DIANARA's POV
Basa man ay nakangiti pa rin ako ng makapasok ako sa maliit kong apartment. Maliit pero masaya na ako. May isang kama sa gilid ng bintana, may electric fan, maliit na mesa, may isang maliit na cabinet na may mga libro at mga gamit ko, tapos isang shoe rack na lalagyan ng mga pinakamamahal kong mga sapatos tapos syempre naka-display ang mga certificates at trophies ko.
"Kung di lang sana talipandas ang may-ari ng kotseng yun, edi sana hindi ako mukhang nahulog sa kanal!" Maktol ko habang naglilinis ng katawan. Ka-bwesit!
ILANG oras ang nakalipas ay nasa kama na ako, nakahilata habang pinapanood ang isang dance video ng paborito kong dancer. Ang gwapo niya kasi tsaka ang galing pa niyang sumayaw.
"You rock my world na talaga Hobi." Ani ko.
"Speed!" I blurted ng makita ko ang alaga kong pusa na nasa may bintana na pala. Saan ba siya galing?
"Speed!" I smiled.
"meow." sagot ng pusa kong sobrang bagal kumilis. Bakit nga ba speed ang ipinangalan ko dito?
"Kumain ka na!" sabay bigay ko sa kanya ng kanin at sardinas. Tapos ay naghanda na ako para sa trabaho. Wala naman akong pasok ngayon kaya sa orphanage ang bagsak ko.
Hays.
"Good morning, people!" bati ko sa mga tao na nasa may garden. Mukhang mag-aagahan palang sila! Swerte nga naman!
"Good morning, Ate Dia!" bati sa akin ni Jennifer, isang 7 years old na batang babae na magaling kumanta. I really love her voice though, magaling din siyang sumayaw.
"Ate Dia! Nakuha ko na po yung tinuro niyo sa akin last class!" Bati sa akin ni Fort, pinakabata dito sa orphanage, he's 5 years old and he dance like a robot.
"Good! Ikaw, Gin?" tanong ko kay Gin my man. Ang seryoso din ng isang to, masyadong seryoso sa buhay para sa isang 11 years old. Nakakaloka.
"Okay na po yung tinuro niyo." sabi niya pa.
"Pati po sa akin, Ate D. Tinulungan rin po ako ni Ate Chey." sabi ni Chi.
Di nagtagal ay dumating na rin ang iba pang mga bata. Bale, 16 silang lahat dito kasama na ang mga heads, idagdagdag si Kaegan kaya 17 na sila. May 4 na heads, si Bruce, si Shaz, Migz at Nova na nasa edad na 25 pataas na. Si Manang Rosa naman at si Ate Roselyn na anak ni Manang ang kasama nila dito. Pati si Chey, Crysh, Trek, Al and Sim naman ang mga iba pang katulad kong dito nagtatrabaho pero di na dito nakatira.
"Kainan na!!" I heard someone said, mukhang si Fred yun, he's one of the most gutom always kasi.
"Mamaya na. Wala pa ang bisita natin." napalingon naman ako kay Ate Roselyn, may bisita kami?
"Huh? May bisita po?" Jane asked.
"Oo. Siguradong masisiyahan kayo. May mga pasalubong siya sa inyo!" dagdag pa ni Manang Rosa.
Talaga?! I love gifts!
"Wow, excited na ako. Sino kaya?" Rinig konh sabi ni Jennifer. Ako rin!
"Gutom na ako." I heard Fred's voice again kaya natawa nalang ako. Ako rin eh!
"Hi, Kaegan!" bati ko sa bata kahapon.
"Key nalang po, Ate Dia." sagot niya. Key, nice.
"Kilala mo na ako?" Tanong ko.
"Opo. Nai-kwento ka na po ni Ghandi kagabi." si Ghandi? Kinausap siya ni Ghandi?
"Si Ghandi?" pagkaklaro ko.
"Opo, naglaro po kaming tatlo nila Gin." sabi niya pa na ikinalaglag ng panga ko. Pati si Gin?!
