya sa mata niya dahil sa napapanood. Tinatawanan lang naman siya ni anthony na katabi niya. Ito namang dalawa na to akala mo magkaibigan lang, yun pala magjowa din. Hay nakoo!

"tanggalin mo yung kumot sa mata mo, che!" natatawang sambit ni charles dito.

"ayoko! nakakatakot!" utas nito tsaka hinigpitan ang pagkaktakip sa mata ng kumot. Pffttt! isa pa tong dalawa na to!

Masaya ako para sa mga kaibigan ko dahil nahanap na nila ang mga lalakeng makakapitan nila sa darating na kagipitan charott!! WAHAAHHAHAHAHAHA.

Masaya ako dahil masaya sila sa mga buhay nila. Itong dalawa na lang ang inaabangan ko eh. Kailan kaya tong dalawang to?

Si gie lately laging tutok sa phone tapos natataranta pa yan pagsinabe naming nagri-ring yung phone niya. Baka meron na ding manliligaw yan.

Si desiree wala pa din! wala kaseng kwenta ang isang yan charot ulit! HAHAHAHAHAHHA. Wala daw siyang oras para sa mga ganung kaharutan kaya ayun. Bitter ang lola niyo. WAHAHAHAHAHAHA.

"kamusta na kaya si hendrikx?" agad namang tumalim ang mga mata nila desiree at wein kay angel

"what?" natatawa niyang tanong

UnexpectedWhere stories live. Discover now