Mine 1: Dianara Quinto

1.2K 7 0
                                    

DIANARA's POV

Minsan tinatanong ko ang sarili ko, bakit kaya kailangan na ako pa?

Sa dinami-raming basagulero at chismosa sa mundo, bakit kailangang ako pa ang pumasan nang mga problemang ito?!

"Dia to earth? hello?" napatingin ako kay Kitten, bestfriend ko dahil sa ginawa niyang pag snap nang finger sa harap ko.

Ano na namang pakulo ito?

"Dia? Are you okay? Mukha kang namatayan." malungkot na tanong niya.

Hindi ako namatayan. Actually, mamamatay pa nga lang eh.

"Kit, di ko pa nababayaran ang tuition ko." nag-aalala kong saad.

Pano ba naman kasi, walangyang gvgo yung nagnakaw nang bag ko. 4,500 na nga lang laman nun, ninakaw pa. Pano na to?

"Hay naku, I'll just let you borrow some money, Dia." agad akong umiling. No way! Wag na. Di ko pa nga nababayaran ang utang ko sa kanya eh.

"Kit, wag na. Maghahanap ako nang raket, besides, sweldo ko naman sa foundation, sa makalawa eh, for sure makakabayad din ako."

Kahit ang totoo, hindi ako sure. Sino ba kasi yung hinayupak na nagnakaw nang bag ko!

Umuwi akong malungkot. Syempre, sinong matinong tao ang sasaya kung ninakawan nang bag na may lamang katangi-tanging pera niya diba? Ikaw ba? Kasi ako, hinding hindi.

Habang binabaybay ko ang mainit na kalsada pauwi sa maliit na apartment na tinutuluyan ko, napansin ko ang isang batang lalaki na naglalakad. Sa mukha niya, parang may hinahanap siya. Tsk, ano naman to? Baka budol-budol to eh.

"Hoy! anong hinahanap mo?"  sita ko sa kanya kaya agad siyang bumaling sakin. Nagtataka siyang lumapit sakin at ganun din ako. Ang bata pa nang isang to ah?

"Ano? Budol-budol ka no? Anong hinahanap mo?" napakamot siya sa ulo niya habang nakapameywang naman ako. Di ako madadala nang inosente nyang mukha!

"Ah, ate, magtatanong lang sana ako." Sabi niya at parang hinagod nang kawayan ang puso ko.. echos! Hinagod ang puso ko dahil sa lambing ng boses niya.

"Ano kasi, hinahanap ko to. San ko ito makikita?" Pinakita niya sakin ang isang calling card na may nakalagay ng pangalan ng lugar.

Huh?

Anong gagawin neto dun?

"Anong gagawin mo dun?" tanong ko habnag hawak pa rin ang card.

"Sabi kasi nung isang kuya na punta daw ako dito. Alam mo kung saan, ate? Kung hindi, akin na, hahanapin ko. Sinasayang mo oras ko eh," aba! tarantado tong batang to.

"Aba! Huy! Alam ko no! Lika! Tsaka, wag ka ngang palinga-linga, mapagkamalan ka pang magnanakaw jan eh!" ani ko atsaka nauna nang naglakad sa kanya papunta sa orphanage. May isa na namang maswerteng bata ang biniyayaan ng bagong buhay. Ang swerte niya!

"Good afternoon, Bruce. May kasama ako." bati ko dun sa lalaking isa sa mga heads dito sa orphanage.

"oh? Sino?" Tanong niya habang inaayos ang mga box na paniguradong may lamang pagkain. Ayos! Dito nalang ako maghahapunan, tsaka hihingi ako nang mga de lata at noodles. Siguro naman bibigyan na ako ni Bruce.

"Ito. Huy, pakilala ka nga."

"Hi po! Ako po si Kaegan Torres, 9 po ako." pakilala nung bata. Mukhang masiyahin ang isang to at sa mukha niya, paniguradong gwapo to paglaki. Teka, bakit nga ba siya may card?

"Pano mo nalaman ang tungkol sa lugar na to?" tanong ni Bruce sa kanya.

"May kuya pong nagbigay sakin nung card na kinuha ni ate strikta." tinuro pa ako nang talipandas na bata.

SS5: My Samaniego BoyfriendWhere stories live. Discover now