DIA's POV
"Halaa!!" Mabilis akong napabalikwas ng bangon ng makita ko ang oras.. Patay! Tinanghali na ako, 8:18 na, supposedly 8 am nasa opisina na ako! Patay ako neto! Mabilis kong tinungo ang banyo tsaka naligo, di na rin ako nakapag-almusal dahil wala na akong oras na magluto. Mabilis kong hinablot ang cellphone ko na nasa mesa lang tsaka lumabas na ng kwarto. Ang bigat ng talukap ng mata ko, I slept, yes pero dahil sa kakaiyak ko kaya nagkaganito. Letse! Bakit ba kasi nag-drama pa ako kagabi?
"You're late already." halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa gilid ko. Agad akong napatingin dun at napahinga ng maluwag nang makita ko si Yuan, leaning on the wall like some model.. tss.
"Yes! Ihatid mo na ako!" mabilis kong sabi tsaka tinungo ang kotse niyang naka-park sa may harap, iniwan ko pa sya tsaka pumasok. Ang tagal niya!
"Why are you in a hurry?" he asked. I looked at him disappointedly, nakakagago ang tanong niya.
"Late na nga ako diba? Drive, Yuan! Bilis!!" I shouted kaya mabilis niya pinatakbo ang kotse. I was in the middle of calming myself ng marinig kong kumulo ang tiyan ko. Letse! Di pa ako nakakain ng breakfast!
"You haven't eaten?" tanong ni Yuan. Why does he keep on asking what's obvious?
"Oo.. nagmamadali na kasi ako." nagsisisi kong sagot. Late na ako and it's all my fault!
"We're having breakfast first." anunsyo niya na ikinabigla ko. Ohmy! NO!!
"Yuan! Late na ako! I have to get there now!" pigil ko sa kanya pero imbes na makinig, he just continued driving as if wala akong sinabi. The heck?!
"Ihatid mo ako sa office, Yuan. I'm serious." I said in a serious mode.
"Oohh. Dianara mode." he joked as he laughed. What's funny!?
"Yuan naman eh! Take me to the office!!" pilit ko tsaka pinagkrus ng mga braso ko. I noticed him taking glances at me, maybe making sure if I'm really mad or something.
"YUAN!" I shouted at him, akala ko ay idederetso na niya ako sa opisina but to my surprise, ipinarada nita ang kotse niya sa isang Pancake House.
"Eat first, Dia." Ani niya bago naunang bumaba atsaka ako pinagbuksan ng pinto. I had no choice kaya bumaba na rin ako tsaka pumasok sa pancake house.
"Dine i-"
"Take out." putol ko sa sinasabi ni Yuan tsaka pinandilatan siya ng mata. He just shrugged and smiled so I just glared at him. Ano bang kalokohan to?
"And you didn't want to eat?" I glared at Yuan when I heard sarcasm in his voice habang nakasakay kami sa mamahalin niyang kotse. I eating my intestines out dahil sa gutom plus ang sarap pa ng pancake na in-order ni Yuan, especially the fries!!
"Shut up and drive." ani ko tsaa nagpatuloy sa pagkain.
"Geez, such a bully." I heard him say kaya siniko ko sya making him chuckle. Ugh! Pwede ba!!
"Manahimik ka na nga." Inis kong sabi tsaka kumain ulit. When we arrived at the parking lot, tapos na akong kumain, nakapag-ayos na rin and Yuan even hand me alcohol to sanitize my handa which I used in eating. Nasa elevator kami papuntang floor kung nasaan ang opisina ni Sir Vairel ng may biglang pumasok na lalaki. He is wearing formal clothes na normal lang din naman. Babaliwalain ko na sana ang presensya niya pero nang marinig ko ang sinabi niya kay Yuan, my world stilled for a moment and I was not able to move even a finger.
"Di mo man lang ba babatiin ang daddy mo?" The mysterious man asked. Daddy? Siya ba ang daddy ni Yuan? I moved a bit para ma-una ako ng konti kay Yuan tsaka para makita ko ang mukha ng lalaki and to my surprise, DADDY NGA NI YUAN!