DIANARA's POV
Two weeks..
Two weeks already passed.
Two weeks na and here I am, naglalakad-lakas mag-isa sa mall. The past two weeks have been hellish. All I ever did was just stay in my hotel room and sleep then cry then sleep again. I don't even feel ang hunger. Kumakain lang ako para mabuhay..
I admit it. Within those two weeks, wala rin akong ibang ginawa kundi ang magdasal sa araw-araw na sana ay kumatok si Yuan sa pinto.. na sana dumating siya, he'll ask me to come back and tell me that he's not gonna marry that girl. But of course, it didn't happen, all I did was wait and after two weeks, eto. Lumabas na rin ako.
Naglakad-lakad lang ako ng may mapansin akong mga taong nagkakagulo.. at dahil natural na tsismosa naman talaga ako ay lumapit ako sa kanila. Nakakatawa pa nga dahil agad silang nagbigau ng daan na para bang ayaw nilang makipagsiksikan pa ako.
Sinuswerte ata ako dahil mga mababait na tao ang nakakasalamuha ko ngayong araw.
"May maganda kasing palabas sa rooftop. Tapos may fireworks display pa mamayang gabi." Rinig kong sabi nung babaeng naka-upo sa may bench.. so, this is all this is about?
"Is it open for everyone?" Nagagalak namang sabi nung isang babae pa..
"Yes!!" Natutuwang sabi nung babae..
Nagalak naman ako doon. May palabas pa, at least, malilibang naman ako. So, I went towards the stairs para makapunta sa rooftop. Actually, pwede namang mag-elevator nalang ako pero mas trip kong mag hagdan kasi atleast, matagal akong makarating doon. Oo, para matagalan ako, that way, hindi ako ma-bore sa rooftop, mag-isa pa naman ako.
"Excuse me.." rinig kong sabi ng isang lalaki na nakasalubong sa may stairs..
Mabilis naman akong tumagilid para makadaan siya dahil may kalakihan rin siya.. nang sa wakas ay nakarating na ako sa rooftop ay nagpunta ako sa medyo tago na lugar, I want to breathe, wined up, pagod na rin kasi ako.. may mga tao na rin dito sa rooftop and mostly, they're lovers kaya naisipan kong wag nalang munang tumambay doon.
"Ang tagal namang magsimula.." inis kong sabi sa sarili ko. Nakatingin lang ako sa naglalakihang building sa harap ko habang ninanamnam ang lamig ng hapon. Hapon na pala? I haven't eaten, pero hindi naman ako gutom, malungkot lang ako.
Napalingon ako sa gawi ng maraming tao ng may marinig akong sigawan. I immediately ran towards their direction when I saw them running towards the exit at ganun nalang ang panlulumo ko ng makita kong isinara nun ng isang lalaki.
"Hey! I'm still here!!" Sigaw ko habang pinagpapalo ang pinto but it was of no use. Wala man lang nag-atubiling buksan iyon..
What the heck is happening?
"Damn it! Hey!! I'm here!! open this!!" Sigaw ko ulit. It's starting to get dark. I can get through the night here but I can't get through the cold night! Like, it'll be freezing here later on!
"Fvck! Fvck it!" Napapikit nalang ako sa inis.. ano bang kamalasan ang nangyayari sa akin?
"What's your use?!" Napasigaw nalang ako ng makita kong namatay na ang phone ko. At ngayon ko pa talaga nakalimutang i-charge to?! Paano na?!
Napa-upo nalang ako sahig dahil wala na talaga akonh chance na makalabas dito ngayong gabi. I was in the middle of getting pissed when I heard a loud sound of the helicopter.. oo, helicopter, saan yon?
They might help me!?!
My eyes widened when I saw a helicopter in front of me, at mas lalong nanlaki ang mga mata ko at biglang napa-tayo ng makita ko na may naka-sulat sa isang puting tela na nakasabit sa helicopter.