12 years later...
Hingal na hingal ako sa paghabol dito kay trench at bleu. Grabeng mga bata to! wala silang kapaguran!
"bleu dito lang ha" pagkausap ko dito
"trench! dirty yan!" sita ko sakanya
Ghaaadd! tutubuan nako ng puting buhok dahil sa dalawang bata na to. Bigla namang nagring ang phone ko
"hello?!" utas ko dito
"kalma tayo jeo!" si alie pala
"bakit ba? ano bang kailangan mo? busy ako"
"grabe siya uhh" napairap naman ako sa frustration.
"ano ba kase yon!?"
"pupunta kami diyan ni reggae" oh god! another kid!? jusko naman!
"oh sige na" then binabaan ko na siya ng linya.
Ghad! i can't believe this! i'm still single and yet may mga bata na agad akong inaalagaan.
Bleu and trench aren't my child. They are jhay-jhay and laureen's sons. Pero dahil nga wala na sila ako na ang nag-aalaga sa dalawang itlog na to. Masyado kase nilang tinupad yung "till death do as part" nila kaya ayun, nadeds sila ng sabay. They were on a vacation that day nang biglang magkaroon ng problema ang sinasakyan nilang eroplano, nagcrash ito at wala ni isang nabuhay sa mga pasahero nito, it happened 2 years ago. Then pagkagising ko isang araw ako na ang guardian ng dalawang itlog na to. Sa akin pala kase nila ipinaubaya ang dalawa nilang anak kapag nagkataong ayun nga, madeds sila. So ngayon bilang mabuting tita tinanggap ko ito ng buong puso, pero hindi ko inaasahang ganito sila kaligalig!
Bigla namang may nagdoorbell, tatayo pa lang sana ako nang bumukas na ito at iniluwa nito si angel morales.
"oh ba't nandito ka?" tanong ko dahil sa pagkakaalam ko nasa paris to, vacation with his girlfriend. Yes tama ang nabasa mo. May girlfriend na si angel and guess what? they're engaged! so fiancée niya na si ate girl. Oh, the girls name is rein. Oh diba kapangalan ko pa.
"bakit? bawal ko bang bisitahin ang mga inaanak ko?" inirapan ko na lang siya
Binuhat naman niya si bleu kaya nagpapapadyak nanaman ang itlog na to sa tuwa.
"bleu tignan mo si tita mo walang love life" wika niya sabay tawa. Nakitawa din naman ang itlog na si bleu, akala mo naman naiintindihan niya.
"ano naman?, mas okay kayang single!" sabe ko tsaka kinuha sa crib si trench.
"maarte kase yang tita niyo" sabe niya pa
"ang dami mong manliligaw jeoana, pumili ka ng isa sakanila para hindi ka na ganyan kasungit!" natawa naman ako
"ayoko. Kontento nako sa dalawang itlog na to" napangiti naman siya sa sagot ko
"andiyan pa pala yung soft side na jeoana, akala ko nawala na eh" inirapan ko na lang siya. Wala pang ilang minuto nang may biglang bunganga ang nagsisisgaw papasok sa bahay ko.
"weewoooo! weewooo! alie in da hawszx" napahinto naman siya nang makita niya kami.
"woww! happy family niyo naman diyan" muli nanaman akong napairap. Itong babaeng to akala mo hindi nanay kung magsalita eh.
"tito gel!" masayang sambit ni reggae
"wow! bumigat ka baby reggae ah" sabe naman ni angel
"asan si josh?" tanong ko sa bruhildang to.
"nasa australia pa" sagot niya habang binababa ang bag niyang dala
"kailan daw uwi?" nagtungo naman ako sa kusina para ikuha ng maiinom to.
YOU ARE READING
Unexpected
RandomSi Rheign ay namumuhay nang tahimik ng biglang dumating sa buhay nito si Chaezier Juasthine o mas kinikilalang 'Jhay-Jhay'. Unexpected things happened to the both of them. Ito bang hindi inaasahang pangyayari sakanilang dalawa ay makabubuti o hindi...