Mine 4: Pitiful Yuan

536 5 0
                                    

DIA's POV

Naglalakad ako papuntang school. Okay na rin to, ehersisyo na rin. Ugh! Sino bang niloloko ko? Ang totoo niyan, wala na akong pera para magtricycle o kaya mag jeep. So lakad-lakad muna. Kaya kailangan kong mag-aral at maka-graduate eh.

"Good morning, Kuya Kaloy!" Bati ko kay Kuya Kaloy na Guard ng school namin. Sa San Juan State College ako nag-aaral. Ito lang din kasi ang college na malapit, yung iba naman ang mahal ng tuition, so far, ito ang pinakamura. Kumukuha ako ng Business Ad course dahil wala namang Fine Arts or kahit anong kurso na related sa arts dito. Si Kitten Vasquez naman na bestfriend ko ay dito rin nag-aaral. Blockmate ko siya, we've been friends since high school. Ang totoo niyan, mayaman talaga sina Kitten pero dito siya pinag-aral ng parents niya dahil kailangan daw makihalubilo ni Kitten sa mga kababayan niya tsaka baka mag iba daw ang ugali pag sa mamahaling school and Kitten totally agreed. Hindi rin naman sosyalin na mayaman si Kitten.

"Good mo-oy! Bawal kang pumasok!" sita ni Kuya Kaloy sa akin kaya nagtatakang tumingin naman ako sa kanya. Aba!

"Bakit naman? Alam mo ba kung gaano kalayo ang nilakad ko papunta dito, Kuya Kaloy? Halos mapudpod na nga yung sapatos kakalakad tapos di mo lang pala ako papapasukin? San itinext mo nalang ako para hindi na ako tumuloy half-way pa lang!" Naiinis kong sabi. Napaka-walang puso talaga ni Kuya Kaloy.

"Aba, eh! Ang dami mong sinabi. Wala kang I.D. Nakita mo to? No I.D. No Entry!" Itinuro pa niya ang isang sticker sa gate. Kinapkap ko naman ang leeg ko tsaka ko lang na-realize na wala akong suot na I.D! Nalintikan na!

Paano na to? Kailangan kong magbayad kahit kalahati man lang kundi next year pa ako makaka-graduate! Ayaw ko na!

"Ano? Wala no? Ayan kasi ang dami mong sinasabi." Panghuhusga ni Kuya Kaloy, tumatawa-tawa pa siya kaya nainis naman ako lalo.

"Napakawalang puso mo naman, Kuya Kaloy. Hindi mo alam ang hirap ko bilang isang working student para lang makapag-aral tapos tinatawanan mo lang ako? Ganyan ba ang trabaho mo? Tapos hindi mo ako papapasukin? Eh paano yung mga tumatakas hindi mo naman hinahabol! Nag-aaral ako ng mabuti at dahil lang hindi ko nadala ang I.D ko ay hindi mo ako papapasukin? Ikaka-unlad ba ng Pilipinas yan? Kailangan ng bansa natin ang mga kagaya kong nagpupursige Kuya Kaloy! Papasukin mo na ako!" Madamdamin kong sabi kay Kuya Kaloy na tinitigan lang ako na para akong baliw na daga na nasa gitna ng kalye.

"Kunin mo nalang yung I.D mo." tanging sabi niya.

"Pero Kuya Kaloy! Ang layo nung apartment ko! Apat na kalye yun tapos mukhang uulan pa! Sige na, Kuya. Magbabayad lang naman ako eh!" Pagmamakaawa ko sa kanya nakita ko ang pagbuntong hininga ni Kuya Kaloy bago nilakihan ang pagkabukas ng gate kaya tuwang tuwa akong pumasok.

"Thank you talaga Kuya!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo papuntang cashier. Ito lang ang gagawin ko ngayong araw, the rest, ay maghahanap na ako ng pwede kong pag OJT-han.

"Good morning, po. Eto po muna ang bayad ko." Nakangiti kong sabi sa babae sa cashier. Binilang niya ng limang libong iniabot ko tapos naglahad ng kamay.

Ha? Kulang ba?

"Ah.. eh yan lang po yung pera ko eh." Nagdadalawang isip kong sabi. Patay ka talaga Dia.

"Tanga. I.D mo." Ay.. Ang harsh naman ni Ms. Cashier.

"Ah. eh, pwede ko po bang isulat nalang ang kailangan? Naiwan ko po kasi yung I.D ko eh." Sabi ko sa kanya tsaka nag-puppy eyes. Please work. Tumingin naman sa akin ng babae.

"Sige." My eyes widened. Talaga?

"Talaga po! Ano po ba ang-"

"Sige, bumalik ka nalang. Hindi pwede." diretsong sabi niya bago ibinalik sa akin ang pera ko. Napapikit nalang ako. Last day na nang pagabayad ngayon, nakakapagod umuwi.

SS5: My Samaniego BoyfriendWhere stories live. Discover now