Chapter 44

19 2 0
                                    

Angel's POV

Hapon na kami nakadating sa pupuntahan namin kaya naman bago kami magsimulang mag enjoy kumain muna kami.

"san niyo gusto kumain?" tanong ni heizelyn

"kahit saan" sagot ni jeoana

"saan nga?" ulit nito

"diyan na lang tayo sa mcdo" suhestyon ni charles

"sige, ano mga order niyo?" sinabe naman na namin ang mga order namin. Umaangal pa ang jeoana na to dahil ang dami ko daw inorder para sakanya. Tss. Ang payat-payat niya na nga eh!

"wag mo kong artehan jeoana" napairap na lang to

"nung wala ba ako pinapakain niyo ba ang isang to?" tanong ko sakanila ngunit nakafocus pa din ang mga mata ko kay jeoana na nakanguso na.

"tamad kumain yan" sagot ni desiree

"oo nga! Gatong ni gie dito

"dine in ba tayo or drive thru na lang?" muling tanong ni heizelyn

"drive thru na" sagot naming lahat maliban kay hendrikx na naka earphones sa likod.

"ba't ang tamad mong kumain ha?" utas ko dito sa katabi ko

"kakainin ko na yung mga inorder mo. Manahimik ka na" nakairap nitong sambit. Aba't!

"tinatarayan mo ko?" tinignan naman ako nito tsaka ako.........tinarayan!?

Napabuntong hininga naman ako ng malalim. "babe ayaw ko lang ng nangangayayat ka" tsaka ko hinaplos ang kamay niya

"hindi ako nangangayayat. Slim ang tawag sa ganitong body shape" sagot nito ng hindi pa din natingin sakin

"oh sige na slim na, wag ka ng magalit" nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakangisi si hendrikx. Gusto niya bang nag-aaway kami ni jeoana?

"hindi naman ako galit" tsaka niya binaling sakin ang mukha niya. Binigyan ko naman siya ng isang mabilisang halik sa labi. Muli kong nakita ang reaction ng mukha ni hendrikx at galit nanaman ito. Ako naman ang napangisi.

Dumating na din ang inorder namin at kumakain na kami ngayon.

"ang dungis mo naman" natatawa kong wika nang makita kong may ketchup ito sa gilid ng labi

"asan?" tanong niya. Pupunasan niya na sana ito ng tissue nang bigla kong ipinahid ang fries kong hawak dito dahilan upang mawala na ang ketchup tsaka ko ito sinubo.

"mas masarap pala ang ketchup pag nasa labi mo" nakangisi kong wika

"sira!" hinampas niya naman ako ng mahina.

"ang harot talagaa!" pagpaparinig ni desiree mula sa likod. Akala ko kami ang sinasabihan niya yun pala sila josh at alie pala ang sinasabihan. HAHAHAHAHAHA.

Simpleng sinusubuan lang ni heizelyn si anthony na nagda-drive habang sila alie at josh ay may kasamang harutan sa pagkain ng spaghetti nilang order.

"bakit nga ba tayo sumama dito gie?" tanong nito kay gie na nagce-cellphone

"ewan ko sayo ang bitter mo" rinig kong natatawa si gie ng sambitin niya yan.

Kukuha sana ako ng fries sa box nang makita kong wala na pala itong laman. Lakas talaga sa fries nitong babaeng to.

Nakita ko namang may nakasubong fries sa bibig niya. Dahil nga maharot akong lalake, kinuha ko ito sa bibig niya gamit ang bibig ko na naging dahilan ng pagdampi ng labi namin sa isa't-isa. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. HAHAHAHAHAHAHA.

UnexpectedWhere stories live. Discover now