Chapter 39

13 1 0
                                    

Jeoana rheign's POV

Dumaan ang ilang linggo at naging madalas ang paglabas-labas naming dalawa ni jhay-jhay. Ngayon nakapag-isip-isip na ko. I'm happy when jhay-jhay's around me. He makes me happy. Pinaramdam niya sa akin na mahal niya pa talaga ako. Sabihin niyo ng tanga ako at kung ano-ano pa wala na kong pakielam. I will follow what my heart wants.

Next week bakasyon na kaming lahat. Masaya ako na lahat ng mga kaibigan ko ay masaya. Si alie at josh ay ganun pa din ang tratuhan sa isa't-isa, walang nagbago sakanilang dalawa. Si cherisyn naman ayun nagkakalabuan pa sila ni charles. Si desiree at gie walang ganap sa buhay pero masaya naman sila. Si heizelyn naman may lalake na sa buhay niya, ayaw niya pang ipakilala sa amin eh.

"rheign usong gumalaw!" sabay tapik nito sakin. Nandito kami sa isang park at nagba-bike

"pagod na ko eh, ikaw muna" sabe ko at inandar ang bike ko sa tabi ng isang upuan. Nakakapagod. Inikot namin ng ilang beses tong buong park.

Kinuha ko yung bottled watter sa may basket ng bike ko at ininom ito. Nang mapawi na nito ang uhaw ko biglang inagaw ni jhay-jhay yung bote sa kamay ko at diretsong ininom din ito. Tss. Hindi pa din talaga siya nagbabago. Ginagawa niya din kaya yan sa ibang babae? matanong nga...

"hoi ikaw!"

"mhm?"

"ginagawa mo din ba yan sa ibang babae mo dati?" nangunot naman ang noo niya

"ang alin?" tanong niya tsaka tinapon yung bote ng tubig

"yang nakikishare ka sakanila!" bigla naman siyang natawa sa sinabe ko. May nakakatawa ba dun?

"you sound like my girlfriend 2 years ago" wika niya. Nang dahil sa sinabe niya may tanong na pumasok sa utak ko

"jhay-jhay did you regret doing that to me?, cheating on me?" naupo naman siya sa tabi ko

"i did. Isang malaking kagaguhan ang ginawa ko sayo nun. Alam kong pag sinabe kong lasing talaga ako nun hindi ka pa din maniniwala"

Napabuntong hininga naman ako nang may ala-alang pumasok sa isipan ko. "nalalasing din naman ako pero hindi ko yun ginawa" sambit ko

"i'm really really sorry rheign" wika nito at hinawakan ang kamay ko

"alam kong walang magagawa ang sorry ko kaya ito ako, ako ang kumikilos para mabalik na natin ang dating tayo"

Hinarap ko siya at nakitang naluluha ang mga mata niya. I guess he also experienced pain last 2 years ago.

"rheign, i love you" tsaka niya ako hinila palapit at binigyan ng isang uhaw at nananabik na halik. Sa sobrang pagkagulat ko hindi ko na alam ang gagawin ko, pero may sariling utak ang mga labi ko. My lips did kissed him back.

"i really love you" wika nito sa gitna ng paghahalikan naming dalawa. Naramdaman ko namang lumiksi ang tibok ng puso ko. This heart really wants him.

"lets start over again" wala sa sarili akong tumango. Lahat na ata ng parte ng katawan ko siya ang gusto. Siya ang hinahanap-hanap. I will give this to him. I will give my heart again.

****

Ngayong araw ko sasabihin kay jhay-jhay na pumapayag na ako sa muling pagbabalikan naming dalawa pinaalam ko na din to kay cherisyn, oo kay cherisyn lang dahil alam kong hindi sila papayag sa gagawin kong to. Not that pumayag si cherisyn, pero kase naiintindihan niya ko.

Naabutan kong bukas ang pinto ng unit niya kaya nakita ko yung loob nito. Halos manlumo ako sa nakita ko. Isang babaeng nakakalong sakanya na naka hubo't hubad na kahalikan niya. Napatakip na lang ako sa bibig ko. Bigla na lang bumuhos ang isang katutak na luha mula sa mga mata ko.

UnexpectedWhere stories live. Discover now