Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang gulong yun. Naging maayos na ang lagay ng mata ko pero ang sarili ko ay hindi pa din. Sariwa pa din sakin ang sakit na naramdaman ko.
Mula nung nangyari iyon ay hindi pa namin napag-uusapan ito ng magkakaibigan.
"jeoana.." anang ni gie. Nasa sala kaming anim at lahat sila ay nakatingin lamang sakin
Mapait akong ngumiti bago nagsalita. "pwede niyo na kong sabihang tanga" sa pagsasalita ko tumulo na agad ang luha sa mga mata ko
"ano bang nangyari?" naguguluhang tanong ni cherisyn
"don't act like hindi mo alam che. Alam nating ginago nanaman nung p*tanginang jhay-jhay yan si jeoana" nagtatangis bagang na salita ni heizelyn
"what?" naguguluhan ding sambit ni alie
"nung araw na yun pagdating namin sa kwarto mo wala ka na dun at wala din taong nandun" pagsasalita ni desiree
"pagkalabas ni heizelyn sa kwarto ko dumating si jhay-jhay at ang..ang.." tumingala muna ako dahil alam kong bubuhos nanaman ang isang batalyong luha mula sa mga mata ko.
"ang ina ng anak niya" sa pagsambit ko nito narinig kong nabasag nanaman ang puso ko. Posible pa palang mabasag ang mga piraso nito?
"ina? anak? may anak si jhay-jhay?!" gulantang na tanong ni alie
"oo...nung araw na nagpaalam ako sainyo na may bibilin lang ako saglit sa labas hindi yun totoo.." napamura nanaman ng malutong si heizelyn
"sinasabe ko na nga ba" salita pa nito
"nagpunta ako sa condo unit ni j..jh...jhay-jhay nun at naabutan ko siyang may babaeng kasama na--"
"tangina nakita mo yun?!" galit na sambit ni gie. Sa aming magkakaibigan si gie ay minsan lang magalit pero pag siya ay nagalit hihilingin mong sana ay hindi na lang siya nagalit.
Umiiyak akong tumango sa tanong niya sakin.
Naalarma naman kami nang tumayo si gie sa pagkakaupo niya.
"gie hindi ngayon" pagpigil ni cherisyn dito
"kung hindi ngayon kailan?! hanggang kailan ba magdudusa si jeoana sa kagaguhan ng lalakeng yun?! akala ko ba mahal niya si jeoana?! asan na yung pagmamahal na pinangako niya nung araw na maging sila??!" pagsigaw ni gie kay cherisyn. Napakagat labi naman ako dahil sa sinabe niya. Maging ako ay hinahanap ang pinangako niyang pagmamahal sakin noon.
"kung ito ang pagmamahal para sakanya sana pala hindi na lang tayo pumayag na maging sila!" galit na umupo si gie sa upuan na katabi ni desiree
"jeoana..." paninimula ni desiree
"mahal ka pa namin, kaya ngayon...sinasabe ko na sayong tigilan mo na yang pagmamahal mo kay jhay-jhay kung ayaw mong mawala sa mundong to"
"loving him can cause you to death" anang pa nito
"jeoana panahon na para tigilan mo na yang pagpapakatanga sakanya. Ikamamatay mo yang pagmamahal na yan" usal ni alie
"tama na ang kakaiyak jeoana. Walang mangyayari kung iiyak ka nanaman" saad ni cherisyn sabay yakap sakin na sinundan nilang apat.
Bibitaw na ko. Sobra na. Ayoko na. Suko na ako.
****
Mula nung araw na bitawan ko ang salitang 'suko na ako' sinigurado ko na sa sarili ko na susuko na talaga ako. Kung iisipin dapat matagal na panahon na akong sumuko sakanya pero kase itong tanga kong puso ayaw pa din. They said follow your heart but in my situation alin sa mga piraso kong puso ang susundan ko?
Sa ilang taon kong pagpapakatanga sakanya ngayon ko lang naramdaman yung pagsuko. Akala ko kase dati kami na talaga sa huli. Kung sa pagsasalita niya titignan aakalain mo talagang hindi kami maghihiwalay pero sa salita lang yun. Hindi niya kayang isabuhay ang mga salitang binitawan niya sa akin noon. Ngayon malinaw na ang lahat sa akin na hindi talaga kami ang para sa isa't-isa, kase kung patuloy lang kaming magsasama magpapatuloy lang din itong sakit na nararamdaman ko at isa pa hindi kakayanin ng konsensiya ko na maging dahilan para lumaking walang kinikilalang ama ang magiging anak nila ni laureen. This will be the end of us.
"rheign gusto ko pagnagkaanak na tayong dalawa isang babae at dalawang lalake"
"bakit naman dalawang lalake?" tanong ko sakanya
"para pag inaway nila yung babae nating anak dalawa ang reresbak dun sa nang away sakanya"
Mapait akong napangiti sa kawalan nang manumbalik ang alaalang iyon. Matutupad na ang kahilingan mo jhay-jhay...matutupad mo na siya hindi nga lang sa akin.
"nagseselos ka? Saan diyan? Turo mo hahalikan kita mismo sa harapan niya" napatigil ako sa sinabe niya.
Kapag kaya sinabe ko sakanya ngayon na nagseselos ako sa kay laureen hahalikan niya kaya ako sa harapan nito?
"wag mo akong iiwan ha. Ikaw na lang ang meron ako" hinawakan ko naman ang mukha niya
"pangako hindi kita iiwan"
Parang ilog ang mga luha kong bigla na lang nagsilabasan at hindi maawat sa pag-agos. Patawad. Patawad dahil hindi ko natupad ang pangako ko sayo.
"ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
mo akong masaktan paminsan-minsan
bawat sandali na lang
tulad mo ba akong nahihirapan
lalo't naiisip ka
diko na kaya pa na kalimutan
bawat sandali na lang"Napatingin ako sa bintana kung saan nanggagaling ang tugtog. Tila ba'y nakikisama sa akin ang nagpapatugtog nito.
"at aalis magbabalik
at uuliting sabihin
na mahalin ka't sambitin
kahit muling masaktan
sa pag-alis
ako'y magbabalik
at sana naman""ako'y magbabalik..." pag-ulit ko sa kanta
"ako'y hindi na babalik.." pagbabago ko sa liriko nito
Muli nanamang may pumasok na alaala sa isipan ko na nagpahagulgol sa akin.
"can't wait na makapagtapos tayo ng pag-aaral at maikasal na" tuwang-tuwa niyang sambit.
"kasal?" mapait akong natawa habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin
"jeoana, i'm so so sorry" pagkausap ko sa repleksyon ko
"alam kong masyado kitang napahirapan nang dahil sa katangahan ko. I promise that babawi ako sayo" tinitigan kong mabuti ang repleksyon ko sa salamin at halos maluha nanaman ako sa nakita ko
I saw the old me. The old me na masaya lang at positive palagi. I miss the old me.
"jeoana asan ka na? pwede bang bumalik na tayo sa dati?" pagkausap ko pa din sa sarili ko
"bumalik na tayo sa dating ako na wala pa siya. Mga panahong hindi pa ako ganito kasira" dagdag ko pa
Please bring me back.
YOU ARE READING
Unexpected
RandomSi Rheign ay namumuhay nang tahimik ng biglang dumating sa buhay nito si Chaezier Juasthine o mas kinikilalang 'Jhay-Jhay'. Unexpected things happened to the both of them. Ito bang hindi inaasahang pangyayari sakanilang dalawa ay makabubuti o hindi...