DIA's POV
"Are you sure you're okay, Ara?" napatitig ako sa mukha ni Tit-Mama Chesh habang tinatanong niya iyon. Ara.. she keeps on calling me Ara, gusto niya raw kasing maiba naman ang tawag nila sa akin, sila ni papa. They said para tuloy-tuloy na raw ang pagbabagong buhay ko.. I agreed, wala namang problema yun.
But am I okay?
I am.
I feel new but happy.
"Opo, m-mama.." nahihiya kong sabi.. it's weird calling someone mama especiay when I never called anyone mama ever before.
"Thank you.." mabilis siyang napayakap sa akin at naramdaman ko nalang ang pagtaas-baba ng mga balikat niya.
She's crying again.
Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang tagpong iyon. I was surprise, angry and happy.. Yung papa ko.. He's alive.. He's with me.
"Thank you.. if not because of you, I wouldn't have met my papa." I assured her.
She asked me if I was angry at her, hindi ko alam kung bakit niya naitanong iyon pero wala naman akong galit na maramdaman sa kanya. Even to my Papa. Disappointment, yes but anger.. natunaw iyon ng maramdaman ko ang mga yakap niya. Ganun pala ang pakiramdam pag niyayakap ng isang papa.
"Of course.." matapos naming mag-usap ay lumabas na si Mama Chesh sa kwarto ko. Aalis kasi kami ngayon dahil magmi-meet si papa at ang isang gustong makipag-business sa kanya. Papa wants me to go para naman raw hindi ako ma-bored dito sa bahay.. He even wanted to formally introduced me to the world but I declined it. Ayaw ko. Masyadong magiging matunog iyon dahil na rin sa sikat pala si papa sa business world. Ayaw ko ng ganung atensyon.
Matapos kong magbihis ay bumaba na ako. Kumatok na rin kasi si Issa kanina sa kwarto ko at sinabing maghihintay na sina mama at papa sa sala.
"Good evening, Ara." narinig kong bati ni Papa sa akin.
"Good evening rin po, p-papa." I greeted back. It's still awkward to call him papa pero masasanay rin ako.
"Are you ready?" Na-agaw naman ni Mama Chesh ang atensyon ko. I was in awe when I saw her. Her face lit up because of the red dress that she's wearing. I think red is her favorite color. May suot rin siyang magagandang mga alahas. Mas lalo siyang gumanda.
"Yes, mama."
"You look so elegang with that dress, Ara." I smiled because of what she said. I wore a simple green flowing dress na lagpas tuhod lang. There different shades of green in the dress which dad bought me. I really love it. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na gustong-gusto ko ang green at hindi ko na rin inalam
"Thank you po." I smiled. Inaya na kami ni daddy na aalis na raw kami. Pinagbuksan kami si daddy ng pinto bago siya pumasok sa driver's seat at nagsimula ng mag-drive.
"Umm, sweety? Are you a fan of dancing?" papa asked in the middle of driving.
"Ah, opo, papa. I dance po." Agad kong sagot.
"Really? Tamang-tama.. I'm going to meet my soon-to-be-business partner in the stadium where a dance competition will be held. I'm sure you'll enjoy it." nakangiti sabi niya..
Gusto kong mag-celebrate..
I'll watch a dance competition pero hindi ko magawang mag-celebrate dahil alam kong sa competition na iyon.. andun sila..
Andun siya...
"Honey, Ara, I'll be back, I'll just talk to a friend." paalam ni mama na ikinatango lang namin ni papa. Papa guided me through the crowd. Nasa papaliko kami papasok ng stadium ng may makita akong pamilyar na mukha. His bored and serious face made me hide immediately. Mabuti na lamang at may poste sa malapit na kinatatayuan ko. Did he see me? He was looking my way earlier! I wish he didn't.