I was about to say something ng may magsalita.
"Mga bata, mauna nalang kayong kumain, alam kong gutom na kayo." Ate Roselyn said kaya nagsi-kuha na ng pagkain ang mga bata. Ang daming pagkain! Gutom na gutom na rin ako!
I was about to take my food when I heard Manang Rosa's voice.
"Dia, mga bata muna." napabuntong hininga nalang ako. Gutom na ako..
"Sino po ba iyong bisita, Manang?" Crysh asked. Crysh is really wierd. She looks like a lesbian! But she's not! Para siyang tomboy kasi laging joggers ang suot niya atsaka jersey shirt tapos naka-cap pa lagi. She's Chey's exact opposite. They're twins by the way. Chey is so sweet and girly na minsa nakakasawa na. Para siyang nakalunok ng unicorn sa kakulitan.
"Ah, yung may-ari ng orphanage." sagot ni manang na ikinagulat naming lahat.
"po?! YUNG MAY-ARI?!" okay, we're over reacting but hell! Yung may ari raw! For sure matanda na yun, ilang taon na rin ako dito eh! Makikilala ko na siya!
Ilang taon ko ring gustong makilala yun!
I wanna see him dance! Oh my g! Pero baka sumakit na ang likod nun pag sumayaw.
"Oo. Kahapon pa siya rito. Dito muna siya mananatili." sabi pa ni manang. TALAGA?!
"Waah! nakaka-excite naman! Sana makilala ko siya!" Chey shrieked. Ako rin!
"Oo naman. Makikilala niyo siyang lahat." sabi pa ni manang habang nakangiti.
Excited na excited na tuloy ako!
Sinabihan na kami ni manang na magsi-upo na dahil nandiyan na raw si Sir. Kaya naman umupo na rin kami. Malas ko lang kasi nakatalikod ako sa pinto. Di ko siya agad makikita!!!
"Mga bata, batiin niyo ng magandang umaga si Kuya Yuan niyo." utos ni Manang kaya..
"GOOD MORNING PO KUYA YUAN!" bati naming lahat. NAMIN. Ako, si Chey, si Crysh, Trek, Al at Sim.
"Hahahaha." I heard a sweet laugh. Kanya ba yun? Bakit parang di naman matanda?
"Magandang umaga rin. Uhmm, I'm Yuan Samaniego, you kids can call me kuya Yuan or Kuya Yu but for you six, just call me Yuan or Yu." sabi niya kaya napatingin agad ako sa kanya.
Pero, bago ko pa man tuluyang makita si Yuan ay may tumama nang medyo matigas na malambot na basang bagay sa mukha ko.
ANO YUN?!
"Hala! Sorry ate Dia!" I heard Tallie's small voice. Ugh! For sure cupcake to.
"Tallie.. is this cupcake?" I calmly asked her. Madali kasi siyang umiyak eh.
"o-opo ate." she answered.
"Okay.. okay.. It's okay." I whispered habang naghahanap ng tissue. Nakakahiya!!!
"Here." rinig kong sabi ng isang baritonong boses tsaka nakita ko ang isang kulay berde na panyo na nasa harap ko.
Berde.
I love GREEENNN!
"S-Salamat." kuha ko tsaka pinunas sa mukha kong may icing ng cupcake.
Nagkaroon na tuloy ng kulay ubeng icing ang Grene Handkerchief na to.
Teka! Kanino ba to?
A-Ang bango!?
"Lalabhan ko nalang muna to- b-bago ko.. i-ibalik sa i-i-iyo..." Nauutal kong saad nang makita ko na kung sino ng may-ari ng panyong iyon!
A-Ang gwapo!
A-Ang tangkad!
A-Ang bango!
Wha-Legal ba tong ganitong lalaki? T-Teka! Sino ba tong lalakin-wait.. s-siya ba yung may-ari ng orphanage?!
"Umm..." I stared at him as he try to utter something.
Ang g-gwapo ni-
"Burn baby burn, bo-wow-wow."