DIA's POV
"Tapos, ilagay mo nalang to sa cabinet na yun." sabay abot ni Reggie sa akin ng mga papel.
"Okay!" nakangiti kong sabi tsaka ginawa ang inutos niya.
Matapos iyon ay nagtungo ako kitchen para kumuha nang kape dahil medyo inaantok na ako. Malapit nang matapos ang OJT namin dito, one week to go and we're good to go
"Oo andito nga! Grabe ang ganda pa rin Ms. Sia kahit na buntis!" narinig kong bulungan ng mga babae nang makarating ako sa kitchen.
Sia?
"Oo nga! Bagay na bagay talaga sila ni Sir Ashton!" parang kinikilig pang sabi nung isa.
Ashton? Diba pinsan yun ni Yuan?
"Akala ko talaga noon si Sir Yuan at Ms Sia ang magkarelasyon. Ang sweet kaya nila sa isa't isa. Tapos halos araw-araw pa silang magkasama! Bagay na bagay rin sila!" medyo napalingon naman ako ng sabihin nung isa iyon.
Si Yuan?
Sweet sa isa't isa. Typical Yuan. Di ko akalaing lahat pala ng babaeng nalalapit sa kanya ay sweet sya. Akala ko.. ako lang. Tsk. Ano bang pinaglalaban ko?! Pakealam ko ba sa kanya?! Ugh!
"Excuse me.." napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Isang babaeng may maputing kutis, matingkad na mata at mamula-mulang pisngi ang nakita ko. And she's.. pregnant?
Siya ba iyong Sia na sinasabi nila?
Teka... naaalala ko yung tumawag kay Yuan na Siara, siya ba yun? Yung bestfriend niya?
"Miss?" Natigil ako sa pag-iisip nang tawagin niya ulit ako.
"Ah.. Yes?" I blinked few times before answering.
"Hi... Saan ba dito yung creamer?" She asked. Simple lang namang iyong pagkakasabi niya pero parang may kung anong nagsasabi sa aking dapat ay ayusin ko ang pagsagot sa kanya kundi mapapasama ako.
"Eto.." sabay abot ko ng garapo na hawak ko.
"Oh.. thank you. By the way, I'm Siara.." nakangiti niyang sabi..
Napangiti rin ako dahil doon. Yung ngiting yun, parang kay Yuan, hindi abot sa mata.
"Y-Yung ngiti mo.. I-I mean.. I'm Dia." TANGA KA!!
"What's with my smile?" tanong niya habang nagtitimpla ng kape.
"Di abot sa mata." sabi ko na agad ko rin namang pinagsisihan. Kahit kailan talaga tong bibig na to. Letse!
"Wow.." she trailed kaya mas na-pressure ako. Baka nagalit na.
Magsasalita na sana at hihingi ng paumanhin ng biglang may pumasok..
"You're here! Akala ko nasan ka na." That was Ashton..
Siguro cue na yun para umalis ako kaya nag-excuse na ako tsaka nagpaalam nang umalis.
"Quinto, ibigay mo to kay Baker." mabilis kong tinanggap ang mga papel na iniabotni sir Vairel. Naglakad na ako papunta sa opisina ni Sir Baker na nasa floor nato lang naman din. Nang malapit na ako ay agad kong nakita si Kyla na nakapalumbaba sa mesa niya na mukhang may problema ata. Anong nangyayari sa kanya?
"Good morning, Kyla!" bati ko kanya.
"Dia! Hi!" agad siyang napangiti at lumapit sa akin. Huh? Anong nangyayari sa kanya?
"Ayos ka lang?" tanong ko.
"Oo. Nakakainis kasi si Phil pero okay na ako. Tara! Kain tayo!" nakangiti niyang sabi tsaka ako akmang hihilahin paalis nang may nagsalita bigla.