DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
****
Si Anne Luisse De Los Santos ay isang babaeng ubod ng buti ng puso, kahit mahirap lang sila ay matiwasay naman silang namumuhay ng kanyang ina, isama mo pa ang bestfriend niyang si Maricris mula nung mga bata pa lang sila nito ay ito na ang lagi niyang kasama para nga sa kanya ay kapatid niya na ito.
Halos lahat ng lalaki sa barangay nila ay may gusto sa kanya, maraming nagkakadarapang manligaw at marinig ang salitang "OO" sa kanya, pero lahat ng ito ay bigo dahil para Kay Anne dalawa lang ang pwedeng makapapasaya sa kanya ayun ang ina nya niya at si Maricris.
Pero lahat yun nabago ng makilala niya ang isang lalaking nagpatibok ng puso niya. Meet Zyril Brilenna ang tanging bukod tanging nakatangap ng matamis na oo ni Anne, hindi rin nagtagal ay nagpakasal din sila.
Hanggang sa isang araw dumating ang sisira ng buhay at puso niya, nalaman niya na isang malaking plano at peke ang kanilang kasal at pagmamahalan. Buong isipan at puso niya ay puno ng puot at galit.
Pero isang pangako ang iniwan niya sa asawa, sa isip nya ay ang maghiganti.
"Pinapangako ko babalik ako..... babalik ako para balikan kayo, intayin niyo lang Zyril ang pagbabalik ko, sa pagbabalik ko ikaw at yang babae mo ay ang iiyak at luluhod sa harapan ko" tinatak niya to sa isip at pusot isip nya.
Samantalang ang asawa niya ay masaya sa tagumpay na pananakit kay Anne, kasama ang matagal niya na palang fiancee bago sila magpakasal ni Anne, pero ang hindi niya alam kapatid pala ni Anne Luisse De Los Santos ang babaeng kinalolokohan niya.
------
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Teen FictionMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...