DIANARA's POV
"Ate Dia!" Natanaw ko agad si Fort na nagmamadaling tumatakbo papalapit sa akin. Kahit kailan talaga ang batang to.
"Hey! Wag ka ngang tumakbo, baka ma-Ayan na nga ang sinasabi ko eh!" mabilis ko siyang dinaluhan tsaka pinagpagan. Ang iiksi ng paa tapos takbo ng takbo, ayan tuloy.
"Hehe, ate Dia, saan ka pupunta?" Puna niya habang nakatingin sa kabuuan ko. Naka-suot kasi ako ng mint green dress na hanggang tuhod ko lang. Ang ganda ko!
"Ah, may pupuntahan lang. Anjan ba si Kuya Yuan niyo?" Tanong ko sa kanya. Tumango-tango naman si Fort tsaka iginiya ako papasok sa orphanage.
"Ate Tina! Asan po si Kuya Yuan?" Tanong niya kay Tina na kakalabas lang ng kwarto nila.
"Ah! Ate Dia! Nasa may likod po siya, Ate. Sabi niya kanina na puntahan mo nalang daw sya doon. Uyyy! Ate Dia ah, may something ba kayo ni Kuya Yuan?" Nakangising sabi pa niya kaya nailing nalang ako. Ang bata pa yan na ang iniisip.
"Tumigil ka nga baka anong isipin ng mga bata." Sabi ko tsaka naglakad na papuntang likod para mapuntahan na si Yuan. Sabi niya kasi puntahan ko nalang sya para sabay na kaming pupunta sa company nila, hindi rin namn pwedeng basta-basta nalang akong pupunta dun at sabihing dun ako mago-OJT. Tanga ko kung ganun.
"Yuan." Tawag pansin ko sa kanya ng makita ko siya sa may malaking swing habang tinutulak si Kaegan na nakangiting katabi si Ghandi.
"Oh. Kanina ka pa?" Nakangiting tanong niya. Ang puputi ng ngipin niya.
"Hindi naman. Tara na?" I answered. Di naman sa nagmamadali pero nagmamadali talaga ako.
" Okay. Maya nalang ulit kids." Paalam niya sa mga baya tsaka namin tinungo ang mamahalin niyang sasakyan.
.....................
"Yang malaking bahay, bumusina ka para malaman niyang andito na tayo." Sabi ko kay Yuan. Sasabay kasi sa amin si Kitten, di nga lang niya alam na isa sa mga tagapagmana ng Samaniego Conglomerate ang kasama namin. Hindi naman niya tinanong eh!
"Sino yan?" Tanong ng pinsan ni Kitten na si Jaya, ang sama sama ng ugali ng impakta, kala mo naman ang straight ng buhaghag niyang kulot na buhok. Dito kasi yan nakatira. Graduate na siya at tumutulong na sa parents ni Kitten.
"Jaya, pakisabi kay Kitten na andi-"
"Ikaw pala! Sandali lang, wag kang mag-alala handa na yun, baka ang laki na ng babayaran niyo sa UBER na yan." tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga! Ayaw na ayaw niya kasi sakin. Mutual naman kami dun.
"Hoy! Hindi to UBER no! Ka-"
"What's going on babe?" Tanong ni Yuan mula sa loob ng sasakyan. Napalingon naman ako dun pati si Jaya na nakakrus pa ang mga braso, ang ganda mo!
"Wala!" sita ko. Bwesit talaga tong Jaya na to.
"Ano yan? Nilandi mo? Manggagamit ka talaga, Dia no?" tinaasan naman ako ng kilay ni Jaya. Aba!
"Alam mo, ang gaga mo! Tawagin mo na lang si Kitten!" Balewala ko sa kanya. Sarap ilibing sa ilalim ng buhangin eh!
"Tse! Manggaga-"
"Why are you talking like that to my girlfriend? We're here for her friend so call her stop acting like a boss." Natigilan naman ako dahil sa seryosong boses ni Yuan. Hindi ito ang unang beses na narinig ko ang seryosong boses niya pero gaya nung una, pinanayuan pa rin ako ng balahibo. Kakaiba talaga tong lalaking to.
"Sandali!" Inis na sabi ni Jaya tsaka nagmamaktol na naglakad papasok ng bahay nina Kitten.
"Is she always like that?" Takang tanong ni Yuan kaya tumango lang ako. Walang bago.