Mine 22: Okay~

442 7 0
                                    

DIA's POV

Mabilis kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Mommy.. tuloy-tuloy ako sa paglalakad at hindi na nag-abalang tingnan kung sino ang naroroon.

Damn it! Why is he ruining my life again?! May fiance na siya!!

"Umm? Miss?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng mapagtanto kong maling kwarto pala ang napasukan.

"S-Sorry.." nahihiya kong sabi at mabilis na lumabas ng kwartong iyon atsaka pumasok sa katabing kwarto neto. I made sure to read the name of the patient first before entering. Nakakaloka iyong ganun.

"Oh? Ayos ka lang ba?" I nodded at mama when she asked me. Naka-upo siya sa isang single sofa na katapat lang ng inu-upuan ni tita Daisy. Kung paano niya napa-kalma si tita ay hindi ko na inalam.

"Aalis na ako. Andito ka na rin lang ay bantayan mo ng maigi ang kapatid ko." matigas na sabi ni tita bago tinungo ang pinto.

She's really hard on me pero hinahayaan ko lang siya.

Umupo nalang ako sa bakanteng sofa sa tabi ni Mama, ilang sandali pa ay nag-ring ang cellphone niya at nang tingnan niya kung sino iyon ay agad niyang sinagot. That was papa.

"How are you both?" nakangiting tanong ni papa. We're having a video call kaya nakikita namin siya ngayon.

"We're fine. Diasy dropped by earlier, though." Naka-ngusong sagot ni mama. Hindi ko alam kung mapapangiti ako dahil ang cute niya o mahihiya dahil sa ginawa ni tita Daisy kanina.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni papa kay mama.

"Yes. I am..." mama gave papa an assuring smile kaya napangiti na rin si papa, so did I..

MATAPOS ang tawag ay nagpa-alam muna si mama na uuwi na muna sa bahay. May bahay naman kasi kami dito sa Pilipinas, nagpa-sundo siya sa driver kaya naiwan akong mag-isa sa pagbabantay ka mama.

Nasa gitna ako ng pagbabasa ng libro ng may kumatok sa pinto. Agad ko iyong binuksan at nagtataka kong tinignan ang naroon.

It was Daren and Jade.. Naka-sakay siya sa wheelchair habang tulak-tulak ni Jade.

"Hey.. m-may kailangan kayo?" nagtataka kong tanong.

It was clear to me that Daren doesn't like me. Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa kanya kaya hinahayaan ko lang.

"Do you have time? Gusto sana kitang maka-usap." mas nagtaka ako nang si Daren ang sumagot sa akin.

"Sige." sagot ko sa kanya tsaka tinignan si Jade na pumasok sa kwarto..

"Umm.. p-pakitulak nalang ako.. S-Sa rooftop nalang tayo mag-usap." I nodded as I push his wheelchair towards the elevator to get to the rooftop. Nang makarating roon ay sinalubong kaagad kami ng malamig na hangin. Napatingin ako sa relo ko at nakitang 10 am palang pero malamig na dahil mukhang uulan ata.

"Sorry." napalingon ako kay Daren dahil sa sinabi niya.

"B-Bakit?"

"Kasi hindi mo na kasama si mommy.. Kasi lumaki kang orphan." diretso niyang sabi habang nakatingala sa akin.

Habang naka-titig sa kanya ay nakikita ko ang pagiging magkapatid namin. We both have mommy's pitch black eyes na pansin na pansin dahil da puti namin.

"di mo naman kasalanan yun." I tried to joke.

Hindi naman talaga. I'm 5 years older than him, mommy had her after leaving me. Hindi naman ako galit sa kanya.. He didn't know about me...

SS5: My Samaniego BoyfriendWhere stories live. Discover now