Nung gabing yun ay natulog ako ng may mga luha sa mata. Hindi sila maawat sa pagbuhos. At ngayong araw..ngayong araw ko susubukang ibalik si jeoana.
Bumaba na ako at nag-ayos na ng makakain. Hindi pwedeng magkukulong lang ako sa kwarto ko. Hindi ganun ang dating jeoana.
Pagkatapos kong magluto nilinis ko ang buong condo. Grabe, sobrang dumi at ang dami pang nakakalat na mga CD.
Sa paglilinis ko hindi ko mapigilang kalikutin ang mga bagay na makikita ko. Tulad na lang nitong CD na to na kulay puti lang at walang sulat na kung ano. Ano kayang nilalaman nito?
Nang mabuksan ko na ang dvd player sinalang ko na ang CD na puti tsaka ko binuksan ang tv.
Ngunit sa pagbukas nito hindi ko inaasahang ang nilalaman pala ng CD'ng ito ay ang video ng proposal niya sa akin.
Napangiti ako sa kawalan nang lumuhod na si jhay-jhay sa harapan ko. Biglang nanumbalik ang pakiramdam na naramdaman ko nung panahong ito. I was very happy. Verry happy to the point na naiyak pa ako. It was all a paradise. His my paradise back then.
Ipinangako ko sa sarili ko na ngayong araw ay hindi ako iiyak. Ngunit ano to? bakit umiiyak nanaman ako? hindi ba talaga sila mauubos?
Halos saksakin ako ng sakit dahil sa narinig kong sinabe ni jhay-jhay...
"your mine now. I promise you that we will be happy 'till the end of our lives"
Wala sa sarili akong tumayo at hinaplos ang mukha ni jhay-jhay sa tv screen at dito nag-iiiyak. Paulit-ulit kong binibigkas ang salitang "i love you"
"i do still love you even it fucking hurts" bulalas ko.
****
Tinapos ko na ang pag-iyak ko sa tv screen na iyon at tinuloy ang pagwawalis. Ang dating jeoana ay hindi iniiyakan ang tv screen.
Ilalagay ko na sana sa laundry basket ang mga punda ng throw pillows nang may mag doorbell. Hindi ko na ito nagawang silipin dahil binuksan ko na ito agad.
"jowa!!" masiglang sambit ni hendrikx na niyakap pa ako ng mahigpit.
"oh, jowa anong ginagawa mo dito??" tanong ko ng makakawala na ako sa yakap niya
"vacation" tipid niyang sagot at pumasok sa loob ng condo namin
"nandiyan sila?" tinanguan ko naman siya
"anong gagawin mo diyan?" tanong niya na tinutukoy ang mga labahing dala ko
"kakainin ko siguro" pamimilosopo ko sakanya. Yan! tama yan jeoana! ganyan ang dating jeoana!
"kakainin mo ng ganyan? hilaw pa yan! lutuin mo muna" sagot sakin nito. Ito talaga kahit kailan patola
Naiiling naman akong umupo sa tabi niya
"oh baket?" natatawa niyang tanong
"patola ka talaga" sagot ko sakanya
"patola?" natatawa pa din siya
"oo. Papatol at papatol ka talaga"
"oo naman!, ikaw? kailan mo ko papatulan?" nakangisi niyang sambit. Umusli ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabe niya.
"yowwnn! ngumiti din kahit papano!" lumaki naman ang ngiting nasa labi ko dahil sa sinabe niya
"sira!" nakangiti kong sambit tsaka ko siya binatukan
"HAHAHAHAHAHAHA. so bakit? anong nangyayari sayo?" sumeryoso ang boses niya pagkatapos niyang tumawa
"mhm?" pagmamaang-maangan ko
YOU ARE READING
Unexpected
RandomSi Rheign ay namumuhay nang tahimik ng biglang dumating sa buhay nito si Chaezier Juasthine o mas kinikilalang 'Jhay-Jhay'. Unexpected things happened to the both of them. Ito bang hindi inaasahang pangyayari sakanilang dalawa ay makabubuti o hindi...