Jeoana rheign's POV
Sembreak na namin kaya naman nandito nanaman ang mga kaibigan ko sa bahay ko. Si mama uuwi daw siguro sa makalawa pa. Alam na din ni mama na kami na ni jhay-jhay nung nakaraang linggo nandito siya at dun namin sinabe sakanya. Legal na din kami sa magulang ni jhay-jhay tuwang-tuwang nga sila sakin eh.
"jeo!"
"ano?"
"gusto ko uminom.."
"bakit?" tanong ko
"alie okay ka lang?" tanong ni heizelyn dito
"bakit mo naman naisipang mag-inom ngayon ha?" tanong na din ni cherisyn
"may nangyari ba?" tanong ni desiree
"si cm..." naiiyak na sabe ni alie
"oh, now i get it" sabe ko
"sinabe na kase namin sayo alie na may girlfriend na yun si cm ayaw mo pa din tumigil!" si desiree ang nagsalita. Sa aming magkakaibigang babae si desiree ang pangalawa sa pinaka matanda sa amin.
"alam ko..pero kase.." naiyak na siya ngayon kaya naman agad na lumapit si cherisyn sakanya at niyakap siya nito
"sinabihan kana kase namin alie pero hindi ka nakinig" sabe nito habang hinahagod ang likod nito
"sandali babalik ako agad" paalam samin ni desiree at lumabas na ng bahay.
"bakit kaba umiiyak ha?!" inis na tanong ni heizelyn dito
"ang sakit kase eh...ang sweet niya sakin tapos yun pala may girlfriend na siya! dapat hindi na lang siya naging sweet sakin! ang pafall niya!!!" napanganga na lang kaming dalawa ni heizelyn sa mahabang sinabe niya.
"tonta!" sabay na sabe namin ni heizelyn sakanya
"oo na! ako na tanga"
"mabuti alam mo" sabe ko sabay prenteng uminom ng orange juice ko
"oh, uminom tayo" sabe ni desiree habang papunta sa inuupuan niya kanina. May dala na itong mga lata ng beer.
"what the heck?! seryoso kayo sa paginom?!" tanong ko
"oo!" sagot ni alie at kumuha ng isang lata ng beer
"what the?" si cherisyn din ay hindi makapaniwalang totoohanin pala nila yung pagiinom ngayon
"wag kanang uminom jeo baka magalit pa samin si jhay-jhay" sabe ni alie sabay lagok ng beer can niya
"no way! dadamayan kita noh!" sabe ko sabay kuha ng lata ng beer. Kahit labag sa kalooban kong uminom ngayon kailangan kong damayan si alie sa problema niya. Putek!
Hindi din nagtagal ay kumuha na din si cherisyn ng sakanya at ininom na din ito. Hindi kami mga lasenggera ah.
****
"ang hina mo naman jeo! lasing kana agad! Tsss" sabe sakin ni desiree
"ang dzami kow na kyang nainom.." lalasing-lasing na sabe ko sakanya
"mahina!" sigaw pa nito sakin.
Hindi naman kase talaga ako malakas uminom! its not my thing duh? kung tutuusin si cherisyn ang dapat na tinatawag niyang mahina dahil tulog na ito ngayon habang si heizelyn at alie naman ay tuloy pa din sa pag-uusap pero hindi naman namin maintindihan kung anong sinasabe nila.
"nasusu--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na akong nasuka sa sahig
"yuck!! kadziri!" nakapikit na sabe ni heizelyn
YOU ARE READING
Unexpected
RandomSi Rheign ay namumuhay nang tahimik ng biglang dumating sa buhay nito si Chaezier Juasthine o mas kinikilalang 'Jhay-Jhay'. Unexpected things happened to the both of them. Ito bang hindi inaasahang pangyayari sakanilang dalawa ay makabubuti o hindi...