DIA's POV
"Gagv ka talaga Dos." I hissed at Dos na ngayon ay kasama ko dito sa canteen. Nasa banyo si Kitten kaya kami muna ang magkasama.
"What? I really like her. Bakit ba ayaw niya sa akin." Maktol ni Dos. Well, Dos Kećkes is Half-Filipino, Half-Bulgarian. And he's Kitten's ex boyfriend. Why they broke up? Kitten found out that Dos is rich.
"Yeah, and she doesn't like you anymore." Sabi ko lang. Dos is a good man. Mabait naman talaga siya kaso ayaw na talaga ni Kitten sa mga mayayaman.
"Ain't giving up. Una na ako." Paalam niya tsaka umalis na. Ilang sandali pa ay dumating na si Kitten. She's wearing her beautiful smile as she sat in the chair in front of me.
"So.. san tayo ngayon?" I asked habang nakatingin sa cellphone ko.
"Hmm..What about this Samaniego Conglomerate?" Kitten asked kaya napatingin ako sa kanya. Samaniego Conglomerate? Mukhang mamahalin. It'll be perfect! Buti nalang at naibigay na sa akin ni Yuan ang tseke. May pera na ako.
"Sige. Punta tayo." Sabi ko tsaka tumayo na. Ganun din ang ginawa niya. Papalabas na kami ng canteen ng biglang may pumatid sa akin. At dahil nga may katangahan ako ay bumagsak ako sa sahig at pinagtawanan.
That hurts.
"Dia! Are you okay?" Tanong ni Kitten tsaka inalalayan akong tumayo.
"I'm fine." Sabi ko sa kanya. Ang sakit ng tuhod ko.
"Sinong may gawa nun!!" singhal ko tsaka inilibot ang paningin ko. I saw some mean girls laughing kaya mas nainis ako.
"Mga walangya talaga kayo! Alam niyo ba na ang katawan ko ang puhunan ko para mabuhay?!" Natigilan naman ako sa sinabi ko. Ang pangit namang pakinggan nun.
"I mean.. Kailangan ko ang katawan ko para kumita!" natigilan ulit ako. Ang sagwang pakinggan!
"Ah! Kailangan ko na hindi masaktan ang kahit na anong parte ng katawan ko para kumita! Paano kung nabali yung paa ko? Hindi na ako makakalakad! Di ako makakasayaw! Paano na! Hindi ako makakakita ng pera! Alam niyo bang kailangan ko ng pera?!" Singhal ko ulit sa kanila kaya mas nagtawanan sila.
Anong nakakatawa dun sa sinabi ko?!
"Ano ka? Dancer sa club?" Natatawang sabi nung babaeng puro kolorete ang mukha.
Aba! Anong dancer sa club!
"Hoy! Dance trainor ako! Nagtuturo ako ng sayaw kaya di ako pwedeng mabalian!" I shouted kaya tinaasan nila ako ng kilay. Nakita ko rin ang pagtingin nila sa akin mula ulo hanggang paa.
Aba.. binabastos talaga ako ng mga inutil na to eh!
"You dance? Haha you're joking. Marunong kang sumayaw?" Sabi nung isang babaeng matangkad habang tumatawa. Nanlisik naman yung mata ko. Anong akala niya sa akin? Sinungaling?
"Anong karapatan mong insultuhin ako? Alam mo bang pinalaki akong may respeto sa sarili? Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan." Litanya ko pero imbes na makinig ay pinagtawanan lang ako ng mga buwesit na babae. I was about to say something else ng maramdaman ko ang pagpigil sa akin ni Kitten. Kaya hindi nalang ako nagsalita. Umalis na lang kami ni Kitten at tuluyan ng lumabas ng canteen.
"Ang sasama talaga ng mga babaeng yun." Kumento ni Kitten habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep. Medyo malayo-layo pa kasi ang SC mula dito eh.
Naghihintay lang kami ng jeep ng biglang tumunog ang cellphone ni Kitten. Tumatawag ang mommy niya. Agad naman niya iyong sinagot at napuno ako ng pag-aalala ng makita kong umiyak si Kitten. Na-ospital pala ang daddy niya kaya kailangan niyang sumunod doon.