DIA's POV
"Ate Dia!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng matinis na boses na iyon. Si Chi. Sunday kasi ngayon at off day mula sa company nina Yuan kaya andito ako sa orphanage. One week na rin since nagsimula kami ni Kitten doon. Nakakapagod din pero abg saya lang din kasi marami akong natututunan.
"Hi, Chi! Asan sina Kuya Bruce mo?" tanong ko sa kanya ng mapansin kong wala siyang kasama. Nagsasayaw kasi siya kaya dapat may kasama siya.
"Nasa likod po, pinapagalitan si Ayana at Mica." sagot niya pa. Pinapagalitan na naman ang dalawang yun? Ano na naman ba ang ginawa ng mga yun? Wala si Yuan, may importante raw kasi siyang lalakarin kaya ganun.
"Anyare jan?" Tanong ko kay Migz na salubong ang kilay habang nakatingin kay Ayana at Mica na pinapagalitan ni Bruce.
"May tinatagong sigarilyo. Nakakaloka, bes! Naninigarilyo! 11 at 12 pa lang! Nung kaedad ko pa ang mga yan, eh taga-igib lang ako ng tubig!" exaggerated naman tong si Migz. OA talaga.
"Anong connect nung taga-igib ka?" sita ni Shaz sa kanya na nasa tabi niya lang din.
"Ewan! Basta yun nga, ewan jan, sumasayaw tapos naninigarilyo, akala siguro hindi makakasama." napabuntong hininga pa siya. Kaya pala pinagalitan ni Bruce. Di kasi yan mabilis magalit eh.
"Opo, Kuya." napalingon naman ako sa direksyon nina Bruce ng marinig ko ang boses ni Ayana at Mica na kapwa nakayuko.
Ilang sandali pa ay nasa mini court na kami ng orphanage, kaming lahat. Naglalaro kasi kaming lahat. Nasa gitna kami ng pagsasaya ng mapansin ko ang pagparada ng isang magarang sasakyan. Andito na si Yuan! Nakasunod lang ang tingin ko doon hanggang sa bumaba na si Yuan. Naagaw agad ng seryoso niyang mukha ang atensyon ko, dire-diretso siyang pumasok sa orphanage, hindi man lang ata niya napansin ang ingay mula sa direksyon namin.
Di ko alam kung ano pero parang may nagtutulak sa akin para sundan si Yuan. Baka kailangan niya ng kausap, mukhang may masamang nangyari. Naglakad na ako papunta sa orphanage. Didiretso sana ako sa kwarto niya ng may marinig akong musika mula sa practice room kaya sumilip ako dun. Yuan's there. Nape-play yung music pero nakaupo lang sa sahig si Yuan habang sapo ang ulo niya at naka-tukod ang siko niya sa tuhod niya. Mukhang may problema nga siya. Dahan-dahan akong pumasok tsaka isinara ang pinto. Naagaw nun ang atensyon niya pero sandali niya lang akong tinignan tsaka yumuko ulit. He looks so sad and.... disappointed.
"Hey.." I greeted him. Umupo ako sa harap niya pero hindi pa rin niya ako tinignan.
"Kamusta ang lakad mo?" I asked. Baka kailanan niya lang ng kausap, si Kitten kasi, pag may problema siya, kinakausap ko para ma-distract siya. Para maging masiyahin ulit siya.
"Hays, mukhang may hindi magandang nangyari. Naglalaro kami dun sa court, sali ka!" I said in a joyful voice.
"Ang kulit mo." rinig kong kumento niya kaya napangiti ako. At least may sinabi siya.
"Dahil ang snob mo. Ano ba kasing nangyari?" di naman sa nakikialam ako, it's up to him if sasabihin niya, malay natin, baka maibsan ang nararamdaman niya.
"I don't think you should know." sabi niya diretso sa akin. I blinked several times dahil sa tingin niyang iyon. Diretso lang naman ang tingin niya pero parang hinihigop ako nun. Ano bang nangyayari sa akin?
"O-Okay." Napanguso ako. Nababaliw na ako. Crush ko lang naman tong si Yuan, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
"Si mommy. Ginigipit niya ako. She froze my accounts. She told me that I have to marry Leslie for me to have everything back." bigla iyang sabi, this time, nakatingin na siya sa akin. Seryoso pa rin ang mukha niya habang sinasabi iyon. Naghihirap na si Yuan? Kawawa naman siya. For sure, nahihirapan siya kasi hindi siya sanay na walang pera.