Mine 5: Deal

536 10 0
                                    

DIA's POV

GABI na pero papunta ako sa orphanage. Wala akong pagkain kaya makikikain na lang ako.

And it feels like.. dancing. Hindi naman na masakit ang sprain ko kaya ayos lang.

"Hi, Ate Dia." Bati sa akin ni Tina na naglalakad paunta sa kwarto nilang mga babae.

"Hello." I smiled at her. Wala nang masyadong bata. Siguro natutulog na ang mga iyon.

"Dia.. kumain ka na?" Napalingon naman ako sa may tanong nun. Si Crysh. I shrugged. Wala pa. Gutom na ako...

"Tara. Kakain pa lang kami." Anunsyo niya kaya napangiti ako. Yes! Naglakad kami papunta sa kusina, gutom na ako. Naabutan ko doon sina Al, Trek, Sim at si Chey. Nandun din sina Manang Rosa at ate Roselyn, pati sina Bruce, Nova, Shaz at si baklang Migz.

"Hi, Dia!" Bati ni Migz sa akin kaya kinindatan ko lang siya.

Umupo na ako sa tabi ni Chey na katabi naman si Nova. I'm hungry!

"Mamaya na. Wala pa si Yuan." Napanguso naman ako sa sinabi ni Manang Rosa. Gutom na ako eh. Ilang minuto pa ay umupo na si Yuan. Nasa pinaka-gitna si Manang Rosa, tapos sa kanan niya ay si Ate Roselyn tapos kaharap ni ate Roselyn si Crysh. Katabi ko si Crysh at kaharap ko si Yuan na katabi ni ate Roselyn. Ang swerte ko nga naman.

"Kami na maghuhugas!" sabi ni Migz at Shaz. Ky nagtulong-tulong kami sa pagliligpit at paglilinis ng mesa. Pagkatapos ay nagkanya-kanya na silang umalis habang ako naman ay nagpunta practice room. Gusto kong sumayaw. Stressed ako kasi walang pumayag na mag-OJT ako ng libre. Kitten has no financial problem. Ayos lang kahit magbayad sya pero ako ang iniisip niya. Sinabihan ko na siyang ayos lang kahit hindi kami magkasama pero sabi niya gusto niya akong kasama.

Papasok na ako ng practice room ng may marinig akong pamilyar na tugtog mula doon. Nagtataka naman ako dahil soundproof ang kwartong yun pero natauhan din ako ng makita kong bahagyang naka-awang ang pinto. Hindi naisara ng maayos. Papalapit ako at bumibilis ang musika. Gustong-gusto ko talaga ang kantang ito. Malakas, exciting..

FIIIRREEEE-EEERRRR!

Dang! Burn baby burn, bow-wow-wow..

Bahagya akog sumilip dun at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko ang sumasayaw dun.

Si Yuan..

He danced smoothly with the music. Naka-suot siya ng puting jogging pants at itim na longsleeves. He looks so cool while dancing. Nakatingin lang ako sa kanya habang sumasayaw siya. Tama sila, magaling talaga siyang sumayaw. Ang galing..

Ilang sandali pa ay natapos na ang kanta at ganun din ang pagsayaw ni Yuan, parang may kung ano sa akin ang nadismaya, gusto ko pa siyang makitang sumayaw.

Akala ko ay tapos na siya pero biglang tumugtog ang isa pang kanta. Closer by Chainsmokers. Napatitig lang ako kay Yuan. Those moves, bakita ko na yun noon. Alam ko ang sayaw na iyan.

Hobi.. bulong ko nang ma-realize ko kung kanino ko nakita ang sayaw na iyan.. Si Hobi! Yung paborito kong Korean Idol! Kuhang kuha ni Yuan yung mga galaw ni Hobi kaya mas lalo akong nalula. Nakatitig lang ako. Ano kayang pakiramdam pag sabay kaming sumayaw?

Nakasilip lang ako ng biglang tumigil sa pagsayaw si Yuan at lumingon sa direksyon ko. Huli na ng ma-realize kong nakita niya ako dahil mabilis siyang naglakad papalapit sa akin at hinila ako papasok tsaka isinara ang pinto.

Hala! Anong gagawin niya?

"Kanina ka pa jan?" Mahinahong tanong niya. Tumango lang ako. Na-pipi na ba ako?

SS5: My Samaniego BoyfriendWhere stories live. Discover now