Alam ko yung pangalan niya eh. Hindi ko lang talaga maalala nakakaasar!
"anong iniisip mo?" speaking of.
"wala"
"weh? Meron kang iniisip eh"
"tsh! fine"
"ano nga?"
"ano ba kasing pangalan mo?" natawa siya.
"I knew it" he said
"what?"
"na ako ang iniisp mo" napabuntong hininga na lang ako.
"una na ako Rheign, may klase pa ako eh"
Nagstay muna ako dito sa quadrangle wala pa namang time eh.
"Jeo!" napalingon naman ako sa tumawag sa akin, si Wein.
"ano?"
"hinahanap ka ni Kingkong!"
"bakit daw?"
"yung pinapagaw--"
"ay shet! oo nga pala yung...putekk!"
Tumakbo na ako papunta sa room niya. Shet patay na naman ako neto. Nakalimutan kong may subject pala kami sakanya ngayong Wednesday. Gagawin ko na kasi dapat yun nung Tuesday kaya lang dumating si Jhay-Jhay...aish! kasalanan 'to ni Jhay-Jhay eh!! kung hindi niya ko kinulit nang kinulit kahapon sana nagawa ko yun arghhh!
Pagdating ko sa classroom....
"you're late!!" sigaw nito sakin. Alam ko! Di mo na kailangang ipagsigawan pa.
"asan yung pinapagawa ko sa iyong powerpoint?"
"shet! shet! shet!!" sunod-sunod na mahinang mura ko
"hindi ko po nagawa--"
"SQUAT!!!!" napatakip ako sa tainga ko nung sumigaw siya nang napakalakas. Napatingin ako sa may pintuan ng room at nakita si Jhay-Jhay na nakangisi. The heck?
"down two" he mouthed.
Ano daw? Aish ewan na. Pupunta na sana ako sa likod ng classroom but he once again spoke.
"san ka pupunta?!"
"sa likod po?"
"dun ka sa labas mag squat!"
Wow! Great!
Paglabas ko ng room sinamaan ko ng tingin si Jhay-Jhay nasa tapat pa rin kasi siya ng pinto ng room ko. Tinarayan ko siya atsaka pumosisyon na.
Ilang oras din akong nakasquat dito. Bakit parang ang bagal ng oras ngayon? One hour and fourty minutes lang naman siya samin ah? Usually mabilis lang yun pero bakit ngayon sobrang bagal? 3:00 ang simula ng klase niya samin. 3:00-4:40pm siya samin.
After niyang magdadaldal dun sa harapan eh lumabas na siya. Pagdaan nito sakin tinarayan niya ko. The heck?
"try being late with my class again and again at hindi ka lang one hour magssquat" then naglakad na siya palayo sakin.
Napaupo naman ako sahig dahil sa sakit at nanginginig na ang mga tuhod ko. Hindi ko na ata kayang tumayo.
Nakaupo lang ako dun dahil nga sa sakit nang biglang dumating si Jhay-Jhay with his friends. Ano na naman bang kailangan nito sa akin?
"una na kayo, susunod na lang ako" sabi nito.
"sige sige" tapos iniwan na nila kaming dalawa rito.
Asan ba si Wein? Hini ko siya napansing lumabas ah? Hindi ko rin siya napansing sumunod sa akin paakyat dito sa taas. Asan ba ang phone ko?
Chineck ko yung bulsa ko at nandun ito.
Nagtext pala siya sa akin.
[From: Wein Lyndon]
[Jeo, hindi ako makaka-attend ng subject ni Kingkong may emergency daw sa bahay eh.]
Ano naman kayang emergency yun? Hope everything is alright.
Binalik ko na ulit sa bulsa ko yung cellphone ko. Napatingin ako kay Jhay-Jhay dahil ramdam ko na kanina niya pa ako tinitignan.
"ano na naman ba ang kailangan mo?" tanong ko dito.
Imbis na sagutin niya ko pumasok siya sa loob ng room ko at paglabas niya dala-dala niya na yung mga gamit ko.
"ikaw"
Ha? Anong ako?
Pinilit kong tumayo pero nanlalambot parin talaga ang tuhod ko. Nagulat ako nang bigla itong umupo patalikod sa harapan ko.
"a--anong ginagawa mo?"
"sakay" sakay? Ako?
"bilisan mo nakakangawit."
Nang hindi ako gumalaw siya na ang nagpasakay sa akin sa likod niya, pero pinigilan ko siya.
"nakapalda ako"
Humarap ito sakin at itinali sa baywang ko ang jacket na dala-dala niya. Nang nakasakay na ako sa likod niya pinahawak niya yung bag niya sakin habang yung bag ko nakasabit sa harapan niya.
Habang naglalakad kami sa quadrangle hindi maiwasang mapatingin sa amin yung ibang estudyante. Narinig ko pang bulong nung isa "ang sweet naman nila."
Tahimik kaming naglalakad ng may sumigaw sa likudan namin.
"hoy! Ibaba mo yan!" tumatakbo nitong sabi
"Rheign..."
"oh?"
"....kumapit ka nang mahigpit."
"bak--aahhhhh!!!!"
Natigil ako sa sasabihin ko at napasigaw na lang dahil bigla siyang tumakbo. Nung nakalabas na kami sa school dun ko lang narealize na si kuyang guard pala yung humahabol samin kanina. School hours pa rin kasi at oo bawal ang mga ganito.
Binaba niya ako sa may malapit na bench dito sa park. Nakarating na pala kami ng park di ko manlang namalayan.
"dito ka lang. wait mo ako" sabi nito.
Bakit ko siya hihintayin? pero dahil nga masunurin akong bata ginawa ko yung sinabi niya.
Maya-maya dumating na siya na may dala-dalang pagkain at inumin.
"nagutom ka for sure" sabay abot nito sa akin ng hawak niyang supot na may lamang pagkain.
"hind--"
"imposibleng hindi ka nagutom ang tagal mong nakasquat dun"
"pero wala akong gana" plain kong sagot sakanya.
Pero imbis na hayaan niya na lang ako dun, sinubo niya sa akin yung parang mamon dun syempre wala na akong ibang nagawa kundi nguyain yun.
"ano bang hindi mo nagawa at pinagsquat ka?"
"Tuesday stuff"
"ohh....so dahil pala sa akin kung bakit ka pinagsquat"
"kind of"
"by the way alam mo na pangalan ko?"
Bigla akong natigilan sa pagswing ng paa ko at sinubukang alalahanin yung mga nangyari nung gabing yun. But the thing is wala talaga. Wala akong maalala.
"sabihin mo na lang kasi"
"maaalala mo rin yan"
After ng walang kwentang pag-uusap namin hinatid niya na ako sa bahay hindi na siya pumasok dahil napagod din daw siya.
YOU ARE READING
Unexpected
RandomSi Rheign ay namumuhay nang tahimik ng biglang dumating sa buhay nito si Chaezier Juasthine o mas kinikilalang 'Jhay-Jhay'. Unexpected things happened to the both of them. Ito bang hindi inaasahang pangyayari sakanilang dalawa ay makabubuti o hindi...