Jeoana Rheign's POV
Its been one week and a half ng mangyari yung sa PE. Pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin. Masyado niya naman atang bini-big deal yun?
"uy Jeo"
"Ano?"
"kinakausap ka na?" tanong nito with matching turo ng nguso niya papunta sa gilid ko kung nasaan si Jhay-jhay. Ang gulo niya diba? Galit siya sa akin pero tinatabihan niya pa rin ako. Tsh.
Umiling ako kay Wein.
"LQ kayo?" si Alie. Ang kulit niya talaga. Ilang beses ko na sinabi sakanya na hindi nga kami ni Jhay-jhay pero pinipilit niya pa rin.
"mag review ka na lang diyan Alie" sabi ko dito.
Nandito kami sa library nagre-review malapit na kasi exam namin.
"Jeoana..." napatingin naman ako sa taong nagsalita sa gilid ko. Familiar siya sa akin classmate ko ata siya?
"do I know you?" I asked
"classmate mo ako. Hehe"
"ano yun? Bakit?"
"itatanong ko lang sana kung pwede mo ba akong turuan mamayang uwian"
"turuan saan?"
"ito oh yung sa science" nahihiya nitong sabi.
"a sig--"
"hindi siya pwede. May lakad siya" singit ni Jhay-jhay sa usapan.
"ah ganun ba? Sige mauna na ako"
"wai--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi tumakbo na siya palabas ng library.
Kawawa naman si kuya umakyat pa siya dito para lang sakin tapos itong epal na Jhay-jhay na to.....grrrrr! Nakakainis!
"may lakad ako? Saan naman? At sinong kasama ko?" sunod-sunod kong tanong dito.
"oo. Ako" madiin nitong sabi.
"sino namang nagsabing sasama ako sayo?"
"ako."
"ayokong sumama sayo" sabi ko habang nililigpit ang mga gamit ko.
"sasama ka sa ayaw at sa gusto mo"
"seryoso? ganyan ba talaga kayo mag-usap mag jowa?"
"hindi kami mag jowa Alie"
Nang matapos ko ng ligpitin ang mga gamit ko tinignan ko muna silang tatlo.
"una na ako ha" paalam ko sakanilang tatlo.
Sakanilang TATLO not including Jhay-jhay naiinis ako sakanya.
Lumabas na ako ng library at dumeretso na sa pang last subject ko. Si Wein? Ewan ko dun.
****
Natapos ang last subject ko ng tahimik. Hindi na pumasok si Wein. Nag enjoy siyang kasama sila Cherisyn eh.
Lumabas na ako ng school at pumara na ng tricycle.
Pagdating ko sa bahay nilabas ko na yung mga notes na re-reviewhin ko. Kumain muna ako bago magsimulang mag review. Nasa kalagitnaan na ako ng pagre-review ko nang may kumatok sa pinto ng bahay.
"who the heck?" utas ko
Chineck ko yung wall clock 8:59pm na almost 9pm. Nang kumatok to ulit tumayo na ako at pinagbuksan ito ng pinto at hindi nga ako nagkakamali si Jhay-jhay.
"nagre-review ako" isasara ko na sana yung pinto ng iharang niya yung paa niya dun.
"problema mo b--" natigilan ako sa sasabihin ko ng bigla ako nitong niyakap. The hell?
"Hindi ako makahinga" sabi ko pero parang wala siyang narinig. Mas lalo niya pang hinigpitan yung pagkakayakap sa akin.
"sorry" sabi niya
Ano daw? Sorry? Para saan?
"Hindi na talaga ako makahinga!" pagkasabi ko nun binitawan niya na ako.
"ano na namang drama mo?" tanong ko. Hindi ko alam kung tatawa na ba ko o ano eh.
"Hindi ako nagda-drama" sagot nito
"sorry? Para saan?" pagpipigil tawa ko. Yung mukha niya kasi! Pft!
"sa inasal ko last week"
"buti alam mo" iniwan ko na siyang nakatayo malapit sa pinto. Umupo na ulit ako sa sofa.
"galit ka pa?" siya naman ang nagtanong
"Hindi ako galit" sagot ko
"eh ba't hindi mo na ako kinakausap?"
"kinakausap kita. Ikaw yung may ayaw
kumausap sa'kin" umupo na din siya sa sofa. Sa tabi ko."nagre-review ka?"
"hindi ba obvious?"
"galit ka nga" sabi nito at lumayo sakin. Natatawa na talaga ako!!
Umurong siya ng konti palayo sa akin.
"ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko.
"binibisita ka."
"wala naman akong sakit para bisitahin mo"
"may mga sakit lang ba dapat ang binibisita?"
"nagre-review ako. Makakaalis ka na kung guguluhin mo lang ako"
"sige. Bye" tumayo na siya at lumabas na ng pinto.
Naiwan naman akong gulat dito sa loob. Kanina pigil tawa ako pero ngayon..ba't parang kumirot yung dibdib ko sa ginawa niya? tanga mo Jeoana! Ikaw nagpaalis sakanya eh. Napairap na lang ako sa sarili ko.
YOU ARE READING
Unexpected
RandomSi Rheign ay namumuhay nang tahimik ng biglang dumating sa buhay nito si Chaezier Juasthine o mas kinikilalang 'Jhay-Jhay'. Unexpected things happened to the both of them. Ito bang hindi inaasahang pangyayari sakanilang dalawa ay makabubuti o hindi...