Mine 11: I love you~

494 7 0
                                    

DIA's POV

"Basta pagdating mo dun, ibigay mo kay Kyla iyang mga folders." Reggie instructed again.

"Paano ko makikilala yung Kyla?" I asked again. Kanina niya pa ako pinagsasabihan, sobrang busy kasi niya, aalis na pala yung si sir Vairel kaya todo ayos nila ng mga papeles at trabaho na maiiwan. Isasama siya, gagawin ata siyang personal secretary, ang swerte niya dahil may permanente na siyang trabaho.

"She has a red hair, Dia." naiiling niyang sabi. Red? Allowed ba yun sa opisina?

"Red? Pwede yun?" I asked out of curiousity.

"Yeah. Sa kanya, pwe-wait.. sige na ihatid ko na yan, mamaya na tayo mag-usap." mabilis niyang sinagot ang telepono kaya lumabas na rin ako. may pinapahatid kasi syang mga folders sa opisina ni Mr. Baker tapos kay Kyla ko raw ibigay, si Kitten kasi ayun, isinama ni Vairel dahil may meeting na pupuntahan.

Nasa parehong palapag lang naman ang opisina ni Mr. Baker kaya madali ko lang iyong nahanap. I knocked on the door several times bago ko pinihitang door knob. Agad kong nakita ang isang maputing babae na naka-upo sa harap ng mesa, naglalaro ito ng kung ano pero ang lubos na umagaw ng atensyon ko ay ang pula niyang buhok. Pula! Red! So ito yung Kyla?

"Yes?" Tanong niya sa akin. I smiled at her tsaka naglakad papalapit sa kanya.

"Reggie told me to give this to you." sagot ko sa kanya. Tumayo naman ang babae tsaka ngumiti rin sa akin. Her perfectly lined white teeth are showing and making me envious, ang ganda ng ngipin niya. Ganyan din kay Yuan!

"Thank you, kanina pa hinihintay nung halimaw sa loob to." She said pouting kaya napangiti ako. ang cute naman niya.

Teka, Halimaw?

May halimaw sa loob?

Umalis na rin ako agad matapos makapagpaalam. Lunch na ng makabalik sina Kitten kaya diretso na kaming canteen. Mabuti pa dito, libre ang pagkain, sa school hindi. Nakakabilib talaga itong kumpanya nila Yuan, pinapahalagahan talaga iyong mga tao, sana pag nag-apply ako dito sa susunod matanggap ako.

"And he was so serious! Ang laki ng ngiti nung kausap niya pero wala lang siyang imik! Nakakatakot pa." reklamo ni Kitten habang naka-upo kami dito sa mesa namin. Umo-order pa sina Lea at Reggie kaya malaya kaming nagtsi-tsismisan.

"Ganun na ata talaga yun." kumento ko. Nag-rereklamo kasi sya kay sir Vairel, parang bato raw kanina.

Akmang may sasabihin pa siya ng biglang may tumawag sa akin. Agad ko naman iyong nilingon. Si Kyla.

"Dia!" mabilis itong naglakad patungo sa direksyon namin. nagtatanong naman ang tingin ni Kitten, hindi niya nga pala kilala si Kyla.

"Ang dami ko ng karibal sayo." she said pouting kaya natawa nalang ako, in the end, natawa na rin siya.

"Pwedeng pasabay?" Kyla ask while smiling kaya tumango na rin ako. Alangan naman sabihin kong huwag no?

"Nga pala, Kyla, si Kitten, kasama kong nag-o-ojt dito. Kit, si Kyla. Secretary dito."  pakilala ko sa dalawa. Nakipagkamay naman agad si Kyla kay Kitten, ang flexible ni Kyla, friendly ata talaga siya.

"Kyla? Anong ginagawa mo dito?" Lea asked. Di na ako magtataka kung magkakilala sila.

"Lunch. Busy si boss." Kyla answered nonchalantly tsaka dahan dahang inilabas ang kanyang baon. May tatlong plastic containers siyang inilabas na naglalaman ata ng pagkain. Bakit siya nagbabaon? Mukhang masarap pa yung baon niya.

"Swerte talaga pag may asawang tagaluto." Lea teased na ikinguso lang ni Kyla.

She's married?

"Dapat lang magluto siya, lalayasan ko talaga siya." natatawang sabi ni Kyla na ikinailing lang ni Lea. Nagsimula na kaming kumain. Si Kyla ang pasimuno ng usapan, ang dami niyang sinasabi, nakikisali rin kami ni Kitten at nakikitawa rin, si Reggie din na kahit lalaki ay hindi nagpapahuli sa usapan namin. Ang tsismoso niya sa totoo lang pero in a good way naman... siguro.

SS5: My Samaniego BoyfriendWhere stories live. Discover now