DIA's POV
"Good morning, mama! Papa!" bati ko kina mama at papa ng makababa ako mula sa kwarto. Naabutan ko silang dalawa na kumakain at nagkukulitan. Jusko.. kahit kailan talaga ang mga batang to.
"Good morning, Ara. Aalis ka?" napangiti naman ako ng marinig ko ang tagalog ni mama Chesh.. For the past 3 years, I've been teaching her how to speak Filipino and for the love of God, she is now good at it.
"Opo. Magkikita po kami ni Meng." sagot ko sa kanya tsaka umupo sa pwesto ko.
"Nagkakasundo talaga kayo ni Xiao Meng, ah. That's good! That kid is really well-mannered." puna ni papa na ikinangiti ko. Meng is indeed.
Natatawa pa rin ako everytime na tatawagin ni papa si Meng ng kid, maliban sa 6 years ang age gap namin ay maliit talaga siya.
"She'll curse you if she hears you say kid, pa." natatawa kong sabi na ikinatawa lang din niya.
Matapos mag-agahan ay nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. Aalis kasi si Meng at magbabakasyon kaya magkikita kami. We became friends, eventually. After we introduced each other in the stadium, we met again several times. From parties and other events and now.. we're good friends.
"Ara!!" napangiti nalang ako ng marinig ko ang boses ni Meng mula sa malayo. She's really hype. Ang cute nga eh..
"Xiao Meng!" bati ko sa kanya tsaka nagkipag-beso.
"I'm excited!"
"It's just the Philippines, Meng. There's nothing to be excited about." you heard it right, pupunta siya ng Pilipinas.
"Eeh! Ara naman eh.. You're spoiling the fun!" maktol niya na ikinatawa ko. I already taught her Filipino.. One time kasing bumisita siya sa bahay ay nasaktuhang tinuturuan ko si mommy kaya nakisali na rin siya..
"I really want to go there. My friend is there too. I met her when I went to Korea and she said she'll give me a free tour!" she cheered as she speak. Excited nga talaga siya.
Meng and I parted when 5 pm came. Maaga kasi ang flight niya bukas, dumiretso na ako ng bahay dahil wala naman akong ibang gagawin. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si mama at papa na kapwa mukhang nag-aalala.
Anong nangyayari?
"Mama? Papa?" pagtawag ko sa atensyon nila.
Kapwa silang napalingon sa direksyon ko at ganun nalang ang pag-gapang ng kaba sa dibdib ko ng makita ko ang pag-aalala sa mga itsura nila.
"Ara..." Mama Chesh whispered tsaka ako nilapitan at niyakap.
"It's your mommy.." I stiffened when I heard the word mommy.. Anong nangyari sa kanya?
"Diana's in the hospital, Ara.. She was involved in a car accident, her husband was dead on the spot habang nasa comatose naman ang anak niya." Dad explained na ikinapanghina ko.
I found out that Diana Villanueva, my school's dean ws my mother 3 years ago. I asked papa, of course, he was hesitant at first but late on, he told me. Mommy Diana didn't want me to be with papa at first but when she realized that I needed to be with papa, wala na siyang nagawa. Our conversation when we first talked as mother and daughter is still fresh from my mind..
That day...
"W-Why didn't you take me? Anak mo naman ako. Bakit hinayaan mo akong maghirap?" umiiyak kong tanong kay Dean Villanueva, my mother.
"I'm sorry, Dia.. Believe me. Ginusto ko pero hindi pumayag ang asawa ko. And Daren, hindi niya matatanggap.." umiiyak niyang sabi..
"Kaya hinayaan mo nalang ako? Ang sakit sakit na hinarap ko ang lahat ng iyon ng mag-isa tapos buhay na buhay naman pala kayo"
I was so angry that day, even at papa pero ilang araw lang napatawad ko na rin sila. What's the use of blaming them? Magkakasakitan lang kami.
"P-Papa.." tawag ko kay Papa habang naka-upo ako sa malaking sofa..
no.. not mommy..
