Jeoana rheign's POVThat's us four years ago..
I am now a college student, first year college to be exact 20 years old and still learning how to build myself. Same goes with my friends we are all now a college student.
"hoi jeoana rheign!!" tawag sakin ni heizelyn
"ano nanaman ba ha?" iritado kong tanong dito
"ito si heizelyn sinabe ng wag mong babanggitin yung second name niya eh!!" gigil na singhal ni alie
"baket? ano bang problema dun ha? its still her name duh?"
i forgot to say that yes we are all a college student but our mind is still on its highschool days.
"lintek na yan! nagre-review ako ano ba?!" sigaw ni gie
"punyeta natutulog ako ang iingay niyo!!" sigaw din ni desiree na pababa ng hagdan
"HOI ANO BANG IKINASISIGAWAN NIYO DIYAN HA?! AWAT NGA!" sigaw ni cherisyn na nakapagpatigil sa sigawan ng mga tao dito sa condo unit namin. Sa iisang condo unit na kami tumira kase ganun din naman kapag may kanya-kanya kaming bahay.
"mababan na talaga tayo sa ingay ng mga bunganga niyo!" mahinahong sabe ni cherisyn
Sa loob ng isa't kalahating taon ko silang nakasama sa iisang bubong ang laging nagkakasagutan sa walang kakwenta-kwentang bagay ay sila alie at heizelyn at kapag napapalakas na ang sigawan nilang dalawa papasok sa eksena si gie na tahimik na nag-aaral makikipagsigawan din ito na kesyo ang iingay daw nung dalawa hanggang sa bababa na mula sa taas si desiree at makikisali na din sa sigawan samantalang ako naman ay paminsan-minsang masasali sa sigawan madalas ay nanonood lang ako sakanila at ang laging taga awat namin ay si cherisyn, hindi ko alam kung anong meron kay cherisyn pero sa oras na magsaway na ito tumitigil kaming lahat.
"ito kase si alie napaka!" reklamo ni heizelyn
"fuck! mga college students na kayo please use your brains! maliit ba bagay pinapalaki niyo!" sita ni gie.
Sa aming magkakaibigan ang pinaka subsob sa pag-aaral ay si gie dahil mataas ang pangarap sakanya ng ama niyang naiwan sa probinsya nila, ayaw niya itong madisappoint sakanya kaya naman todo siya sa pag-aaral. Walang taon ng pag-aaral niya na wala siyang natanggap na medals kaya naman pati kaming mga kaibigan niya ay sobrang proud sakanya.
"ewan ko sanyo! ano palang gusto niyong kainin? oorder na lang ako" si desiree
Sa condo unit na to may kanya-kanya kaming mga gawain. Sa pagkain namin alternate kami ni desiree. Sa paghuhugas naman ng pinagkainan namin alternate sila alie at heizelyn. Sa mga damit naman namin si cherisyn at gie ang bahala minsan nagpapalaundry na lang sila minsan naman pagsinipag sila, sila na mismo ang naglalaba ng mga damit namin may washing machine naman kaya hindi sila gaano mahihirapan.
"order nanaman? kapag ikaw ang toka sa pagkain lagi na lang order! minsan ka lang magluto eh may mga kasangkapan naman sa ref!" reklamo ni alie
"sinira niyo tulog ko eh, dapat magluluto ako, ngayon kaya lang sinira niyo yung tulog ko kaya order na lang tayo. Ano ba gusto niyong kainin?"
"ikaw na bahala" tipid na sagot ni cherisyn. Agad namang nagdial sa cellphone niya si desiree
Di naman kami nag-antay ng matagal dahil dumating agad ang inorder niyang pagkain.
"alam niyo kahit ganyan kayo hindi ko pinagsisihan na tumira kasama kayo sa iisang bubong" sabe ni gie na nakaagaw sa atensyon naming lahat
"same here!" si alie sabay inom ng tubig
YOU ARE READING
Unexpected
RandomSi Rheign ay namumuhay nang tahimik ng biglang dumating sa buhay nito si Chaezier Juasthine o mas kinikilalang 'Jhay-Jhay'. Unexpected things happened to the both of them. Ito bang hindi inaasahang pangyayari sakanilang dalawa ay makabubuti o hindi...