DIANARA's PO
Maaga akong nagising dahil sa alarm clock. Tumayo na ako at naligo nang makakain na. One week had passed when Mommy got discharged from the hospital. Nakabalik na rin si mama pero bumalik rin agad sa HongKong due to emergencies. Nasa bahay ako ngayon ni mommy dahil na rin sa kahilingan niyang dumito muna ako. Hindi naman naging problema iyon kina mama at pala dahil wala naman sila dito sa Pilipinas.
"Good morning po, mommy." bati ko kay mommy nang maabutan ko siya sa dining room. Naka-upo na siya sa isa sa mga upuan. sa mahabang mesa. Malungkot si mommy, wala na kasi ang asawa niya, for sure, this house gives a lot of memories.
"Good morning, mom.. morning Ara.." napalingon naman ako kay Daren na kakarating lang.
"Goodmorning.. Kumain ka na, male-late ka na." paalala ni mommy sa kanya. Tumango lang si Daren tsaka umupo sa harapan ko.
Ilang sandali pa ay natapos na kami sa pagkain. Tinulungan ko na ang katulong na ligpitin ang pinagkainan namin dahil wala rin naman akong gagawin. Si mommy naman ay pumunta muna sa kwarto niya dahil kailangan niyang magpahinga. Kaya naiwan ako sa sala at nanood na lang ng T.V. Wala rin si Yuan sa ngayon. Sabi niya sa akin ay pupunta siyang Davao dahil may kailangan raw siyang asikasuhin roon na para sa kumpanya nila. After I broke down, ay hindi pa kami ulit nagkikita. Matapos ko kasing mag-drama at mabaliw ay inihatid niya na ako sa hospital, he remained silent on our way there pero hawak-hawak niya ang kamay ko at halos hindi na niya bitawan kahit nung nakarating na kami sa hospital. I was happy, very happy, nakakabaliw pala yung ganun, no? Pagnalaman mo na yung taong mahal na mahal mo, ay sobra ka ring mahal. Balik kay Yuan, mag-iisang linggo na sya roon at walang araw na hindi siya nagte-text sa akin. Walang palya ang baliw kaya kampante naman ako.
Napatingin naman ako sa cellphone ko ng mag-ring iyon. Nang tingnan ko naman ang caller ay nagtaka ako, sino naman to? Hindi naka-save sa cellphone ko.
Nagda-dalawang isip ko iyong sinagot at hindi nagsalita... baka scam to eh.
"Alam kong nakikinig ka. Hindi ko na ipapakilala ang sarili ko. Alam kong kilala mo na ako." inilayo ko ang cellphone ko mula sa tenga ko. Did I hear it right?
Siya ba talaga yun?
"V-Vairel?" I hesitatingly asked..
Di naman siguro-
"Yes. Can we talk?" my eyes widened because of his response. Siya nga!
Anong kailangan niya?
"sure.. tungkol saan?" ano naman kaya ang gusto niyang pag-usapan? may problema kaya?
"In person. If you're not busy, go to Aire's.. malapit sa Var's." sabi niya tsaka pinatay ang tawag.
Aire's? Yun ba yung high end na restaurant? At yung Var's? Yung bar??
Nalilito man ay nagbihis na ako para magpunta sa sinabi niyang lugar. Nang makarating ako roon ay sinalubong ako ng mabangong amoy ng pagkain. Napatingin rin ako sa kabuuan ng lugar, is this Vairel's?
"Umm.. excuse me, is Vairel around?" tanong ko doon sa babaeng guard.
"Ano hong sadya nila?" magalang niyang tanong sa akin.
"He's expecting me."
"Naku, gasgas na yan, miss. Halos lahat ng babae na gustong makita si Sir eh ganyan din ang sinasabi." naiiling na sabi niya na ikinanguso ko na lang..
Nakakiinis..
"But it's true!!" giit ko pa.. anong akala niya sa akin? Babae ni Vairel? Aba!
"Pasensya na, Miss." sabi niya ulit.