"I-Is she okay?" I'm scared. Mas close kami ni mama Chesh pero she's still my mom! I can't lose her!
"She's now under operation. If you want to go, Ara, you can. Use the plane but I can't come with you, masyado akong busy-"
"I'll go. Ako na ang sasama sa kanya." putol ni mama chesh sa sasabihin ni papa.
Papa looked at her proudly tsaka ito hinalikan sa pisngi. Mama rushed to their room and took her things at ganun din ang ginawa ko. Hours later ay lulan na kami mg eroplano patungong Pilipinas.
Please be okay, mommy.
"Ara? Wake up.." nagising ako sa marahang pagtapik ni mama sa akin.. We already landed kaya tumayo na ako.
Sumakay kami sa kotse ni papa papunta sa hospital kung nasaan si mommy. Sa pagkaka-alam ko ay isang magandang hospital iyon. Nang marating namin ang hospital ay mabilis akong nagtungo sa nurse station upang itanong kung nasaan si Mommy.
"Diana Villanueva?" I asked her.
"Operating Room 3, po." sagot ng babae kaya mabilis akong tumakbo papunta roon, I saw a girl in front of the Operating Room 3, umiiyak ito at halos hindi gumagalaw.
"Jade.." tawag ko dito.. Agad namang lumingon si Jade sa akin at mabilis na tumayo at tumakbo para yakapin ako.
"D-Dia.. si Tita Diana..." she cried as she wrapped her arms around me. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.
She's Jade Francisco, she's Daren's girlfriend.
"S-Si Daren?" I can feel my tears falling as I guided Jade to sit. Naka-harap kami sa operating room at hinihintay na matapos ang operasyon. Mama Chesh bought coffee for the both of us, tumigil na rin sa pag-iyak si Jade at medyo kumalma na rin ako. Mom's gonna be fine. She won't give up this easy.
"Napuntahan mo na ba si Daren?" Jade asked. Umiling lang ako. Daren and I are okay, civil kumbaga, he's my little brother naman, it's just that, I want to know about mom's condition for now..
"S-Sige.. doon na muna ako sa kanya." tumango lang ako at hinayaan siya. Naramdaman ko ang pag-upo ni Mama Chesh sa tabi ko at marahang sinuklay ang maiksi kong buhok.. I cut my hair last year at hanggang ngayon ay maikli pa lang ang itinaas niyon, but I love it. Bumagay rin naman kasi sa akin.
"She's gonna be fine, Ara."
"I hope so, Ma. Hindi pa ako handang iwan niya. There's still so many things that I wanna do with her." My tears instantly fell as I leanon Mama Chesh' shoulders. Masuyo niya akong inaalo habang bumubulong ng mga nakakagaang salita.
"Alam ko. Have faith, Ara.."
DALAWANG oras ang nakalipas bago lumabas ang doctor ni mommy. He said that that operation was successful at kailangan lang na magising ni mommy with in 48 hours para hindi siya ma-diagnose ng comatose. I have faith that Mommy is gonna wake up.. I know it.
I was on my way to the canteen para sana bumili ng makakain ng maynabangga akong babaeng maliit lang ang height habang may wavy na mhabang buhok.. Seryoso lamang ang mukha niya habang nakatingin sa akin bago pinulot ang mga nahulog niyang gamit, agad ko naman siyang tinulungan, I still have my share of fault because I bumped into her.
"Thank you." sabi niya na ikinangiti ko lang. Napatitig naman ako sa mukha niya. Napaka-pamilyar ng hugis ng mukhang iyon. Yung mga mata niya.. kilala ko siya!!
"By the way, I'm Valerie Samaniego. The Hospital's Director." nakangiti niyang pakilala sa akin.
I knew it! I know her!!
Valerie Samaniego!! She's Y-she's his cousin!!
"I'm.. A-Ara. I'm Ara Zhang.." I introduced and took her handshake as I gave her my sweet smile.