DIA's POV
"Good morning, Mommy, mama!" bati ko kina mama at mommy ng makapasok ako ng kwarto ni mommy.
"Good morning, hija. Nga pala, Ara, I have to return to HongKong tomorrow, your father called and he said that we have an emergency." sabi ni mama na ikinabahala ko.
Laging sinasabi sa akin ni papa na ako raw ang susunod sa yapak niya pag magre-retiro kaya kinakabahan ako lagi pag tungkol na sa business na nila ni papa ang kasali.
"Is everything okay, ma?" I asked her.
"It'll be. Don't worry. I have to leave for now, I have to go to the house and check some things before leaving." sabi ni mama na ikinapagtaka ko pero hindi na ako nag-kumento pa. When she left, kami nalang ni mommy ang naiwan na magkasama. She was reading something pero itinigil niya iyon ng maka-upo ako sa tabi niya.
"How are you, Ara?" she asked making me smile.
"Alam mong hindi talaga ako sanay na tawagin kang Ara." she commented as I nodded.
I know. When we changed my name, she was against it because she's used to calling me Dia or Dianara but when I told her that it was my choice, wala na siyang nagawa. I wanted to change my name to Ara Zhang for good. That's the new me kasi.
"Mom, you have to practice. Yan na ang pangalan ko eh." I told her.
"Ano pa nga ba? So, how are you and Daren?" napangiti ulit ako dahil sa tanong nita. Naalala ko kasi si Daren.
"We're great, mom. Mabait kasi si Daren. We talked too. I'm so happy that the two of you are doing fine, I'm sorry for your husband though."
"Ara, don't be. God made it hapoen because it was suppose to happen. It hurts so bad losing him but.. but it was better that way.. kasi mas maghihirap siya kung hindi nangyari yun." Nagtataka ko siyang tinignan dahil sa mga binitawan niyang salita. I don't understand.
"Richard had cancer, alam namin iyon because we were from the doctor when the accident happened." napayakap nalang ako kay mommy dahil sa pagkabasag ng boses niya ng sabihin niya iyon.
"I'm sorry, mommy." I hugged her tighter when I heard her sobs became louder.. Ilang sandali pa ay kinailangan ko nang tumawag ng nurse dahil sa hindi ko na ma-alo si mommy..
"She's stressed. Kailangan lang niyang pagpahingahin." sabi ng doctor bago umalis.
Umupo nalang ako sa bakanteng stool at hinawakan ang kamay ni Mommy. Alam kong mahirap ang sitwasyon niya ngayon, she's showing us that she's okay but deep inside, she's broken. Alam naman namin yun eh, ayaw niya lang sigurong mag-alala kami.
Nasa-gitna ako ng pag-iisip ng mag-ring ang cellphone ko.
YUAN Calling....
napanguso naman ako ng makita ko kung sino ang caller. We exchanged numbers yesterday that's why he's calling me. Ano na naman kayang kailangan niya? Namatay ang tawag at hindi pa namamatay ang cellphone ko ay tumawag ulit siya kaya sinagot ko na.
"hello?"
"My Dia? Good morning!" he greeted from the other line making me shrug.
"Good morning, Yuan. What can I do for you?" I asked him.
"Why are you being so formal? By the way, have you eaten breakfast?" he asked making me smile. Ang landi lang, Dianara ah?
"I already did, Yuan. Ikaw ba?" I asked him.
"Yes, I already did. Are you in the hospital?"
"Yeah.. oh! I'll call you later, Yuan. Mommy's awake na kasi." mabilis kong pinatay ang tawag at nilapitan si mommy na ngayon ay kagigising lang.