DIA's POV
Natulala ako ng ilang sandali dahil sa nabasa ko. I love you? Letse na Yuan yun! Nabalik lang ako sa wisyo dahil sa sigaw ng kasama ko. She shouted I love you, anong problema neto?
"Ayos ka lang?" I worriedly asked her. She nodded in response.
"Oo, nabigla lang. A friend posted something really wierd." she showed me her phone na halos maibato ko sa gulat. WHAT?! SHE'S READING A TEXT CONVERSATION!!
"I-Is that Y-Yuan's post?" nagdadalawang isip kong tanong.
"Yes." nagtataka niyang sagod na ikinanganga ko.
I immediately took my phone out and looked at his recent post. YUN NGA! YUNG TEXT NAMIN! Walanghiyang Yuan yun! Akala ko-akala ko totoo.. bakit ba ako dismayado? Am I disappointed? Okay lang naman dapat yun, diba? I mean.. boyfriend ko naman siya...
fake boyfriend..
Ang daming likes nun at comments, they're asking who I am, they must be wondering, private yung account ko kaya wala ka talagang makikita, tapos yung profile ko naman ay nakatalikod ako habang nakatanaw sa malawak na damuhan sa orphanage.
That's it! lagot ka talaga sa akin, Yuan!! Humanda ka talaga sa akin!
Dumating na rin si Yuan. Nakangiti niya akong pinagbuksan ng pinto kaya pinanlisikan ko siya ng tingin. Ang walangya!
"What?" inosente niyang tanong habang nagda-drive. What ka jan!
"Bakit mo ipinost yun? Alam mo bang flooded na yung notification ko dahil sa ginawa mo? nakakainis ka!" inis kong sabi sa kanya. Kulang nalang sipain tsaka suntukin ko siya pero hindi ko na ginawa dahil nagda-drive siya at baka masira yung gwapo niyang mukha.
"Dia, I had to. Girlfriend kita kaya kailangan natin ng involvement sa social media. Kung hindi, baka magduda ang parents ko." paliwanag niya na mas ikinainis ko. Bakit ba ako naiinis?! Damn it! Hindi na ako nagsalita pa, si Yuan lang yung salita ng salita, nakakainis talaga eh and what's worst is I don't know why!
"Mag-cafe muna tayo." sabi niya tsaka ipinarada ang sasakyan niya sa harap ng isang magandang establishment. Isang Coffee shop. Pinagbuksan niya ako ng pinto tsaka iginiya papasok. Napaisip na naman ako. Pati ba itong pagiging gentleman ni Yuan ay kasali sa deal namin?
Um-order na kami ni Yuan. The whole place is amazing. Maganda yung dingding, maaliwalas kahit hindi naman ganun kalaki. Mabango pa. Marami rin ang costumers, mukhang mayayaman din. Pang-mayaman siguro ang cafe na ito.
"Yu, you can't just post things like that. Nai-invade ang privacy ko." mahina kong sabi sa kanya. I don't like too much attention. Yes,masya ako pag maraming taong nanonood sa aking pagsasayaw pero yung dahil sa ganito, hindi. It's different.
"I have to. Alam mo naman ang deal natin, Dia. You agreed. Kailangan kong ipakita na girlfriend talaga kita." masuyo niyang sabi na ikinapikit ko ng mata. I understand that. Alam ko naman, nasabi niya na rin yun kanina pero hindi ako handa sa ganung mga pangyayari eh.
"Okay, just, everytime you post something, tell me first. Sabihin mo muna sa akin bago mo gawin. Please." pagsuko ko. Alam ko namang hindi na mababali ang desisyon niya kaya ang tanging magagawa ko nalang ay ang pumayag.
"Okay." tanging sagot niya.
"Is that Yuan Samaniego? Yan ba yung girlfriend niya? "
"Mukha nga! Teka! Kapareha nung uniform natin!"
"Familiar yung babae!"
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga boses na iyon. Kinabahan agad ako, kung kapareho ng uniform ko, siguradong pareha kami ng skwelahan! Hala! Paano na to! Mukhang napansin ata ni Yuan ang pagpa-panic ko kaya isinuot niya sa akin ang cap niya.